James Silver
Fiction
Dalawang taon na rin ang lumipas simula nung iwan kami ng
mga magulang namin sa mundong ito. Sabay silang namatay sa aksidente na ayaw ko
nang alalahanin pa. Hanggang ngayon parang natutuliro pa rin ako sa tuwing
maiisip ko ang masalimuot na sinapit nila. Pero ngayon ay ayos na ako, iniisip
ko na lang na masaya na sila kung saan man sila naroroon. Ang kailangan ko na
lang gawin ay magpatuloy sa buhay kasama ng aking dalawa pang nakatatandang
kapatid.
Si ate Belle ang panganay namin 25 na sya at nagtatrabaho
sya bilang supervisor sa isang department store. Ang pangalawa naman ay si kuya
JP, 23 at sa isang call centre naman sya naghahanap buhay. Ako ang bunso, Lance
ang pangalan ko pero “tart” ang tawag sakin ni ate at kuya dahil sweet daw ako
nung bata ako. Ganun din dati ang tawag sakin nila mama at papa. 19 na ako,
turning 20 this December. Nag-aaral ako ng kolehiyo sa isang unibersidad dito
sa Quezon City.
Simple lang ang pamumuhay namin. Nakakabili kami ng mga
pangangailangan namin at kung minsan kinakapos pa rin. Sa amin naman kasing
tatlo, ako lang naman ang nabuhay sa luho eh, spoiled kasi ako sa ate at kuya
ko hanggang ngayon. Kung ano hingiin ko, ibinibigay nila, pero minsan
nasesermonan ako ni ate pagka medyo napasobra ang hingi ko, tapos ngingitian ko
lang sya at yayakapin. Si kuya? Wala lang, kahit ano hingiin ko sa kanya hindi
sya nagrereklamo pero minsan nagagalit din sya pag nalaman nyang ginabi ako ng
uwi.
Sabado ng umaga, tanghali na ako nagising wala namang pasok
kaya hindi pa sana ako babangon. Pero biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto
namin ni kuya.
“Tart, bumangon ka na dyan at kumain ka na dito. Bilisan
mong bumaba, papasok na ako.” Sigaw ni
ate sa akin.
“Oo ‘te, liligpitin ko lang ‘tong hinigaan ko.” Sagot ko.
Parang ambigat ng katawan ko nung bumangon ako. At paglinga
ko sa paligid ay nandoon na pala si kuya sa kama nya. Mahimbing na natutulog.
Nakaboxer shorts lang sya at wala syang pangitaas. Bumaba ako ng kama at
lumapit ako sa kinaroroonan nya.
“Angwapo talaga ng kuya ko, Hmm! Kung hindi lang kita kuya
malamang ginahasa na kita kanina pa.” sabi ko sa isip ko habang gumagapang ang
tingin ko mula sa mukha nya pababa sa malapad nyang dibdib sa abs at syempre sa
umbok nya na matagal ko nang inaasam na makita at mahawakan. Napangiti ako sa
mga iniisip ko dahil parang napakaaga pa para maglaway ako sa kuya ko. “Psst!
Masama yang iniisip mo, magkapatid kayo.”sabi ng konsensya ko.
Mga ilang minuto na rin pala akong nakatitig sa kanya ng
bigla na namang sumigaw si ate na naging dahilan para maalimpungatan si kuya.
Ako naman ay nagulat at bigla akong napatalon muli sa kama ko.
“Tart! Ano ba! Sinabing papasok na ‘ko eh, bahala ka hindi
kita bibigyan ng allowance mo, sige ka.” Sabi ni ate.
Pupungas pungas si kuya nang imulat nya ang mga mata nya. Na
parang medyo napasimangot dahil sa sigaw ni ate.
“Ano ba yan si ate, tsk! Aga aga, sigaw ng sigaw. Bumaba ka
na kasi dun tart, alam mo namang hindi ka titigilan nyan eh. Hindi tuloy ako
makatulog ng maayos dahil sa inyo.” Reklamo ni kuya habang nakakunot pa ang
noo.
Tumayo ako at iniligpit ko na ang hinigaan ko. Nang matapos
ako ay kaagad akong bumaba. Pagbaba ko naman ay umamba si ate na kakaltusan ako
nang makita nya ako.
“Tsk! Malelate ako ng dahil sa ‘yo eh. Oh, ito yung
allowance mo. Baka pag-uwi ko mamaya hindi ka pa nakapagsaing ah, kakalbuhin na
talaga kita.” Parang gigil na gigil si ate.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
“Bye ate, I love you.” Paglalambing ko sa kanya.
“Naku! Wag mo akong daanin dyan sa pagpapacute mo ah. Gulpi
ka talaga sa akin pag walang sinaing dyan mamaya, yun na nga lang pinapagawa ko
sa ‘yo eh.” Sabay pisil nya sa pisngi ko.
Pagkatapos ay tumuloy na sya sa pagpasok.
Ganyan kami maglambingan ng ate ko. Sobrang bait nya pero
hindi mo gugustuhing makita syang nagagalit. Dahil mas nakakatakot pa sya kesa
kay Celia Rodriguez. Maganda si ate kaya may pagkapihikan din sya sa lalake.
Kaya pag nagkaboyfriend ay siguradong pangmatagalan. Katulad na lang ni kuya
Edrick na halos mag-aanim na taon nya nang kasintahan. Halos araw araw sya kung
magpunta dito sa bahay, pero itong mga nakaraang linggo ay madalang ko na syang
makita. Hindi ko naman alam kung bakit. Ayaw ko namang mag-usisa kay ate dahil
pagdating sa mga personal na bagay ay ayaw kong nangingialam sa mga kapatid ko.
Pagkalabas ni ate ay agad akong naghilamos at nagmumog.
Kumakain ako mag-isa sa lamesa nang marinig kong may bumababa sa hagdan. Si
kuya JP papunta sa lababo at naghilamos. Ang ganda talaga ng katawan nya kaya
sa tuwing titigan ko sya ay hindi ko mapigilang tigasan. Lalo na nung humarap
sya, napanganga na lang ako dahil nakita ko yung malaki nyang bukol sa harapan
nya. Parang nawalan ako ng gana sa pagkain dahil iba na ang gusto ko kainin.
“Wui! Anong tinutunganga mo dyan? Kumain ka nga ng maayos
dyan, kung ano ano yang tinitingnan mo.” Sabi ni kuya sabay ngiti ng
mapang-asar. Natauhan naman ako sa ginawa nya, at kinabahan ako ng matindi
dahil mukhang nakita nya kung ano ang tinititigan ko. Pero para maiba ang issue
ay nagtanong na lang ako sa kanya.
“Oh! Kuya bakit gumising ka na? Konti pa lang tulog mo ah.”
Tanong ko.
“Hindi na ako makatulog, ang ingay nyo kasi ni ate kanina
eh. Babawi na lang ako mamaya, nagugutom na rin kasi ako.”sagot nya sa akin.
Pagkatapos nun ay kumuha sya ng plato at tsaka umupo sa
harapan ko para kumain na rin.
“May girlfriend ka na ba tart? Bakit wala ka yatang dinadala
dito?” nagulat ako sa tanong na ito ni kuya.
“Huh? Ah, wala pa, baka kasi magalit si ate pag
nag-girlfriend ako. Baka sabihin nya pinababayaan ko ang pag-aaral ko.” Sagot
ko sa kanya.
“Naku! Natural lang naman na magkaroon ka ng girlfriend eh,
inspirasyon ‘yon. Ako nga eh, nung naging girlfriend ko si ate Regine mo tumaas
yung grades ko nung nag-aaral pa ako. Dahil sinisipag ako mag-aral, kasi
matalino ‘yon, kaya ayaw kong mapahiya sa kanya. Tingnan mo, kami pa rin
hanggang ngayon.” Kwento ni kuya.
Kung patagalan nga pala ng syota ay wala na sigurong tatalo
kay kuya. Naging girlfriend nya si ate Regine nung 3rd year high school pa sya
at hanggang ngayon na nagtatrabaho na sya ay sila pa rin. Mukhang tuloy na nga
sila sa kasalan eh. Magsasampung taon na sila, hindi ko nga alam kung paano
sila nakatagal ng ganun eh. Hindi pa kaya sila nagkakasawaan? Sabagay ako nga,
mula noon hanggang ngayon crush ko pa rin si kuya pero never ako nagsawa sa
mukha nya. Pero iba naman ako, kapatid nya ako eh. Si ate Regine naman ay
hindi, pero sa tingin ko mahal na mahal nya talaga si kuya. Napakabait rin
naman kasi nun, maganda pa kaya nga crush ko rin yun eh. Napapatunganga ako
dati pag nakikita ko sya, sabay bigla nya akong ngingitian. Hanggang sa
pagtulog ko nakikita ko yung mga ngiti nya sa akin. Muntikan na nga akong
mainlove dun eh, bigla ko lang naisip na girlfriend nga pala sya ni kuya.
“Tsaka na lang, pag hindi na ako masyadong busy sa school.
At tsaka wala pa akong nakikitang para sakin eh.” Sabi ko kay kuya.
“Wala pang nakikita o baka naman kasi iba ang gusto mo.”
Sabi nya sabay ngiti.
“Sira ka kuya, kung ano ano iniisip mo.” Sabi ko sabay
simangot.
“Bakit hindi ba? Crush mo nga ako diba?” tanong nya at may
kasamang nakakainis na ngiti.
“Kapal mo, kelan kita naging crush? Mas cute naman kaya ako
kesa sa ‘yo noh.” Sabay simangot ko.
“Sus! Kunyari ka pa, ayaw mo pa aminin. Kakosa ka ba?
Hahahahaha!” sarkastikong tanong nya na talaga namang ikina-asar ko.
“Ewan ko sa ‘yo kuya.” Sabi ko sabay binilisan ko ang pagkain
ko at tsaka tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko.
“Tart! Wui, binibiro ka lang eh. Bahala ka, hindi ko
dadagdagan yang allowance mo.” Sabi saken ni kuya. Dahil ‘yon ang pinakamatindi
kong kahinaan ay bumalik ako sa upuan, sa harap nya. Inilahad ko ang kamay ko
sa harap nya na para bang hinihingi ko na ‘yong allowance na ibibigay nya.
“Naku ka, tampo tampo ka pa dyan. Hindi mo nga ako crush,
ang tingin mo kasi saken ATM. Tsk! Ibibigay ko mamaya, pag naghugas ka na ng
plato.” Sabi ni kuya.
“E, ayoko tsk! May sugat ako sa kamay oh.” Sabay ipinakita
ko sa kanya yung nahiwa ng kutsilyo kahapon habang naghuhugas din ako ng plato
nun. Si kuya lang ang kaya ko dramahan ng ganito. Dahil kung kay ate ko gagawin
ito ay siguradong katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko.
“Aba, totoo nga ah. Sige ako na lang maghuhugas kunin mo na
lang yung wallet ko dun sa kwarto. Baka kupitan mo pa ako ah! Isusumbong na
kita kay ate.” Pananakot nya, dahil madalas ko nga syang kupitan. Actually
hindi naman talaga kupit ang tawag dun, kasi sinasabi ko naman sa kanya agad
pag nagastos ko na hahaha.
Kinuha ko ang wallet nya at binuksan ko para makita ko kung
magkano ang laman. “Aba mukhang kakasahod lang ah. Mabaet ako ngayon, hindi ko
sya kukupitan.” Sabi ko sa sarili ko. Bumaba na ako at dinala sa kanya ang
wallet nya. Pagkaabot ko sa kanya ay agad nyang tiningnan ang laman nun at
parang binibilang pa nya.
“Magkano kinupit mo dito ah?” tanong nya habang ngumunguya.
“Wala akong kinupit dyan ah, bilangin mo pa.” sagot ko.
Pagkatapos nun ay iniabot nya sakin yung 500.
“Tsk! Ito lang?! Kulang ‘to kuya. 500 lang din binigay ni
ate sakin eh. Papano ko naman yan pagkakasyahin ng dalawang linggo.” Reklamo ko
sa kanya. Pero ang totoo 1,5k ang binigay ni ate na pang-allowance ko sa
dalawang linggo. Hindi naman sila nagtatanungan tungkol sa mga ibinibigay nila
sa akin kaya malakas ang loob ko.
“Haynaku, kuripot talaga nun ni ate. Oh! 500, 1k na yan ah
baka reklamuhan mo pa ako.” Sabi ni kuya.
“Kuya, dagdagan mo pa, please!” pacute kong pagkakasabi.
“Hehehe! Ayos ka tart ah, hindi ka nga nangupit, parang
hinold-up mo naman ako. Oh ayan na, tama na yan!” Sabi ni kuya sabay lapag ng
wallet nya at muling kumain.
“Thank you kuya. I love you.” Sobrang saya, malaki na naman
ang kinita ko sa pang-uuto ko kay kuya hahaha.
“Hmp! Wala man lang akong pakonswelo. Hindi mo man lang ako
magawang ipagligpit ng kama ko. Tuwing darating ako, kung papaano ko iniwan
ganun ko pa rin aabutan. Pagod na nga si kuya sa trabaho eh.” Paawa ni kuya sa
akin.
“Sige! Liligpitin ko na ‘yong kama mo mamaya.” Sabi ko.
“Wag na, sumakit pa yang SUGAT mo tsk.” Nilaksan nya talaga
yung pagkakasabi ng sugat. Hahaha maliit lang naman kasi. Ganyan talaga si
kuya. Sa kanilang dalawa ni ate sya ang nauuto ko ng walang kahirap hirap.
Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta na ako sa sala at
binuksan ko yung t.v., Walang magandang palabas kaya binuksan ko yung dvd at
isinalang ko yung anime na one piece, na binili ko kahapon. Mga 15 minutes lang ang nakalipas at natapos
na rin si kuya sa pagkain at paghuhugas nya ng plato. Pumunta rin sya ng sala
at nagsindi ng isang stick ng yosi. At sinabayan akong manood, alam ko namang
paborito nya rin ito eh. Ang totoo nyan, naging paborito ko ‘to dahil sa kanya.
Sya talaga ang original na adik sa anime na ‘to.
“Sus! Late ka naman masyado. Mga mahihina pa sila nyan eh.
Sa net ka na lang kaya manood. Updated doon sa watchop.com. oh kaya magbasa ka
ng manga para mas latest yung mga episodes. Tagal na nyang pinapanood mo eh.”
Sabi nya. Sabi ko sa inyo eh, sya talaga ang adik dito.
Habang nanonood kami ay biglang may nagtext kay kuya.
Anlakas kasi ng tunog ng cellphone nya kaya rinig mula kwarto hanggang sala.
Nilalaksan nya talaga ‘yon pag nasa bahay sya dahil madalas nya ‘yong maipatong
kung saan at hindi nya na matandaan pag hinahanap nya na. Dali dali syang
umakyat para kunin yung cellphone nya. Pagbaba nya ay nakatapat na sa tenga nya
yung cellphone at may kinakausap na.
“Dito ‘ko sa bahay hon. Sunduin ba kita dyan? ... Ah, ok sige hintayin na lang kita dito… I
love you too.” Sabi ni kuya sa kausap nya sa cellphone. Hon ang sabi nya kaya
siguradong si ate Regine yun.
“Pupunta si ate Regine mo dito, ipagtimpla mo ng kape ah.
Mas gusto nun na ikaw ang nagtitimpla kesa sa akin eh.” Utos ni kuya.
“Oo naman, hindi mo
na kailangan sabihin.”basta pagdating kay ate Regine ay todo asikaso ako. Gusto
ko kasing kumportable sya sa bahay. Inaasikaso ko sya habang nag-uusap sila ni
kuya.
Kalahating oras lang ang lumipas at dumating na nga si ate
Regine. Wow! Na lang nasabi ko at napapatunganga na naman ako sa kanya. Hindi
sya nagbabago, siguro diwata sya, kasi mula noon hanggang ngayon pareho pa rin
ang kagandahan nya eh. Isa pa hindi sya katulad ng iba na todo effort sa pagme-make-up
para magmukhang maganda. Sya hindi, polbo nga lang yata ang ginagamit nya eh.
Para syang ilaw na nagpapaliwanag sa buong kabahayan sa tuwing makikita ko sya.
Sa kakatunganga ko ay hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala sya. Bigla
na lang naramdaman ko ang pagpisil nya sa pisngi ko kaya natauhan ako.
“Angcute mo talaga! Effective pa rin ang beauty ko sa
kapatid mo ano hon?” sabi ni ate Regine.
“Oo nga, kaya nga hindi yan magkagirlfriend eh. Mukhang
hinihintay tayong mag-break, para sya naman manligaw sa ‘yo.” Si kuya.
“Hahaha! Ganun ba gusto mo Lance? Sige ibebreak ko na kuya
mo, para maligawan mo na ako ha.” Sabi ni ate Regine sabay tawa nilang dalawa
ni kuya.
“Oh, ano na? Kumustahin mo si ate mo. Nakatunganga ka na
lang dyan, sabi mo ipagtitimpla mo sya ng kape.” Sabi ni kuya.
“Hi! Ate, tagal mong hindi pumunta dito ah. Namiss kita.
Gusto mo ng kape?” tanong ko kay ate Regine. Ngumiti lang sya at tumango.
Nagpunta na ako sa kusina para maipagtimpla ko sya ng kape. Pagbalik ko ay
nakita ko silang nagkiss. Medyo nakaramdam ako ng selos, pero sanay na naman
ako kaya mabilis lang nawawala yung sakit sa loob ko. Ang mahalaga masaya
silang dalawa, masaya na rin ako.
Pagkatapos maubos ni ate Regine ang kapeng tinimpla ko ay
umakyat na sila sa taas. Ako naman ay naiwan dito sa baba para iligpit yung
tasa at ipagpatuloy na ang naudlot kong panonood. Bago sila umakayat ay
pinaalalahanan ako ni kuya na wag daw akong aakyat sa taas. Medyo nako-curious
ako sa kung ano ang ginagawa nila sa itaas kaya dahan dahan akong umakyat.
Parang magnanakaw na wala man lang kahit konting tunog. Nakasara ang pinto,
saradong sarado talaga. Malas! Pero idinikit ko yung tenga ko sa pinto at
nakinig ng taimtim. Wala akong marinig nung umpisa hanggang sa bigla na lang may
impit na ungol akong narinig.
“Hhmmpp! Hhmmp ah! Idiin mo pa.”boses ni ate Regine.
Nakaramdam ako ng pang-iinit sa katawan ko. Mukhang alam ko na kung ano ang
nangyayari. Napangiti ako at muling nakinig.
“Wag kang maingay baka marinig tayo ni Lance alam mo naman
yun.” Bulong ni kuya kay ate. Naririnig ko ang pagsasalita nya dahil na rin sa
baritonong boses nya na mahirap gamitin sa bulungan. At isa pa nasa bandang
pinto ang pwesto ng kama nya kaya madali lang marinig.
Rinig na rinig ko ang lagitik ng kama nya. Pati na rin ang
mga impit na ungol ni ate Regine. Pero hindi na sila nag-uusap. Nakakainis yun
pa naman ang gustong gusto ko marinig. Kung paano sila mag-usap habang
nagsesex. Mas nakakalibog kasi yung pag-uusap nila kesa sa mga ungol nila. Para
sa akin kasi, mas nakakapang-init ng katawan pag naririnig ko yung usapan
nilang tungkol sa kalibugan. Yung tipong “Ipasok mo na ah, sige pa! Isagad mo
pa.” Wala na talaga akong naririnig pero sapat na ang init na nararamdaman ko
at ang imahinasyon ko para pumunta ng cr at paligayahin ang sarili ko. Papunta
na sana ako ng banyo ng biglang.
“Hoy! Sabi ko sayo wag kang aakyat diba? Hahahaha! Akala mo
may ginagawa kami noh!?” malakas na sigaw ni kuya nang bigla nyang buksan ang
pinto. Tawa sila ng tawa ni ate Regine. Ako naman ay parang nawalan ng dugo sa
sobrang nerbyos. Tsk! Pinagtripan lang pala ako ng mga ‘to. Nawala tuloy yung
nararamdaman kong libog.
“Pilyo ka Lance ah.
Binata ka na talaga, mukhang mahilig ka na eh. Hahahaha. Nagpamasahe lang ako
sa kuya mo kasi masakit talaga ‘yong katawan ko. Hahaha.” Sabay lapit sa akin
ni ate Regine at pinisil na naman ang pisngi ko. Para akong matutunaw sa hiya
nang sabihin iyon ni ate.
“Mag-girlfriend ka na kasi para magkaron ka na rin ng
experience. Hahahaha!” sabi pa nya.
Bumaba na ako at sumunod naman silang dalawa. Bumalik kami
sa sala. Parang ayaw ko na sila tingnan sa sobrang hiya ko kaya napapayuko na
lang ako.
“Ok, lang ‘yon natural lang naman ‘yung ginawa mo eh. Pero
para malaman mo, hindi namin gagawin ‘yon dito sa bahay nyo. Hahaha alam naming
osyusero ka eh. Hahaha.” Si Ate Regine habang si kuya naman ay tawa ng tawa.
Nakakainis talaga sila. Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang panonood ko nang
nakasimangot.
Hindi naman gaanong nagtagal si ate Regine sa bahay. Halos
magiisang oras lang sya at maya maya pa ay inihatid na rin sya ni kuya sa
labasan. Pagbalik ni kuya ay nakangiti sya na sobrang nakakaasar. Kaya hindi ko
na sya pinansin. Lumapit sya sa akin at inakbayan ako. Sabay baling nya sa tenga
ko.
“Bitin?” pabulong na pagtatanong nya sa akin.
Grabe talaga ang boses nya nakakakuryente lalo na nung
maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko. Nagtayuan ang mga balahibo
ko at muling bumalik ang libog ko. Inialis nya na ang bibig nya na nakalapit sa
tenga ko at umupo sya ng maayos. Napatingin ako sa kanya at ganon rin sya sa
akin. Parang inaakit nya ako sa pamamagitan ng mata nya na sobrang pungay.
Parang lasing lang. Sabay hawak nya sa umbok nya at piniga iyon. Kinakabahan na
ako, baka kung ano ang magawa ko pag nagpatuloy pa sya. Sabay binasa nya ang
labi nya gamit ang dila nya. “Takte!” sabi ko sa isip ko. Init na init na ako
sa nakikita kong ginagawa nya.
“Tart! Tart! Wui!” pagtawag sa akin ni kuya na may pagtataka
sa mukha. Tsk! Imahinasyon ko na naman pala. “Hahaha! Ikaw ah, tayung tayo na
yan ah.” Sabay nguso nya sa ibaba ko. “Putek!” sabi ko sa isip ko dahil, bakat
na bakat ang pagkakatayo ng alaga ko sa jersey shorts na suot ko. Pagkatapos
nya sabihin iyon ay tumayo na sya at dumiretso sa kwarto. “Tulog muna ako Tart
ah, ikaw na bahala sa bahay. Pakigising mo ako ng alas-sais ah.”
Natulog na nga si kuya at naiwan na naman akong tulala sa
mga pangyayari. “Bwiset ka Lance, anlibog mo talaga pati kuya mo, tsaka
girlfriend nya pinagnanasaan mo.” Sabi ko sa utak ko. Pagkatapos ay pumunta na
ako sa banyo para makapagpalabas na at matigil na ‘tong kalokohang nasa utak
ko. Napakatindi talaga ng imahinasyon ko lalo na pag nalilibugan.
---
“Kuya! Gising na alas-sais na!”habang niyuyug-yog ko ang
katawan ni kuya.
Madali lang naman gisingin si kuya dahil may pagkatulog
manok ito. Siguro nakasanayan nya na dahil sya palagi ang ginagawang
taga-gising ni papa dati. Pag kailangan na ni papang pumasok sa trabaho, si
mama naman kasi ay pang-gabi rin sa call centre noon.
“Hmm!” sabi ni kuya. At kinusot nya ang mata nya sabay
mulat. Tumingin sya sa akin at ngumiti. “Ipag-init mo ako ng tubig, please!”
pakiusap nya habang nagiinat. Kahit kelan hindi pa sya naligo ng walang mainit
na tubig. “Tapos na.” tugon ko sa kanya.
Bumangon na si kuya at tuloy tuloy na bumaba. Kagaya ng
ipinangako ko sa kanya ay iniligpit ko nga ang hinigaan nya. Pagkatapos ay
sinundan ko sya sa baba.
“Tart nagsaing ka na ba?” Tanong nya.
“Opo, kuya.”
“Wow! Mukhang ansipag mo ngayon ah. Ano kayang nakain mo?”
pang-aasar ni kuya.
“Napapagod na nga ako kuya eh, nilinis ko ‘yung buong bahay
tapos nagsaing pa ako pati pinag-init kita ng tubig. Tsaka kakatapos ko lang
ligpitin yung kama mo. Grabe napapagod na talaga ako.” Parinig ko kay kuya.
“Aysus! Kawawa naman ang bunso napagod na. Sige may regalo
ka sa akin bukas pag-uwi ko. Pakakainin kita ng hotdog.” Sabi nya sabay ngisi.
Uminit ang tenga ko sa mga sinabi nya. Parang ewan lang.
Mabilis akong nalibugan ng marinig ko iyon. Hindi ako nakapagsalita agad.
Pumunta na lang ako ng sala para doon tumambay. “Siraulo ka talaga!” sabi ko sa
kanya sabay biglang tawa nya ng malakas.
Matapos nya kumain at maligo ay mabilis syang nagbihis at
lumabas na ng bahay dahil susunduin nya pa raw si ate Regine sa kanila.
Nakatunganga pa rin ako. Dahil sa nagdaang isa’t kalahating
oras ay hindi ko naalis sa isip ko ang sinabi ni kuya. Grabe anlakas talaga ng
epekto nya sa akin. Parang hindi man lang sya nag-eeffort para libugin ako.
Take note, hindi nya alam na tinatablan ako sa kanya ah. Ewan, siguro alam
naman nya yun, talaga lang nang-aasar.
Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan. Malamang si ate na
‘yon dahil ganitong oras naman ang madalas na uwi nya galing sa trabaho.
Pumunta na ako sa pinto at binuksan ko iyon. “Shete! si kuya Edrick.” Nagulat
ako sa kanya dahil hindi ko naman inaasahan na sya ang makikita ko. Fitted
white shirt lang ang suot nya at pulang basketball shorts. Sanay naman ako na
nakaganun lang sya sa tuwing pupunta sya rito. Hindi naman kasi ganung kalayo
ang bahay nya rito eh.
“Si ate mo nandyan na ba?” tanong nya. Habang nasa pinto pa
rin.
“Ha? Ah, eh. Wala pa po kuya. Halika pasok ka.” Sabi ko.
Tinitigan nya ako ng diretso sa mga mata ko. At napaatras
ako nung umabante sya papasok. Hindi ko rin maialis ang mga mata ko sa kanya,
parang napako na.
“Anong oras kaya darating yun?” tanong ulit nya.
“Hindi ko alam eh.”
Dumiretso lang kami papasok at nakita kong napangiti sya.
Bigla akong nauna sa sofa para maiwasan ang tingin nya. Dahil talagang
matinding kaba na ang nararamdaman ko. Grabe talaga ako sa libog napakatindi ng
libido ko sa katawan. Tingin pa lang tinitigasan na talaga ako. Pagkaupo ko ay
ipinatong ko ang kanang braso ko sa sandalan ng sofa. Para kahit papaano ay
magmukhang relax lang ako. At naramdaman ko na lang na nagpunta na sya sa
likuran ko. Si kuya Edrick kasi ay parang si kuya JP din na mabait pero anlakas
mang-urat. Maya maya pa ay may mainit na hangin na dumampi sa tenga ko. “Ang
init ngayon diba?” sabi nya na parang puro hangin lang ang lumabas sa bibig
nya. At unti-unti syang lumayo. Pagkatapos ay naramdaman ko ang matigas na
bagay na dumikit sa kanang kamay ko na nakapatong sa sandalan ng sofa. Hindi ko
inalis. At pinakiramdaman ko lang. Hindi man ako nakatingin ay alam ko na kung
ano yun. “Woooh!” sabi ko sa isip ko sabay hinga ng malalim. Habang tumatagal
ay lalo pa iyong dumidiin sa kamay ko. Pinagpapawisan na ako sa ginagawa nya.
At nagaalburoto na ang alaga ko. Iginalaw ko ang hinliliit ko para masalat ko
pa lalo ang katigasan nun. “Putcha naman, antigas!” sa isip ko. Maya maya pa ay
iginalaw nya iyon ng kaunti. “Gusto mo ba? Hawakan mo na.” tanong nya sa akin.
Iginalaw ko pa ulit ang hinliliit ko pero mas madiin na ngayon. Dahil may
hudyat na ako mula sa kanya.
“Tart! Nagsaing ka na ba?” biglang sigaw ni ate mula sa
pintuan. Bigla kaming umayos ni kuya Edrick para hindi kami mahuli. “Syete!
bitin.” sabi ko sa isip ko.
“Opo ate.” Ganting sigaw ko.
“Oh, Edrick nandito ka pala. Bakit hindi ka nagtext?” tanong
ni ate. Nang makapasok na sya sa pinto.
“Akala ko kasi nandito ka na kaya dumiretso na lang ako.
Tapos si Lance lang pala yung nandito.” Pagkatapos nun ay lumapit si kuya
Edrick kay ate.
“Tart, oh ihanda mo na yung ulam para makakain na tayo.
Bilis na at grabeng pagod ni ate.” Utos ni ate sa akin.
Kinuha ko ang dala nya at dumiretso sa kusina para ihanda
ang pagkain. Habang naghahanda ako ay hindi ko maiwasang marinig ang mga boses
nila habang nag-uusap.
“Edrick, I’m so sorry pero hindi na talaga pwede. Ayaw ko
namang lokohin ang sarili ko. Wala na talaga akong maramdaman sa ‘yo eh.” Sabi
ni ate.
“May iba na ba?” tanong ni kuya.
“Wala, gusto ko lang talaga magfocus sa dalawa kong kapatid.
Ako ang panganay at ako na rin ang tumatayong magulang para sa kanila.” Si ate.
“Pwede naman kitang tulungan ah. May trabaho naman ako, kung
karapatan lang naman ang pinoproblema mo. Bakit hindi pa tayo magpakasal?” si
kuya.
“Hindi, yun Edrick eh. Ang problema, wala na akong
maramdaman sa ‘yo. Hindi na kita mahal, sana naman tanggapin mo yun ng maluwag
sa loob mo.”
“Anghirap eh. Antagal din natin nagsama, bakit biglaan naman
yata?” Sabi ni kuya Edrick habang nanginginig na ang boses at mukhang paiyak
na.
“Magpahinga muna tayo. Kung handa na ako magpakasal at
nandyan ka pa, free ka pa rin, promise magpapakasal ako sa ‘yo.” Pahikbing
sagot ni ate. “Kung makakapaghintay ka pa.”
“Liligawan kita ulit, Belle kung yan ang kailangan. Mahal
talaga kita.” Tuluyan na ngang umiyak si kuya, ayon sa tunog ng boses nya.
“Ikaw ang bahala. Pero wag ka mag-expect ng kahit ano ha.
Pwede ka pa rin namang pumunta dito eh. Hindi na nga lang katulad ng dati na
pwede mo ako lambingin. Basta kailangan muna nating magbreak. Hindi pa talaga
ako handa sa inaalok mo sakin. Kung babalik pa ‘yong nararamdaman ko, hindi ko
alam. Basta bahala ka kung maghihintay ka o hindi. Wala akong kayang ipangako
sa ‘yo. Pero hindi kita pipigilan sa gusto mo.” Si ate.
“Pwede ba tayong maging magkaibigan ulet? Para naman hindi
ako mailang pag pumunta ako dito.” Tanong ni kuya Edrick.
“Oo naman, wala naman tayong naging problema eh. Kailangan
lang muna natin talaga magpahinga. Punta ka lang dito katulad ng dati, close ka
naman kay Lance at kay JP eh. Kakausapin pa rin kita. Parang ganon pa rin, ang
kaibahan lang malaya tayo sa isa’t isa. Pwede akong magboyfriend ng iba at
pwede ka rin mag-girlfriend. Ganon.” Paliwanag ni ate.
“Sige, basta makita lang kita, ok na ‘ko.”
Habang nagkakadramahan sila sa sala ay natapos na akong
maghanda ng pagkain. Gusto ko na sila tawagin pero ayaw kong makaistorbo. Kaya
kumain na lang ako mag-isa.
“Tart! Tapos na ba yan? Gutom na ako eh.” Sigaw ni ate.
“Tapos na ‘te, kumakain na nga ako eh.” Sabi ko.
Pumunta si ate sa kusina, kasama nya si kuya Edrick.
Nagkatinginan kami at naalala ko na naman ‘yong nangyari kanina. Napangiti si
kuya Edrick sa akin na may malungkot na mukha. Para tuloy akong naaawa sa kanya
dahil brineak na pala sya ni ate. Halatang kakaiyak lang nila pareho.
“Bakit hindi ka nagyayaya ah. Hindi mo talaga mahal si ate.”
Pagtatampo sakin ni ate.
“Eh, maiistorbo ko lang kayo sa pag-uusap nyo eh. At tsaka
gutom na ako.” Sabi ko. “Tara kain na tayo, kuya Edrick kain na.”
Niyaya rin ni ate si kuya Edrick at pumayag naman ito. Naupo
na sila at sinaluhan ako sa pagkain.
---
Araw ng linggo maaga ako magising pag ganitong araw dahil
ako ang hari. Walang pasok si kuya at si ate naman nandito lang rin sa bahay.
Hindi nya naman day-off pero pwedeng dito sa bahay nya na lang gawin ang
trabaho nya. Bukas talaga ang restday nya. Si kuya naman ay hindi na natutulog
pag wala syang pasok kinabukasan. Dahil namimiss nya raw matulog ng gabi.
Walang mahilig gumala sa amin kaya pare-pareho lang kaming nandito sa bahay.
Ito yung oras ng bonding naming magkakapatid.
Pagbaba ko ay nakita ko si kuya na kararating lang at may
dala itong isang bag ng tender juicy hotdog. Napakunot ang noo ko, at sya naman
ay napangiti habang ipinapakita sa akin ang pasalubong na ipinangako nya
kagabi. Hmp! Akala ko kung ano na yung hotdog.
Si ate naman ay nasa kusina na at mukhang may niluluto.
Pumunta ako sa sofa at muling nahiga doon. Si kuya naman ay dinala sa kusina
yung binili nya tsaka umakyat sa taas para magbihis.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako sa sofa ng
maramdaman kong may pumapatak sa mukha ko. Tubig na galing sa kamay ni ate.
Pagkamulat ko ay nakita ko silang dalawa na tawa ng tawa. At bigla kong
pinunasan ng kamay ko ang mukha ko at naamoy ko na parang malangsa.
“Hala tart! Tubig yan galing sa pinaglinisan ng isda.” Sabi
ni kuya.
“Ano ba yan ate, kadiri. Anlansa ko na tuloy!” Sigaw ko.
“Ok lang yan para makaligo kana. Antamad mo kasi maligo eh.”
si ate.
Pumunta na ako ng banyo para makaligo na. Sobrang langsa
talaga nung ipinatak sa akin ni ate. Pagkatapos kong maligo ay doon ko lang
naalala na wala pala akong dalang tuwalya.
“Kuya! Kuya! Paabot ako ng tuwalya pati brief!” sigaw ko kay
kuya JP.
Maya maya lang ay nandyan na sya at kumakatok na sa banyo.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng ulo ni kuya.
Tinakpan ko kaagad yung ari ko dahil hubo’t hubad ako.
“Waaah! Umalis ka dyan akin na yang tuwalya ko!” sigaw ko
kay kuya.
“Eh, patingin muna nyan para ibigay ko ‘tong tuwalya mo.”
Pangaasar ni kuya.
“Ayaw! Umalis ka na sinabi dyan eh. ATE! Si kuya oh.” Sigaw
ko pa ulit.
“Hoy! JP, binata na yang kapatid mo binibiro mo pa ng
ganyan.” Narinig kong sinabi ni ate.
“Hindi pa binata ‘to ah, baby pa rin natin ‘to eh.” Si kuya.
“Ate oh, ayaw umalis ni kuya!” sumbong ko ulit kay ate.
Bigla namang sumulpot din ang mukha ni ate sa pintuan.
“Waaaah! Isa ka pa ate eh!” Halos mangiyak ngiyak na ako sa
sobrang asar sa kanilang dalawa. Tsaka lang ibinigay ni kuya yung tuwalya sa
akin. Pagkatpos ko magpunas ay dumiretso ako sa taas para makapagbihis. Pagbaba
ko ay agad nila akong niyayang kumain. Nakahanda na lahat kaya pag dating ko ng
kusina ay umupo na lang ako at nagumpisa na kaagad kumain. Sinimangutan ko
silang dalawa.
“Nakakainis kayo!” sabi ko.
“Sorry na bunso.” Sabi ni ate.
“Ewan ko sa inyo! Anlaki-laki ko na eh. Binibiro nyo pa ako
ng ganun. College na kaya ako.” Sabi ko sabay simangot ulit.
“Eh, baby ka pa rin sa paningin namin eh” sabi ni kuya.
“Baby mo mukha mo!” sabi ko.
“Eto si tart nagsosorry na nga eh. Bahala ka babawiin ko
‘yong allowance mo, malaki pa naman yung binigay ko sa ‘yo.” Sabi ni ate. Tapos
bigla akong kinabahan dahil napatingin sa akin si kuya. Napangisi ito na parang
may binabalak.
“Hmm! Malaki pala binigay mo ate?” Sabay kindat ni kuya.
“Oo naman, bakit ko naman titipirin ‘yong baon ni tart. Yun
na nga lang ang dahilan nya kaya sya pumapasok eh, titipirin ko pa. 1,5k kaya
binigay ko dyan.” Sabi ni ate. At nabuko na nga ako ni kuya.
“Tapos hinold-up pa ko nyan kahapon ‘te. Nanghingi pa ng
dagdag. 3k na pera nyan.” Sumbong ni kuya.
“Hayaan mo na, para tayo naman ang bigyan nya ng pera pag
may trabaho na sya.” Si ate. Sabay belat ko kay kuya na ikinangiti naman nila
pareho.
“Kita mo na, yan ba ang binata?” Sabi ni kuya at nagtuloy
tuloy na kami sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa sofa para ilagay
ulit yung one piece. Ako nga ang hari ngayon diba, kasi nandyan sila pareho
kaya hindi ko kailangan kumilos. Nang matapos na sila ay pumunta rin sila sa
sala at nakinood ng palabas. Umupo si ate sa bandang uluhan ko at si kuya naman
ay sa bandang paanan ko. Sanay ako na iwini-wiggle ang paa ko, ginagawa ko yun
ngayon habang nakapatong ang paa ko sa lap ni kuya. Si ate naman ay hinihimas
ang buhok ko. Pare-pareho kaming tutok na tutok sa palabas dahil maganda ‘yong
eksena. Patuloy ako sa pag galaw ng paa ko hanggang sa naramdaman ko na lang na
may parang matigas akong tinatamaan. Napatingin muna ako kay ate baka kasi may
napapansin sya. At dahil isa rin syang adik sa anime ay talaga namang tutok na
tutok pa rin sya sa pinapanood namin. Bumaling naman ako ng tingin kay kuya at
nakita kong ganun din sya, nakapako ang paningin sa palabas at seryosong
seryoso. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at naramdaman kong hinawakan ni kuya
ang paa ko. Ang akala ko ay pinipigilan nya ang paa ko sa paggalaw, pero
naramdaman ko na lang na lalo nya iyong idiniin sa harapan nya. Sumulyap ako sa
kanya at patuloy pa rin sya sa seryosong panonood.
“Gagawin ko na nga yung trabaho ko para maaga ako matapos.”
Sabi ni ate sabay angat ng ulo ko at tumayo. Umakyat na sya sa itaas at pumasok
na sa kwarto nya.
Patuloy kaming nanood ni kuya pero ngayon ay hindi na talaga
nakatuon ang isip ko sa palabas. Dahil nung umakyat si ate ay lalo nya nang
idiniin ang paa ko sa matigas na harapan nya at ngayon ay inihihimas nya na
doon. Napatingin ako kay kuya, nanonood pa rin sya pero ngayon ay nakangiti na
sya. Bigla syang napatingin sa akin at huli na nung babawiin ko sana ang mata
ko sa kanya.
“Matigas ba?” tanong nya. At talagang pumintig ng husto ang
puso ko sa itinanong nya. Sabay bigla syang kumuha ng throw pillow at ibinato
nya yun sa akin. “Aray!” sabi ko at bigla syang tumawa ng malakas. Pagkatapos
nun ay umakyat na rin sya sa taas at hindi na sya bumaba.
---
Naging busy na kaming magkakapatid nung mga sumunod na araw.
Ako sa pag-aaral, si ate’t kuya naman ay sa kanikaniyang mga trabaho. Madalas
ay halos wala akong nakakasama sa bahay sa tuwing umuuwi ako. Si ate kasi medyo
dumalas yung pago-overtime nya. Siguro iniiwasan nya si kuya Edrick. Kaya ako
lagi ang naaabutan ni kuya Edrick dito sa bahay.
Isang araw dumating si kuya Edrick. Mukhang malungkot. Ganon
siguro talaga, alam ko naman na mahal na mahal nya si ate eh. Pinapasok ko sya
sa loob para paupuin. Walang bahid ng kalokohan ang pagpunta nya rito. Mukhang
kailangan lang ng makakausap. Nagtimpla ako ng juice para sa aming dalawa. At
pagkalapag ko nun ay umupo ako sa gilid nya. Mga kalahating yarda siguro ang
layo ko sa kanya. Kailangan dumistansya, mahirap nab aka mawala na naman ako sa
sarili.
“Lance, naranasan mo na ba magmahal?” tanong ni kuya.
Hindi ako sigurado sa isasagot ko dahil wala pa naman akong
nakakarelasyon ng totohanan. Lahat kasi
fling lang o di naman kaya ay shota ko sa imahinasyon ko. Madalas libog
lang bang nararamdaman ko kaya hindi talaga ako sigurado kung nagmahal na ba
talaga ako minsan.
“Ha?! Ah, siguro.”naguguluhan kong sagot.
“Buti ka pa, hindi pa napoproseso ng utak mo ang pagmamahal.
Puro ka kasi kalokohan eh. Masarap magmahal pero masakit din. Pero alam mo, pag
nagmahal ka, kahit gaano kasakit kaya mong tiisin. Wala kang hindi kakayanin
pag nagmamahal ka, lahat kaya mo ibigay. Kahit pa magmukha ka nang
tanga.”sentimyento ni kuya Edrick.
“Ganun ba yun? Ganun mo ba kamahal si ate?” tanong ko.
“Oo, sobrang mahal ko ate mo. Hindi ko nga alam kung papaano
ko sya kakalimutan eh. Nagmumukha na nga akong tanga kasi nagpupunta pa rin ako
dito kahit na nakasalubong ko sila ng bago nyang boyfriend. Sakit Lance sobrang
sakit nun.” Pumapatak na ang luha ni kuya.
Awang awa ako sa kanya. Para kasing nararamdaman ko kung
gaano kasakit yung pinagdaraanan nya, base sa emosyong ipinapakita nya sa akin.
Hindi ko alam kung papaano ko pagagaanin ang loob nya. Ako man ay nalulungkot
sa sinapit ng relasyon nila. Tinapik ko na lamang ang balikat nya para kahit
papaano ay maramdaman nya na nakikiramay ako sa kalungkutan nya.
“Pasensya ka na ah. Kailangan ko lang talaga ng makakausap
kaya ako pumunta dito eh. Akala ko nga maaabutan ko yung ate mo, pero mukhang
gabing gabi nja talaga sya umuwi.” Sabi ni kuya.
“Oo nga kuya eh. Madalas na kasi sya mag-overtime eh. Tapos
pag dating nya busog na sya kaya ako na lang mag-isa ang kumakain. Gusto mo
kain na lang tayo ng sabay ngayon?” tanong ko sa kanya. Hindi naman sya
tumanggi dahil alam naman nya na hindi ako sanay na walang kasabay kumain.
“Lance, may tanong ako. May girlfriend ka na ba?” bakit ba
lahat sila ito ang itinatanong sa akin. Malaking issue ba ‘to?
“Huh? Wala pa kuya eh. Wala pang nagkakamali hahaha.” Sagot
ko.
“Ah! Akala ko kasi lalake ang gusto mo eh.” Napamulagat ako
sa sinabi nya. Halatang halata na baa ng kabadingan ko kaya nya nasabi yun?
Brusko pa rin naman ako kumilos. Yun nga lang, hindi ko talaga maitago ang
kalibugan ko lalo na sa mga lalake. “Alam mo, subukan mo magsyota para alam mo
kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Para sa susunod na kausapin kita. May
makukuha na akong payo galing sa ‘yo. Ang totoo nyan alam ko naman talaga ang
sagot dito sa nararamdaman ko. Ang kaso lang mahirap kasi payuhan ang sarili
eh.”
“Alam mo kuya, itigil na lang natin ang usapan natin tungkol
dyan. Mas makakalimot ka pa pag kumain na lang tayo ng marami.” Sabi ko sa
kanya.
“Hahahaha! Oo nga noh. Sige kumain na lang tayo ng maraming
marami. Bibili pa tayo pag nabitin tayo sa kinakain natin.” Pagbibiro nya. Sa wakas ay nakita ko rin
syang tumawa. Gumaan din ang loob ko para sa kanya.
“Hahaha. Sabi mo yan ah. Malakas ako kumain bahala ka dyan.”
At nagpatuloy na nga lang kami sa pagkain. Bumili pa sya ng
miryenda namin nung manood kami ng t.v. Hinihintay nya sana si ate pero
hanggang sa makauwi sya ay hindi na talaga sila nagpang-abot. Nung umuwi kasi
si ate halos maga-alas diyes na rin.
Nagpatuloy ang kabisihan nila kuya at ate sa pagtatrabaho.
Nakakaramdam na nga ako ng kalungkutan kasi parang wala na silang panahon sa
akin. Lalo na nung nagtanggalan kila kuya. Halos dumoble na ang araw ng pasok
nila dahil kulang sa tao. Sila ate naman nagparenovate ng store nila kaya mas
lalong dumalas ang overtime. Sa sofa na ako nakakatulog dahil sa paghihintay ko
kay ate pag gabi. Minsan inaabot na sya ng alas onse o kya alas dose. Si kuya
naman, tuwing makikita ko ay naghihilik sa sobrang puyat. Kaya napadalas ang
pagtetext ko kay kuya Edrick para mayroon akong kasama dito sa bahay. May
kakwentuhan man lang. Boring kasi manood ng tv pag mag-isa ka.
“Kuya? Punta ka na andito na ako.” Text ko kay kuya Edrick.
“Geh! OTW na!” reply nya.
Maya maya pa ay dumating na si kuya Edrick.
“Kumusta ang bunso ko? Wala ka na naming kasama? Haynaku!
Tsk! Tsk! Kawawa naman tayong dalawa hahahahah!” bungad ni kuya Edrick sa akin.
“Oo nga eh. Dami
kasing trabaho sila ate at kuya ngayon eh.” Sabi ko sa kanya.
“Tara inuman tayo. Para naman may magawa tayo, puro cartoons
kasi yang pinapanood mo eh.” Alok nya.
“Sige ba!” masaya ko namang sagot.
Lumabas sya ulit para bumili ng alak at pulutan. Ako naman
ay naghanda ng juice. Sigurado ko kasing hard ang bibilhin nya dahil hindi ko
pa sya nakitang uminom ng beer kahit kelan. Pagbalik nya ay dala nya na ang
Empi lights at mga chichirya. Agad kaming nag-umpisa sa inuman para maaga kami
matapos dahil may pasok pa kami kinabukasan.
Nanonood pa rin kami ng tv habang nag-iinuman. Wala naman
kaming masyadong mapag-usapan dahil wala kaming maisip na topic. Tahimik lang
kami at nag-uusap lang sa tuwing ipapaalala ang tagay.
“Panget ba ako?” nagulat ako sa tanong na ito ni kuya. Alam
ko naman ang sagot sa tanong nya pero para instinc ko na, na tingnan ang mukha
nya para makasiguro. Habang nakatingin ako sa mukha nya ay doon ko lang lalong
napansin ang kagwapuhan ni kuya Edrick. Maputi, macho, gwapo ang mukha, malinis
syang tingnan at ang pinakapaborito ko sa kanya ay ang labi nya na
nakakademonyong halikan. “Hoy! Hindi ka na sumagot.” Gulat ni kuya sa akin.
“Ha? Gwapo ka kuya, gwapong gwapo. Bakit mo naman
naitanong.” Balik tanong ko sa kanya.
“Wala lang, naiisip ko lang na panget ako kasi biglang nagsawa
sa akin yung ate mo eh. Pero alam mo parang ok na ako ngayon. Mas ok na kesa
nung una, hindi na ako masyadong nalulungkot.” May ngitng sabi nya.
Napangiti rin ako dahil kita ko naman na mas ok na nga sya.
Pero parang ako naman ang hindi dahil parang nakakaramdam ako nbg kurot sa
dibdib sa tuwing babanggitin nya si ate. Pero ayaw ko namang pansinin dahil ate
ko naman yun at mahal na mahal ko yun.
Ganun pa rin ang nangyari, umuwi sya nang hindi pa rin sila
nagpang-abot ni ate.
Habang tumatagal ay parang nasasanay na ako na nadito si
kuya Edrick. Pag hindi sya pumupunta ay parang hindi ako mapakali. May mga
pagkakataon pa ngang gusting gusto ko na sya itext pero hindi ko magawa dahil
gusto kong sya ang maunang magtext sa akin. Pag nauuna kasi syang magtext,
nakakaramdam ako ng tuwa dahil naiisip ko na hinahanap hanap nya rin ako.
Parang pakiramdam ko nare-reciprocate yung feelings ko.
Bumalik na sa normal ang mga oras ni kuya’t ate. Kung dati
ay parang nakakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko sila nakakasama. Ngayon ay
parang nabaligtad naman. Parang mas gusto kong wala sila dito sa bahay, mas
gusto ko nang kasama si kuya Edrick. Pero mukhang ganon talaga kung kelan gusto
mo na ang isang bagay o pagkakataon ay bigla naman itong nawawala. Dumalang na
ang pagpunta ni kuya Edrick dahil parang nakamove-on na sya kay ate. Nainis ako
kasi parang iniwan nya na lang ako basta porke hindi nya na kailangan ng
makakausap. Pero kahit naiinis ako ay hindi ko naman masabi sa kanya dahil baka
kung ano ang isipin nya. Ayaw ko kasing sabihin yung feelings ko para sa kanya
dahil baka mas lalo lang nya akong layuan.
Araw ng linggo. Katulad ng dati ay nandito lang kami lahat
sa bahay. Pero ngayon parang ayaw ko lumabas ng kwarto. Gusto ko lang magmukmok
dahil namimiss ko na talaga si kuya Edrick. Parang nalulungkot ako ng walang
dahilan. May dahilan man ay wala naman akong mapagsabihan, kailangan kong
kimkimin dahil hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Baka
ang mangyari nyan, bigyan ko lang sila ng ebidensya na totoo ang iniisip nila
tungkol sa akin na bakla nga ako. Hindi lang basta bakla, malibog na bakla.
Haynaku! Nakakainis!
“Tart! Tanghali na ah. Gising na kakain na tayo!” tawag sa
akin ni ate. Maya maya pa ay may kumakatok na sa pinto. Pero hindi ko
pinagbubuksan at hindi rin ako sumasagot. Nangbigla na lang bumukas ang pinto
at nakita ko si kuya na nakatingin sa akin.
“Tart? May problem aka ba?” malambing na tanong ng kuya ko.
“kuya, nalulungkot ako.” Sa isip ko lang sinabi. Hindi ko mailabas dahil hindi
ko kayang sabihin ng diretso sa kanya. Pero dahil sa kapatid ko sya ay parang
nararamdaman nya na may pinagdadaanan ako kaya, lumapit sya sa akin at niyakap
ako. Bigla akong napaluha, dahil gusting gusto ko na ilabas ang kinikimkim ko,
pero hindi talaga pwede. Maya maya pa ay umakyat din si ate at nakita kami ni
kuya na magkayakap. “Oh! Bakit? May nagyari ba sa ‘yo tart?” sabay sampa din ni
ate sa kama ko at yumakap din sa akin. Ngayon lang nangyari sa amin ‘to.
Madalas kaming magharutang magkakapatid, masaya at kitang kita mo na napalaki
kami ng tama ng aming mga magulang dahil kahit walang gumagabay sa amin ay
nagmamahalan kami. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiiyak ako sa kanila
dahil sa labis na kalungkutan. Naisip ko na lang “buti nandito ang mga kapatid
ko.” Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Eto na yata yung totoong love.
Pagkatapos nila ako icomfort ay bumaba na kami at nagsikain.
Napangiti rin nila ako agad ng walang kahirap-hirap.
Kinagabihan. Maaga natulog si ate. Si kuya naman ay naiwan
sa baba para manood. At ako naman ay maaga ring humiga sa kama. Nagbabantay ng
cellphone ko baka sa sakaling maalala ni kuya Edrick na magtext. Wala pa rin.
Hays sabagay bunsong kapatid lang rin naman ang tingin sa akin nun. Kaya siguro
dapat ko nang kalimutan. “Hindi ayoko! Ayoko syang kalimutan!” sabi ko sa isip
ko.
“Nasaan ka andito ako sa baba!” text ni kuya Edrick sa
cellphone ko. Para akong uminom ng isang case na cobra dahil sa biglaang pasok
ng matinding energy sa katawan ko. Sobrang tamlay ko kanina tapos ngayon ay
parang gusto ko tumambling bigla. Napatakbo ako agad sa pinto, pero bigla akong
huminto at inayos ang aking sarili. Mahirap na, baka isipin nya sobrang excited
ako. Pagbaba ko ay nakita ko sya, pero nagulat ako nang makita kong magkatabi
sila ni ate. May dala dala syang bulak-lak para kay ate. Kita ko naman na
parang natutuwa si ate kaya napangiti na rin ako. Mukhang nanliligaw na ulit si
kuya Edrick kay ate, dahil hindi naman tumagal yung isa nyang boyfriend sa
kanya. Natakot siguro.
Habang nag-uusap silang dalawa ay nandoon lang kami ni kuya
JP sa isang tabi at nanonood ng tv. Panay ang tingin sa akin ni kuya pero hindi
ko sya pinapansin. Medyo nagiging masama na rin kasi ang pakiramdam ko dahil sa
masakit na nangyayari ngayon sa paligid ko. Hindi man lang ako kinumusta ni
kuya Edrick. Puro si ate lang talaga ang pinagtuunan nya ng pansin. Siguro
bumabawi kasi dati sya ang nawalan ng panahon kay ate eh. Kaya kailangan nyang
paghirapan ang pakikipagbalikan kay ate.
Matapos ang ligawan ay tsaka lang ako kinausap ni kuya
Edrick. Kinumusta nya lang ako sandal at nginitian ko lang sya. Hindi naman
gaanong nagtagal ang pag-uusap naming dahil lumalalim na rin ang gabi at
kailangan nya nang umuwi. Hindi pa rin nawala ang lungkot ko. Dahil sa nakikita
ko sa kanilang dalawa ay malaki ang posibilidad na magkabalikan sila.
Umakyat na ulit ako sa kwarto. At habang naglalakad ako ay
tiningnan ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni kuya Edrick para
burahin. Pagkabura ko ng number nya ay parang nakahinga ako ng maluwag. At
least kahit papaano may nagawa akong hakbang para makalimot sa kalokohan ko.
Humiga na ulit ako ng kama at pumikit.
Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako makatulog. Naririnig
ko pa rin ang mahinang volume ng tv sa ibaba kaya malamang ay nanonood pa rin
si kuya. Makalipas ang may ilang minuto ay nawala na ang sound ng tv at narinig
ko ang yabag ng mga paa ni kuya sa hagdan. Pumasok na si kuya at agad na
napabaling sa akin ng tingin. Ngumiti sya at sabay tumabi sa akin sa kama.
Umupo sya sa tabi ko hinaplos ang buhok ko.
“Mukhang matindi ang pinagdadaanan ng bunso ko ah. May
nanakit ba sa puso ng baby ko?” malambing na tanong ni kuya. Hinatak nya ako
pabangon para yakapin. Napakahigpit ng yakap na iyon. Parang balot na balot ako
at kumportableng kumportable sa pakiramdam ko. Napahinga ako ng malalim at
sabay tulo ng luha ko. Isinandal ko ang mukha ko sa balikat ni kuya. At doon ay
mahina akong humikbi sa kanya. “Ayos lang yan, andito naman si kuya eh. Mas
gwapo naman si kuya doon diba. At tsaka si kuya walang ibang mahal kundi si
tart lang.” paglalambing sa akin ni kuya. Gumaan ang loob ko sa mga sinabing
iyon ni kuya. Sabi ko na lang sa sarili ko na “oo nga, mas gwapo si kuya JP sa
‘yo. Tsaka ako lang mahal nito.” Hanggang sa nakatulog na lang ako.
Lumipas ang mga araw at nasabi kong “ok lang naman pala eh,
hindi naman pala gaanong kahirap eh. Heto ako nakamove-on naman ako kaagad ah.”
Dahil unti unting nawala sa isip ko si kuya Edrick. Ok na ako agad, at kung may
nararamdaman man ako sa kanya ngayon. Yun ay walang iba kundi libog. Tsk!
Nakakalibog naman kasi talaga, saying hindi ko man lang sya natikman. Hmp!
Bahala sya, ok naman na ako eh. Mas artistahin naman si kuya JP kesa sa kanya
eh. Si kuya Edrick kasi mukhang gwapong macho dancer kaya nakakalibog. Parang
si Jay Manalo nung bata bata pa sya.
Isang umaga.
“Tart! Tart! Gising na may pasalubong ako sa ‘yo.” Si kuya
habang niyuyug-yog ako.
“Hmm! Ano ba yan?” pupungas pungas kong tanong. Nang Makita
ko yung pasalubong nya eh, “putek!” nano technology na mp4. Mahilig kasi ako sa
maliliit na bagay katulad nito. Hindi naman ito gaanong kamahalan. Matagal ko
na ‘tong gusto bilhin kaso hindi ako makaipon-ipon dahil nga medyo may
kalakasan akong gumastos. Napamulagat talaga ako kaagad at napayakap kay kuya.
“Salamat kuya.” Sabi ko.
“Syempre basta ikaw, malakas ka sakin eh. Basta wag ka na
malulungkot ulit ah.” Lambing ni kuya.
“Kuya, nalulungkot pa ako eh. Bilhan mo ako ng IPhone. Yung
cellphone ko kasi pwede na pantukod sa bintana eh.” Pangu-uto ko sa kanya.
“Ay grabe! Yung Cellphone ko nga limang taon na sakin. Eh
yang cellphone mo last year lang natin binili yan diba? Wala ka man lang kahit
konting awa kay kuya. Hmp! Pero sige pag-iipunan ko, ang mahal nun eh.” Sabi ni
kuya. Sabay yakap ko ulit sa kanya. Hahaha wala talagang hirap utuin si kuya.
---
Naging madalas na ang pagdalaw ni kuya Edrick sa bahay para
ligawan si ate. Pero hindi katulad ng dati na nag-iinaso pa ako eh, ngayon
hindi ko na sya masyadong nabibigyang pansin.
Minsan walang pasok si kuya JP, ganun din dapat si ate pero
pinatawag sya ng office nya dahil may emergency daw. Maagang pumunta sa bahay
si kuya Edrick dahil akala nya nga ay walang pasok si ate. Nanonood kami ng tv
ni kuya JP, syempre anime ano pa nga ba.
“Tao po!” sigaw ni kuya Edrick.
“Nakuha na yung kaning baboy kanina!” biro ko sa kanya sabay
pinagbuksan ko sya ng pinto. Napangiti ako dahil gwapong gwapo sya sa suot nya.
Para syang ibuburol. Pero angcute-cute nya kasi kahit anong suotin nya eh. At
dahil na rin sa paglala ng kalandian ko kaya nahuhumaling na naman ako sa mukha
nya. Akala ko kasi noon nakalimutan ko na sya pero ngayon parang bumabalik
dahil nakikipag-ngitian na naman ako sa kanya.
“Si ate mo?” pinilit ko pa rin ngumiti kahit na parang
kinurot na naman ako sa dibdib ko.
“Wala pa sya eh. Pero sabi nya sandal lang sya.” Sagot ko.
“Ah! Patuloy na ako ah. Hintayin ko na lang sya. Kwentuhan
muna tayo, namimiss na rin kita eh.” Ngumiti pa rin ako ng normal. Pero deep
inside kumalembang ang itlog ko sa kilig.
Pumasok na sya sa loob. Umupo at kinumusta rin si kuya JP.
Nginitian lang sya nito at umupo na rin ako sa pagitan nilang dalawa.
Naging masaya naman ang kwentuhan namin ni kuya Edrick.
Ikinwento nya sa akin yung mga bago nyang karanasan sa pagtatrabaho nya bilang
pulis. Sobrang naaaliw ako sa mga kwento nya kaya halos hindi ko na rin
napansin na kasama nga pala namin si kuya JP. Tapos maya maya ay dumating na si
ate.
“Oh! Edrick.” Sabi ni ate.
“Andyan ka na pala!” sabi ni kuya Edrick.
“Tart pakihanda naman ‘to please!” At inabot nya sa akin ang
binili nyang miryenda para sa amin. Agad silang nagkwentuhan ni ate. Pumunta na
ako ng kusina at ininit ko sa microwave ang siopao na binili ni ate, kanina nya
pa yata binili kaya malamig na. Habang nag-aantay ako ay nakatunganga lang ako
sa microwave. Nang biglang may tumapik sa balikat ko. Si kuya JP.
“Malungkot ka na naman. Ngiti na dyan, wag mo na isipin yun.
Ang isipin mo napapasaya ni kuya Edrick si ate.” Sabi ni kuya.
“hindi naman ako malungkot ah.”
“Hindi malungkot eh nakabusangot ka na naman dyan.” Sabi nya
na may ngiti.
“Hindi ah.” Sabay pinilit kong ngumiti.
“Wag mo na nga ako lokohin. Kung meron mang higit na
nakakakilala sa ‘yo tart ako na yun. Bata pa tayo ako na ang tagabantay mo eh.
Kaya alam ko kung kelan ka malungkot.” Sabi ni kuya.
“Ok lang naman ako kuya. Tanggap ko naman na hindi nya ako
magugustuhan. Wala naman nang kaso yun sakin.” Sabi ko.
“Kita mo na, edi nahuli rin kita. Pero tart tandaan mo ah,
wag ka malulungkot sa mga lalake. Yung mga katulad mo kasi madali lang
masaktan. Kaya sa susunod na mainlove ka ulit at sinaktan ka na naman. Isipin
mo na walang ibang mahal ang artistahin mong kuya kundi si tart lang.” sabay
yakap ni kuya sa likod ko. Muli ay gumaan na naman ang loob ko. Buti na lang
talaga at nandito si kuya to the rescue.
---
Tuluyan ko na ngang kinalimutan si kuya Edrick, dahil
nagkabalikan na sila ni ate. At mukhang nararamdaman ko na ang plano nilang
magpakasal. Si kuya JP naman ay medyo napadalas ang hindi pag-uwi ng bahay.
Nag-aalala nga ako sa kanya eh, baka mamaya kung saan saan na sya pumupunta.
Lagi ko naman syang itinetext pero ang lagi nya lang sagot ay ok lang sya. Isa
pa, miss na miss ko na sya.
Isang gabi umuwi si kuya JP ng lasing na lasing. Dirediretso
lang sya sa kwarto nun. Wala naman si ate, dahil kung nandyan si ate ay
siguradong sermon ang aabutin nya. Pinuntahan ko sya sa taas para kumustahin.
“Kuya? Anong nangyari sa ‘yo bakit ka naglasing ng husto?”
“Tart! Hehehe, pasensya na ah, lasing si kuya. Birthday kasi
nung katrabaho ko eh, ayaw nila akong tantanan kaya heto. Bangag na bangab
ako.” Sagot nya.
“Sandali lang kuya ah, kuha lang ako ng towel para mapunasan
kita.” Pagkasabi ko nun ay bigla nya akong hinawakan sa kamay. “Tart, dito ka
lang, wag mo iwan si kuya. Natatakot ako eh.” Sabi nya.
“Huh? Bakit ka natatakot?” hinatak nya ako pahiga sa kama
sabay niyakap nya ako ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kakaiba sa yakap na yun ni
kuya. Mas lalo pa itong humigpit nung sinubukan kong makawala. Maya maya pa ay
natigilan ako nang biglang lumapat ang labi nya sa labi ko. Hinalikan nya ako
ng mariin. Alam kong hindi tama iyon kaya naman nagpumiglas ako ng husto,
hanggang sa makawala ako.
“KUYa! Ano bang nangyayari sa ‘yo? Magkapatid tayo. Bakit mo
ako hinalikan ng ganun?” medyo malakas kong tanong sa kanya.
Hindi sya sumagot at bigla na lamang syang bumangon. At
parang gulong gulo sya sa mga pinaggagagawa nya. Lumabas sya ng pinto at
sinundan ko naman sya. Dumiretso sya sa CR. Natatakot ako kay kuya. Hindi ko
alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Buti na lamang at dumating si kuya
Edrick. Sinabi ko sa kanya lahat maliban sa paghalik sa akin ni kuya. Nang
lumabas si kuya sa cr ay nakaboxer na lang ito. Pasuray suray itong naglalakad,
pero bigla na lamang itong napahinto nang Makita si kuya Edrick.
Bigla na lamang nya itong sinugod at inundayan ng suntok.
Nabigla naman si kuya Edrick at nabuwal ito ng tamaan ng kamao ni kuya JP.
“Kuya, tama na yan, wala namang ginagawang masama sa ‘yo si
kuya Edrick eh.”pag-awat ko.
“Anong wala? Meron, marame!” sigaw ni kuya.
“JP, ano ba tumigil ka na, hindi kita papatulan. Kapatid na
rin kita.” Sabi ni kuya Edrick. At bigla nya itong niyakap ng mahigpit para
hindi makawala. Pinagtulungan namin syang maibalik sa taas para makapagpahinga
sya. Pero patuloy ang pagpupumiglas nya at muntikan pa kaming mahulog na tatlo
sa hagdan.
“GAGO KA EDRICK, GAGO KA!” sigaw nya kay kuya Edrick. Kitang
kita ko na kay kuya Edrick ang lubusang pagtitimpi kay kuya JP. Sa tingin ko ay
gusto nya na itong sapakin ng isa, para mawalan na ng malay eh. Inilapag na sya
ni kuya Edrick sa kama, magaslaw pa rin ito.
“Sige kuya, baba ka na, ako na po ang bahala dito.” Ako na
lang ang pumigil kay kuya para makababa na si kuya Edrick dahil alam kong gigil
na gigil na ito. Pero nung nasa pinto na si kuya ay biglang tumayo si kuya JP
at hinabol si kuya Edrick para suntukin ito ulit. Pero mabilis akong kumilos
para harangan si kuya JP at para hindi na sila magpang-abot pa ni kuya Edrick.
“Sige kuya, ako na lang ang suntukin mo! Laseng ka? Kaya gusto mo manapak? Yan
ang trip mo? Sige ako ang pagtripan mo, hindi yung ibang tao!” May galit ko
nang pagkakasabi kay kuya. Napatitig sya sa mga mata ko na para bang kinaaawaan
nya ako. Bigla naman itong napahinto at kumalma.
“Sorry! Sorry! Tart, sorry! Di ko sinasadya.” Bumalik ito sa
kama at umupo. Humawak ito sa mukha nya at bigla na lamang itong napahagul-gol.
Lumingon ako kay kuya Edrick at sumenyas ako na ok na. Pwede na syang bumaba.
Iniwan na kami ni kuya Edrick at bumaba na nga ito.
Sinabihan ko nga ito na umuwi na muna at bumalik na lang pag-nandito na si ate
eh. Pero maghihintay na lang daw sya sa baba dahil nag-aalala daw sya sa akin.
Hindi ko na binigyan ng kahit anong malisya yung sinabi nya dahil alam ko naman
kung bakit sya nag-aalala. Dahil kapatid ako ng pinakamamahal nyang babae. Isa
pa mas nag-aalala ako kay kuya JP ngayon. Iniisip ko kung ano bang nangyayari
sa kanya. Sana mali ang iniisip ko ngayon, dahil pag nagkataon, hindi ko rin
alam ang gagawin ko. Hindi ko kilala ang sarili ko pagdating sa ganitong bagay.
Dahil sa kaso ko ay may posibilidad na mahulog rin ako sa kanya, dahil matagal
ko na nga rin syang crush. Pero hindi ito pwede, iniisip ko pa lang parang
nandidiri na ako sa kalalabasan namin, ayaw kong mangyari sa amin iyon. “Wag
naman sana!” sabi ko sa sarili ko.
---
Matapos ang nangyaring iyon sa amin ay nagbalik na si kuya
sa normal. Umuuwi na sya ng bahay at mukhang umiiwas na rin sya sa inuman. Mas
madalas nya nang dalhin si ate Regine dito ngayon. Pero may ilang pagbabago nga
lang. Parang lumalayo na sya sa akin. Pag natutulog sya ay sa sofa na sa ibaba
sya humihiga. Sa tuwing magkakasalubong naman kami sa kusina o sa sala ay ni hindi
man lang nya ako magawang tingnan. Laging nakabaling yung paningin nya sa lugar
kung saan wala ako. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. Ayaw ko ng ganito,
bakit ba? Ano bang nangyayari?
Umaga noon at kaaalis lang ni ate papunta sa kanyang trabaho.
Nakita ko si kuya sa sofa. Kailangan ko na syang kausapin, dahil kung may sama
sya ng loob sa akin ay hindi ko na hahayaan pang lumala iyon. Pinilit ko syang
gisingin kahit na alam kong puyat sya. Niyug-yog ko sya ng niyug-yog para
magising sya agad.
“ANO BA!” badtrip na sigaw ni kuya. “Alam mo namang puyat
ako diba? Ano bang kailangan mo? Pera? Andon kumuha ka dun sa wallet ko. Alam
mong nahihirapan ako matulog eh, nang-iistorbo ka pa dyan.” Bumalik sya sa
pagpikit at tumalikod sa akin. “Yung IPhone mo next week ko pa makukuha kaya
maghintay ka na lang.” pahabol pa ni kuya.
“Ayaw ko na ng IPhone kuya. Gusto ko ikaw! Nalulungkot na
ako eh. Bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ko sa kanya.
“Tart, pwede ba sa ibang araw na tayo mag-usap? Puyat talaga
ako eh, hindi mo ba nakikita? Pagod na pagod na ako!”
Nang sabihin nya iyon ay hindi ko na sya pinilit pa. At
bumalik ako sa itaas para maghanda na sa pagpasok ko sa school.
---
Ilang beses kong sinubukang kausapin si kuya pero palaging
pagod, puyat at kung ano ano pang dahilan ang sinasabi nya sa akin. Parang
nawawalan na rin ako ng gana. Nalulungkot na talaga ako.
Tatlong araw hindi umuwi si kuya. Nagaalala man ako ay hindi
ko na sya sinubukan pang itext. Baka na kila ate Regine lang sya, dahil doon
naman sya natutulog sa tuwing hindi sya umuuwi ng bahay. Kung hindi naman ay
kila kuya Conrad na bestfriend nya.
Napalingon ako sa kama ni kuya iniimagine ko na nandyan lang
sya at natutulog habang nakanganga. May napansin akong notebook na nakaipit sa
unan nya. Hindi ko naman kasi talaga ginagalaw ang kama nya, nililigpit ko lang
yun pag trip ko. Pinuntahan ko yung kama nya at kinuha ko yung notebook. Nang
buklatin ko ito ay wala namang nakasulat na mahalaga. Drawing drawing lang
parang katulad ng sa akin na pinagtitripan ko pag wala akong magawa. Pero may
isang page na nakakuha ng pansin ko.
“-PARA SA ‘YO ‘TO-
Ikaw na may magandang ngiti, Na nakakapanghina,
Ikaw na may malokong tawa, Na di ‘ko maialis sa isip.
Palagi kitang gusto makasama, Para maya’t maya ako masaya,
Ikaw na istorbo sa paghimbing ko, Kaya napupuyat ako lalo.
Nakakainis ka na, Please! wag ka na tumawa,
Nahuhulog na ‘ko sa ‘yo, Nakakatakot! Baka ‘di mo ‘ko
masalo.
Dito sa mundo ko, Ikaw lang ang mahalaga,
Pati sa panaginip ko, Ikaw lang ang bida.
Sana hindi na lang ikaw! Marami namang iba,
Napakamalas ko, Sa ‘yo ko naramdaman ‘to.
Ayaw na kitang makita, Ayoko na isipin ka,
Ikaw ang pinangarap ko, Kaya napakagago ko!
‘twing matutulog ako, Ikaw ang pumaparoo’t parito.
Di ‘ko mapigil ang luha ko, Dahil alam kong mali ‘to.
Ikaw na kayang pigain ang loob ko, Ikaw na inaasam ko,
Ikaw na ginawang parusa, Sa lahat ng ginawa kong masama.
Hindi ko na alam kung paano pipigilin ‘to. Nahuhumaling na
ako sa ‘yo.
Anong gagawin ko sa isip ko, Na pag-aari mo.
Sasabog na ang ulo ko, Nang dahil sa ‘yo,
Ikaw na pinakamasarap na sakit na naranasan ko.
Nawawala na ako sa sarili ko, Pakiusap tulungan mo ako,
Na makawala sa makulit na anino mo,
Na laging nakasunod kahit sa madilim na nilalakaran ko.
Buti pa ikaw, sobrang laya, Kaya mo akong saktan pag gusto
mo,
Buti pa ikaw laging masaya, Papaano naman ako?
Ano bang ituturo ko sa puso ko?
Na walang ibang alam kundi mahalin ka.
Wala na akong pakialam sa sasabihin ng kahit sino!
Basta mahal kita!
Ikaw na buhay at kamatayan ko.” …
Natulala lang ako, nakaramdam ako ng lungkot nung mabasa ko
yung sulat. Parang ansakit. “Baka naman hindi kay kuya ‘to? Baka may nagsulat
lang na iba.” Sabi ko sa isip ko. Imposible naman kasi na magsusulat ng
ganitong klase si kuya. Wala naman akong maisip na tao para makapanakit sa
kanya ng ganito. Una, inlove na inlove sya kay ate Regine, pangalawa, kahit
sinong gusto nya makukuha nya dahil gwapo sya at napakabait pa. Kaya imposible
talaga. Pwera na lang kung may asawa o may mahal ng iba yung babae.
---
Nakakainis na talaga! Miss na miss ko na si kuya. Sa mga
nakalipas na linggo kasi dalawa o tatlong beses lang sya umuwi. Sana bumalik
kami sa dati. Nakakapraning naman kasi eh. Wala akong maisip na dahilan kung
bakit sya nagkakaganun.
Lunes ng umaga, hindi ako makapasok dahil masama talaga ang
pakiramdam ko. Isa pa inaatake rin talaga ako ng katamaran. Pinilit kong
bumangon para maabutan ko si ate dahil magpapaalam akong hindi ako papasok.
Pumayag naman sya kasi nga magaling akong umarte. Nakita ko si kuya JP na
nandoon na naman sa sofa. Katulad ng palagi kong nakikita eh muka na naman
syang puyat na puyat. Malamang eh panggabi nga ang trabaho nya diba. May mga
pagkakataong nakakasanayan ko na, na hindi kami nagpapansinan. Katulad nung
isang buwan. Kinausap nya lang ako tapos ibinigay yung IPhone na hinihiling ko
sa kanya. Para syang ginie na bumabalik na lang sa lampara pag naibigay na yung
kahilingan ko. Kasi pagkatapos kong matanggap yung cellphone eh hindi na naman
sya namamansin.
Kinagabiohan nun, napansin kong nage-empake si kuya ng mga
damit nya. “kuya? Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Ah! Basta wag mo na lang ako pansinin.”walang bahala nyang
sagot. Ni hindi nya man lang ako tiningnan nun. Pinabayaan ko na lang sya dahil
sa itsura nya parang wala naman syang balak sumagot ng matino. Pero parang
maiiyak ako.
Dumating si ate at isinumbong ko si kuya. Sinabi kong
nage-empake sya ng damit. Nang tanungin naman sya ni ate ay nakaramdam ako ng paninikip
sa dibdib sa isinagot nya.
“Magboboard muna ako ‘te. Ipapadala ko na lang yung pambayad
ng kuryente pati yung allowance ni tart. Ayoko muna rito, gusto ko muna
mapag-isa. Babalik na lang ako pag ok na ako.”
“May problema ba JP? Sabihin mo kay ate, baka naman
makatulong ako.” Pag-aalala ni ate.
“Basta ate, walang kahit sino ang makakatulong sa akin sa
problema ko. Walang makakaintindi. Kaya please! Hayaan mo muna akong
mapag-isa.” Sagot nya.
“Ano bang problema mo? Kahit ano pa yan, maiintindihan ka
namin mga kapatid mo kami JP. Tayo tayo na lang ang magtutulungan. Hindi kita
hahayaang mag-isa dyan sa problema mo.”
“WALA NGA SINABI!” pagsigaw ni kuya JP. Nagulat kaming
pareho ni ate, dahil alam ko kung gaano katas ang respeto nito kay ate kaya nakakagulat
talaga.
“JP! NAWAWALAN KA NA NG GALANG SAKIN AH. ATE MO AKO.” Galit
na rin si ate. Ako naman ay hindi makasali sa usapan at naiiyak na lang sa
inaasal nila.
“Sorry ate. Hindi ko sinasadya. Please pabayaan nyo muna
ako. Hindi naman kasi biro ‘tong pinagdadaanan ko eh. Hindi ko rin pwede
sabihin kahit kanino. Please wag na kayo magtanong.” Sabi ni kuya JP at maya
maya pa ay bigla na lamang syang napaupo at umiyak. Nilapitan namin sya ni ate
at niyakap. Habang nakayakap kami sa kanya ay naramdaman ko ang marahan nyang
paghawak sa kamay ko. Humawak na rin ako sa kamay nya at bigla nya itong
piniga.
“Tart! Wag kang pasaway kay ate ah. Babalik rin ako pag
naiayos ko na ‘tong problema ko. Wag mo pabayaan si ate. At palagi kayong
mag-iingat. Mahal na mahal ko kayo.” Habang patuloy pa rin sya sa paghikbi.
Pagkatapos nun ay bumaba na kami. Tuloy na nga ang pag-alis
ni kuya. Inihatid namin sya ni ate sa pinto. At nang palabas na sya ng gate ay
bigla nya akong tinawag at agad naman akong lumapit sa kanya. Hinawakan nya ang
mukha ko.
“Tart, magpakabait ka ha. Pangako babalik ako. May kailangan
lang ayusin si kuya sa sarili nya ah. Pagbalik ko’t maayos na ang lahat sa
akin. Kahit anong gusto mo bibilhin ko. Basta wag ka lang malulungkot ah. Si
ate protektahan mo, sya lang ang nagiisang babae sa atin.” Sabi nya habang
nakangiti.
“Opo kuya, wag ka lang masyado matagal ah. Miss na miss na
kasi kita eh.”mangiyak ngaiyak kong sagot. Pagkatapos ay sumakay na sya ng
tricycle papuntang sakayan ng jeep.
---
Matinding kalungkutan ang pinagdaanan ko nung umalis si kuya
JP. Palagi ko syang itinetext pero hindi naman sya nagrereply. Buti pa si ate
palaging may balita kay kuya. Kaya nakikibalita na lang ako sa kanya. Ilang
buwan din ‘yon kaya talagang miss na miss ko na sya. Ni hindi man lang kasi sya
dumadalaw dito. Sabi ni ate nagpupunta daw si kuya doon sa store nila. Dun na
lang inaabot ni kuya ang perang pambayad sa kuryente pati na rin ang allowance
ko. Minsan nga gusto ko tanungin kay ate kung saan nakatira si kuya para ako na
lang ang dadalaw sa kanya, pero hindi rin daw nababanggit ni kuya sa kanya ang
address nya.
Pagkauwi ko ng bahay galing school ay nakita ko si kuya
Edrick. Masaya itong lumapit sa akin at may ipinapakiusap.
“Lance, pwede mo ba akong tulungan? Gusto ko kasi isurprise
si ate mo eh. Gawin natin sa bahay nyo yung sorpresa. Please!” pakiusap sa akin
ni ate. Umoo na lang ako at hindi na nagtanong pa. Kahit na parang nako-curious
ako kung ano ang meron at kailangan ng surprise ng bruha kong ate. Eh hindi nya
naman birthday. Oo, bruha! Kahit kasi nawala na si kuya Edrick sa isip ko eh.
Parang nakakaramdam pa rin ako ng konting kirot sa loob ko. At dahil mahal ko
ang ate ko, ay kailangan kong tiisin na lang ‘to. As if may choice pa ako.
Sabay kaming umuwi ni kuya Edrick. Pumasok sya sa bahay at
nagpahinga lang ng konte. Tapos nagpaalam na may kukunin lang sa bahay nila.
Nang makabalik sya ay dala na nya yung sasakyan nya. Pagbaba nya naman ay
tinawag nya ako para magpatulong sa pagbubuhat ng mga anik anik na gagamitin sa
surprise nya kay ate.
Habang nag-aayos kami ng dekorasyon sa bahay ay may hindi
inaasahang bisita ang dumating. Si kuya JP, kasama nya si ate Regine.
Napatulala ako sandali at nang matauhan ako ay bigala na lamang akong napatakbo
sa kanila. Sobra sobrang saya ang naramdaman ko nung makita ko si kuya JP. Nang
makalapit ako sa kanila ay agad akong napayakap kay kuya. Mahigpit, gusto kong
maramdaman nya kung gaano ako nangungulila sa kanya. Habang nakayakap ako kay
kuya ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
“Kuya! Miss na miss kita. Bakit hindi mo ako tinetext?”para
akong batang umiyak sa kanya habang nagtatampo.
“Ahy! Nakakatouch naman, ang bunso namin. Miss na miss na
talaga si kuya.” Sabi ni ate Regine. Hindi ko alam kung plano nya bang magjoke.
Kung yun nga ang plano nya, promise sa pagkakasabi nya waley na waley talaga.
Pero sa totoo lang natutuwa rin akong makita sya. Dahil matagal na nga rin
syang hindi naparito.
Halos hindi na ako makahinga dahil humigpit din ang pagyakap
ni kuya. Pero ok lang dahil talaga namang napakasaya kong makita sya.
“Akala mo kay ate mo lang ako may surprise ah. Syempre sa
‘yo rin. Tinawagan ko si kuya JP mo at pinilit ko talaga syang pumunta dito.
Lagi mo kasing hinahanap samin ni ate mo eh. Ayan na! Ayos lang na magyakapan
kayo buong maghapon at magdamag pero sana tulungan nyo muna ako dito. Maga-alas
singko na oh, baka parating na si ate mo hindi pa tayo tapos dito.” Sabi ni
kuya Edrick.
Tinulungan na nga namin si kuya Edrick sa pag-aayos ng mga
dekorasyon. Masaya kaming nagkukwentuhan nila ate Regine. Habang patuloy ang
paggawa namin. Si kuya JP hindi pa rin sya nagsasalita, pero panay ang sulyap
nya sa akin at sabay bibigyan nya ako ng pamatay nyang ngiti. Para akong
kinikilig na ewan.
Halos ala-sais na nung matapos kaming mag-ayos. Binigyan
kami ni kuya Edrick ng mga maliliit na cards. At isa isa raw naming ibigay iyon
kay ate. Mukhang nagets ko na kung ano ang mangyayari kaya parang nalungkot ako
ng konte. “Si kuya walang ibang mahal kundi si tart lang.”pumasok sa isip ko
ang mga sinabing iyon ni kuya JP sa akin nung mga panahong nag-iinaso pa ako.
Kaya nawala bigla ang lungkot ko. Mukhang kasalan na nga ito.
Naiinip na salang maghintay kay ate. Pero ako hindi kasi
katabi ko ngayon si kuya, habang nakatago kami sa kusina para isurprise si ate.
Nakayakap si kuya sa likuran ko at nakapatong ang baba nya sa balikat ko. Si
ate Regine naman ay todo bantay sa pintuan. At si kuya Edrick parang hindi
mapakali at mukhang hindi nya pa kabisado ang mga sasabihin nya.
“Andyan na sya!”senyas sa amin ni ate Regine. Naexcite kami
lahat. Si kuya Edrick naman ay parang hindi na malaman kung saan pupunta.
Malamang kinakabahan sya.
Pumasok na nga si ate at in-on na ni ate Regine yung music
“God must have spent a little more time on you – Nsync” ang kanta. Nang
makapasok na si ate ay hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya.
Nakatayo lang sya sa may pinto at isa-isa na naming ibinigay ang card na hawak
namin. Unti unti nang pumatak ang luha nya. Ako man ay parang naiiyak na rin,
dahil kung ano man ang magiging sagot nya rito ay tiyak na may pagbabagong
magaganap sa mga buhay namin. Hindi lang basta pagbabago, malaking pagbabago.
“Babe, mula noon hanggang ngayon maganda ka pa rin sa
paningin ko. Simula nung makilala kita, sigurado na ako na ikaw na nga. Ikaw na
ang gusto ko makasama. Ipinangako ko noon sa sarili ko na gagawin ko lahat para
matupad ang pangarap ko. Ang maging asawa kita. Hindi ako nagbabago. Mahal na
mahal kita, kahit konti hindi nabawasan ang pagtingin ko sa ‘yo. Habang panahon
akong magpapasalamat sa mga magulang mo dahil isinilang nila sa mundong ito ang
babaeng inilaan para sa akin. Alam ng Diyos kung ano ang nararamdaman ko para
sa ‘yo. At paulit-ulit kong ipinapanalangin sa Kanya na ibigay sa akin ang
pinakamagandang nilalang na nilikha nya sa mundong ito. Ang pinakamagandang
babae na nakilala ko sa buhay ko. Maria Isabella Andrada Ilustre (sabay luhod
at bukas ng isang maliit na kahon) will you marry me?”
Punong puno na ang mukha ni ate ng luha. Si kuya Edrick
naman ay matiyagang naghihintay ng sagot. Ako, panay na rin ang pahid ko ng
luha ko dahil ayaw talaga tumigil. Lalo na nung sinabi ni ate na “yes!”. Doon
na naghalo-halo ang nararamdaman ko. Saya, lungkot, konting pagkainis pero mas
nangingibabaw ang tuwa. Dahil saw akas ay natupad na rin ang matagal na nilang
pinapangarap. Hindi pa man nangyayari ay iniisip ko na kung ilan ang magiging
anak nila. Anong buhay kaya ang haharapin nila pag mag-asawa na sila. Totoo
masaya ako, dahil alam kong masaya ang ate ko.
Hindi ko namalayan na nagpalakpakan pala si kuya JP at ate
Regine, nang mapansin ko iyon ay nakipalak-pak na rin ako. Sa wakas nagbunga
din ng maganda ang pinaghirapan namin kanina. Napakasaya!
Hindi natapos lahat dun. Nagkainan kami at naginuman.
Kwinentuhan namin si ate kung papaano kami naghirap ikabit lahat ng dekorasyon
na iyon. At sabi ko “Dahil sa ‘yo ginamit yan, pwes ikaw ang maglinis nyan”.
Sabay tawanan kaming lahat. Maraming kwento at mahaba ang naging inuman namin.
Hanggang sa lumalim na ang gabi at kailangan nang umuwi nila kuya.
“Kuya! Dito ka na lang matulog, kahit ngayung gabi lang
please. Miss na talaga kita eh. Promise hindi kita kukulitin. Hindi kita
kakausapin basta dito ka lang matulog ok na ‘ko.”pakiusap ko kay kuya JP.
“Sige na hon pagbigyan mo na si Lance, mukhang naghahanap na
talaga ng kuya oh.” Pagsang-ayon ni ate Regine. “Oo nga naman. Kahit ngayon
lang.” nagkasabay pa sila ate Belle at kuya Edrick sa follow up.
“Sige na nga, basta wag kang makulit ah. Sabagay miss na
miss ko na rin ‘tong bunso ko eh.”sabay gulo nya sa buhok ko. “Ihahatid ko lang
sa sakayan si ate Regine mo tapos babalik ako.”
Inihatid na ni kuya si ate Regine. Sumabay na rin sa kanila
si kuya Edrick para umwi na rin. Si ate naman ay hindi maalis sa mukha ang
ngiti. Hinarot ko si ate habang naghihintay kami sa pagbalik ni kuya JP.
“Oy! Ikakasal na ang mangkukulam. Hahaha!” sabay sundot ko
sa tagiliran nya.
“Ah mangkukulam pala ah. Eh kung bawasan ko kaya yang
allowance mo.”panakot ni ate.
“Ay! Yung angel pala ikakasal na. Ayyyiie!”
Tawanan lang kami ni ate at bigla ko na lang sya tinanong ng
isang seryosong tanong.
“Ate bakit mo nga pala ibrineak si kuya Edrick noon?”
“Ah! Eh, kasi dumadating din kasi sa tao yung pakiramdam na
nagsasawa ka. Akala ko hindi ko na sya mahal noon, pero mali ako eh. Namimiss
ko pa rin pala sya. Siguro nagsawa lang ako sa mukha nya. Hahaha! Kaya ikaw wag
kang basta basta nagdedesisyon. Pag-isipan mo muna ng mabuti dahil baka
pagsisihan mo. Minsan kasi mali ang nagdedesisyon ka base sa emosyon mo. Kaya
maraming nagkakamali dahil dyan. Swerte ko lang dahil hindi ako binitiwan ni
kuya Edrick mo. Dahil kung nagkataon, pagsisisihan ko iyon habang buhay.
Naiintindihan mo ba ako?”
Tumango lang ako kay ate. At muli ko syang hinarot. May bago
akong natutunan sa kanya. Palagi kasi akong nagdedesisyon base sa nararamdaman
ko. Mali pala ‘yon kaya dapat ko nang baguhin para makaiwas sa mga pagkakamali.
Dumating na si kuya JP. Medyo hindi na tuwid ang lakad,
malamang nalasing na sa ininom namin. Mahina kasi talaga sya uminom eh, goodboy
kasi palagi. Hindi katulad ko na may pagkapasaway. Isinara na nya ang pinto at
umupo sa gitna namin ni ate.
“Aba! Ang ate ko ikakasal na ah. Hays! Sana nakikita tayo
nila mama at papa. Para makita nila kung ano ang kinahinatnan ng mga mahal
nilang anak. Masaya ako para sa ‘yo ate, sana maging maligaya kayo ni kuya
Edrick.”sabay yakap nya kay ate.
“Salamat. Napakasaya ko, kahit na nawalan tayo ng mga
magulang. Biniyayaan naman ako ng mga mababait na kapatid. Ay hindi, si JP lang
pala ang mabait. Sutil pala itong isang ‘to.”sabay dutdot ni ate sa noo ko at
itinulak nya palayo. Nagtamputampuhan ako at nagtawanan naman silang dalawa.
Nagsiakyat na kami para makapag pahinga na. Kagaya ng
ipinangako ko kay kuya, hindi ko sya kinausap o kinulit. Humiga na ako sa kama
ko at bumaling banda sa kama ni kuya. Humiga na rin sya at hindi sya
nagsasalita. Maya maya pa ay bumangon sya para patayin na ang ilaw. Pagkapatay
nya ay tsaka naman ako pumikit. Natutuwa ako dahil hindi ko imagination si
kuya. Madalas ko kasi imaginin na nandyan lang si kuya kahit wala sya. Pero
ngayon totoo na nandito sya.
Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Dahil siguro
malakas din ang tama ng alak sa akin kaya naman mabilis lang akong inantok.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Si kuya JP,
hindi ko napansin na lumipat pala sya sa kama ko. Kumilos ako para umayos ang
pwesto namin dahil parang nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang braso ko.
“Gising ka pa?” si kuya JP.
“Mmm kuya.” Sagot ko.
“Nalulungkot ka ba dahil ikakasal na kay ate yung lalakeng
mahal mo?” tanong ulit nya.
“Huh? Hindi ah, kinalimutan ko na yun matagal na. Hindi ko
na sya iniisip. Nalulungkot lang naman ako kasi wala ka dito sa bahay. Miss na
miss na kaya kita.” Sagot ko.
“Talaga? Namimiss mo ako? Gusto mo bang bumalik na ako
dito?”
“Oo kuya, please bumalik ka na dito. Promise hindi na ako
makulit.”
“Hindi pa pwede bunso eh, hindi pa rin maayos si kuya. Kasi
mah.. .” putol na pagkakasabi ni kuya.
“Ano ba yung problema mo kuya? Sabihin mo saken please.”
“Hindi pwede tart eh. Komplikado yung problema ko kaya hindi
ko pwede sabihin sa ‘yo. Basta tatandaan mo lang na kahit anong mangyari mahal
na mahal kita. Walang pupwedeng gumalaw sa ‘yo. Dahil pag ikaw ang naapi,
papatay si kuya para sa ‘yo.”
“Wala namang nang-aapi sa akin eh. Takot lang nila. Mahal na
mahal din kita kuya. Sana bumalik ka na dito.” Sabay marahan nyang piningot ang
tenga ko.
“Sabi mo hindi ka mangungulit. Matulog na tayo tart, ganito
lang magkayakap para mabawasan yung sakit na nararamdaman ni kuya.” At
naramdaman ko na lang na may parang tubig na dumaloy sa noo ko. Umiiyak yata si
kuya, pero hindi ko na iyon pinansin. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit para
mapagaan ang loob nya.
Kinabukasan ay hindi ko na nakita si kuya. Siguro maagang
nagising at hindi na ako inistorbo. Nalungkot talaga ako dahil sandali ko lang
syang nakasama. Pero ayos na rin dahil sa wakas ay nakatabi ko sya sa pagtulog.
At tsaka may text sya sa cp ko “Uwi na si kuya, naghihilik ka pa kasi kaya
hindi na kita ginising. Wag ka malungkot, mahal na mahal ka ni kuya.”
Hindi pa rin umuuwi si kuya, dalawang buwan na rin nung huli
kaming magkita. Pero ngayon ay nagrereply na sya kahit papaano sa mga text ko.
---
December 20, ang date ng kasal nila ate Belle at kuya
Edrick.
Naghahanda na kami para pumunta ng simbahan. Ayaw ko pang
isuot ‘tong barong dahil mainit at makati. Hindi naman kasi ako sanay na
magsuot ng mga ganito eh. Nakakainis, ginawa pa kasi akong abay eh. Tinanggihan
ko na nga sila, pinilit pa rin ako. Ang gusto ko pa naman pag may ganito eh,
taganood lang at tagakain. Pero ano pa nga bang magagawa ko eh ito ang unang
kasalang magaganap sa pamilya namin.
Tinext ko si kuya JP kung nasaan na sya nagreply naman sya
na malelate sya. Hmp! Buti pa sya walang gagawin. Sya sana ang gagawing bestman
para gwapo daw yung nasa harap. Kaso hindi sya pwede dahil may gagawin pa raw
sya. Kaya ayun pinagchagaan nila yung bestfriend ni kuya Edrick na mukhang
panda. Pano naman malaki na eyebag, malaki pa ang tiyan.
Nauna na kami sa simbahan, sumabay na ako kay kuya Edrick
dahil hindi naman ako pwede makipagsabay sa bride. Alam nyo na, bride ang
paimportante sa kasalan eh. Nang makarating kami sa simbahan ay agad na kaming
iniayos ng mga pwesto para pag sinimulan na ay wala nang marami pang kuskos
balungos. Itinext ko si ulit si kuya JP. “Asan ka na?” Nagreply naman sya “Oo,
andyan na, pasakay na ako ng taxi. Nakuha mo ba yung notebook na inilagay ko sa
kama mo?” tanong nya sa akin. “Hindi pa, nagmamadali ako kanina eh. Mamaya na
lang, bilisan mo kasi, baka magmaldita na naman si ate eh.”
Dumating na si ate. Wow! Ang nasabi ko sa isip ko. Kahit
nakita ko na sya kanina ay parang naeengkanto pa rin ako sa ganda nya. “Kapatid
ko yan.”pagmamalaki ko sa isip ko.
Inumpisahan at natapos na nga ang kasalan ay hindi pa rin
dumarating si kuya JP. Papunta na kami ngayon sa reception “haynaku! Drawing
talaga.” Sabi ko.
---
Halos sumabog ang ulo ko habang nakatayo ako sa entrada.
Hindi ko maihakbang ng maayos ang mga binti ko dahil nanginginig ang mga tuhod
ko. Wasak na wasak ang mundo ko. Para akong masisiraan ng bait. Gusto kong
magmadali pero hindi ko magawa. Gusto kong makarating kaagad sa dulo kung saan
matiwasay na nakahimlay ang walang buhay na katawan ng pinakamamahal kong kuya
JP. “KUYA!” gigil na gigil kong pagtawag sa kanya. Nagkakandarapa na ako sa
pagmamadali kong makita sya. Nang makarating na ako doon ay bigla na lamang
akong hinawakang mahigpit ni ate Regine, dahil parang gusto kong hugutin si
kuya JP sa loob ng kabaong nya. “KUUYYYYYYYYAaA!” mahaba kong sigaw. At maya
maya ay kumalma na ako. “Ano ‘to? Panaginip lang ‘to. Hindi ‘to pwede. Kuya ko.
Mahal na mahal kita.” Sabi ko sa isip ko. Hindi pa rion ako makapaniwala na
tinitingnan ko ngayon ang bangkay ni kuya. Hindi maiproseso ng utak ko ng
maayos kaya parang mababasag ang bungo ko anumang oras.
Natanggal pala si kuya JP sa trabaho. Nahihiya syang sabihin
sa amin dahil ayaw nyang maging pabigat. Banned sya sa maraming company kaya
nahirapan syang maghanap ng bagong trabaho. Ikinwento sa akin ni kuya Conrad na
nagmamadali daw humanap ng trabaho si kuya JP dahil kailangan nya raw talagang
makabili ng IPhone. Para daw hindi ito masyadong mastress sa kakahanap ng
trabaho, ay pinautang nya na lamang ito ng pera pambili ng IPhone. Nang
matanggap daw iyon ni kuya ay agad itong umalis para bumili kaagad. Yun din
yung araw na ibinigay nya sa akin yung IPhone na yun. Isang kaibigan daw ang
lumapit kay kuya JP, nag-aalok ito ng trabaho. Magbebenta raw ng drugs.
Pinigilan daw sya ni kuya Conrad pero hindi ito nagpapigil. Itinuloy nya raw
iyon para naman hindi sya maging pabigat kay ate. Pinamamanmanan na pala sya ng
mga pulis ng hindi nya nalalaman. At na raid ang hideout nila nung araw mismo
ng kasal ni ate. Nagkaroon daw ng enkwentro at disgrasyang tinamaan si kuya sa
ulo. Dead on the spot si kuya. Yan ang mga kwento ni kuya Conrad, habang kami
naman ni ate Regine ay matamang nakikinig. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni
ate Regine sa kamay ko. Kapwa kami walang tigil sa pag-iyak. Si ate Belle naman
ay nakaupo lamang dun sa likuran namin at tulala kasama si kuya Edrick.
Hindi ko kayang tagalan ang hinagpis ko sa loob ng burol ni
kuya. Kaya umuwi ako, dahil ayaw ko nang makita yung kabaong na kinalalagyan
nya. Sa bahay ko na lang uumpisahan ang pagluluksa. Pagkarating ko ng bahay ay
naalala ko ang notebook na sinasabi ni kuya. Nang Makita ko ito ay agad kong
binasa ang nilalaman nito.
Tart,
Sasabihin ko na sayo lahat lahat kaya basahin mong mabuti at
intindihin mo. Matagal ko na rin itong itinatago sa ‘yo. Tart gusto ko malaman
mo na kaya ako umalis, dahil hindi ko na talaga kayang makita ka. Nalululong na
ako sa ‘yo. Kuya mo ako kaya ako dapat ang gumagawa ng tama. Pero nakagawa ako
ng isang malaking pagkakamali. Yun ay ang mahalin ka. Mahalin hindi bilang
kapatid mo. Mahalin ka ng lubos bilang isang lalake. Suyuin ka bilang ibang
tao. Kahit saan natin tingnan ay mali talaga ang nararamdaman ko. Pinaparusahan
ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglayo sa ‘yo. Mahal kita tart. Kaya lahat ay magagawa ko para sa ‘yo. Isang
bagay lang ang ginawa kong tama, yun ay ang iligtas ka mula sa isang malaking
kahihiyan. Kaya ayaw kong sabihin dahil ayaw kong mandiri ka sa akin. Abot
hanggang langit ang pagmamahal ko sa ‘yo tart. Kaya kailangan ko na talagang
lumayo para patayin ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Ikaw na kasi ang
nagpapaikot ng mundo ko eh. Pero ngayon unti-unti na akong umaayos. Nawawala
na. Ito ang magandang balita na gusto ko sabihin sa ‘yo. Isa pa nga pala wag ka
munang maingay kay ate. Sa ‘yo ko pa lang sasabihin ito at wala pang ibang
nakakaalam. Tart, magkakaroon ka na ng pamangkin. Magkaka baby na kami ni ate
Regine mo. Napakasaya ko kasi sa wakas unti-unti nang nagiging tama ang takbo
ng utak ko. Salamat sa ‘yo tart. Hindi mo ako minahal, katulad ng pagmamahal ko
sa ‘yo. Dahil kung sinuklian mo ang nararamdaman ko, malamang
nagkandaleche-leche na yung buhay natin pareho. Babawi na lang ako sa susunod
na buhay natin. Hinihiling ko na kung mabubuhay tayo ulit, sana hindi na tayo
magkadugo. Para malaya na akong mahalin ka. Pag dating ng panahong iyon,
hahanapin kita at hindi na kita pakakawalan. Pero sa ngayon mamahalin muna kita
bilang kapatid. Mahal na mahal kita bunso.
Kuya,
Pinatay ko ang ilaw at nakiramdam ako sa dilim. Ang dati’y
masayang tahanan, ngayon ay nababalot ng labis na katahimikan. Walang puwang
ang ilaw. Walang puwang ang init sa malamig na silid. Puro hapis, dusa at
panimdim. Wala akong maramdaman kahit konting saya. Nakakatakot. Nawawala ako.
Gusto ko tumakbo pero saan ako pupunta? Kung kahit impyerno ay pinagsasarhan
ako ng pinto. Masikip sa langit kaya nahulog ako. Anghel na walang pakpak.
Anghel na walang liwanag. Puro karumaldumal na kasalanan ang bumabalot sa akin.
Marumi, madungis. Nakakairita. Ibuhos sa nananahimik na pader lahat ng galit
ko, yan lang ang kaya ko gawin. Kelan ba ako makakabangon. Kelan ko kaya
makikita ang liwanag. Napakadilim nagiisa ako. Walang masulingan. Para akong
ligaw na hayop sa ilang. Para akong nalulunod, hindi ako makahinga. Sinong
tutulong sa akin? Wala. Limang libong milya ng lupain ang kailangan ko lakarin.
Sa dulo nun ay hindi ko pa sigurado kung may kapayapaang naghihintay sa akin.
Natatakot pa rin ako, patuloy akong nangangapa sa dilim. Nakikiramdam sa sunod
na mangyayari.
Bigla na lamang lumiwanag sa paligid ko at narinig ko ang
boses ni kuya.
“Paano si ate? Kung itutuloy mo yan? Tart, nawala lang ang
katawan ko. Pero ang pusot kaluluwa ko ay patuloy na mananatili sa inyo.
Patawarin mo sana ako kung iniwan ko kayo. Wag na kayong malungkot. Magpatuloy
kayo sa buhay. Nandito lang kami nila mama at papa. Palagi namin kayong
babantayan.”
Pagkatapos noon ay bigla na lamang akong bumalik sa ulirat.
May hawak na akong gunting at nakalapat ito sa pulso ko. Wala sa sariling
magpapakamatay na ako. May tumapik ng gunting mula sa mga kamay ko at tumilapon
iyon sa ilalim ng kama. Bigla ko na lamang naramdaman ang isang mahigpit at mainit
na yakap. Kasabay nun ang isang malakas na hagulgol. Si ate. Nakalimutan kong
may ate pa nga pala ako.
“SOSOsoorry ate!” sabay hagulgol ko at napayakap na rin ako
ng mahigpit sa kanya.
“Tart! Maawa ka naman kay ate. Wag mo naman akong iwan
mag-isa dito please!”
“Ate! Ate! Sorry, hindi na mauulit.”
---
Araw na ng libing ni kuya. Magkakatabi kaming apat nina kuya
Edrick, ate Belle at Regine. Nakasunod lang kami sa karo. Panay ang iyakan at
lalo pang nadagdagan ang kalungkutan nung inumpisahan ng patugtugin yung music.
“Footprints in the sand – Leona Lewis”
You walked with me, footprints in the sand
And helped me understand where I'm going
You walked with me when I was all alone
With so much unknown along the way
Then I heard you say
I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sorrow and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
I see my life flash across the sky
So many times have I been so afraid
And just when I have thought I lost my way
You give me strength to carry on
That's when I heard you say
I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sorrow and despair
And Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
When I'm weary, well, I know you'll be there
And I can feel you when you say
I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sadness and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
I promise you, I'm always there
When your heart is full of sadness and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
Patuloy kaming naglalakad. Bumaling ako sa mukha ni Regine.
Bakas sa mukha nya ang kawalan ng pag-asa. Hinawakan ko ang kamay nya.
Mahigpit. Gusto kong iparating sa kanya na hindi sya nag-iisa. Tumingin sa akin
si Regine.
“Paano na Lance?” tanong nya.
“Wag ka mag-alala hindi ko kayo pababayaan.” Nagulat sya sa
sinabi ko. Pero patuloy lang kami sa paglalakad.
Dito na ang huling hantungan ni kuya. Huling sulyap sa
kahong kinalalagyan ng katawan nya. Napatingin ako sa malayo at namalik mata.
Si kuya, nakangiting kumakaway sa akin. “Mahal kong kuya, paalam na.”
---
Limang taon na ang lumipas. Sigurado na akong nakamove-on na
ako. Napakasaya ko ngayon. Totoo na ‘to hahaha, hindi na ako pipitsuging
bratinelo ng taon. Isa na akong architect. At masayang masaya sa napili kong
buhay. Death anniversary ni kuya ngayon kaya pupunta kami sa simenteryo.
Nakaupo ako sa tapat ng lapida ni John Phillip Andrada
Ilustre. “Nakanaman, ang tindi ng pangalan mo tol ah.”sabi ko sa isip ko.
“Musta ka na? Relax na relax ah. Tarantado ka kasi eh, excited ka mapunta sa
langit.”
“JP, dahan dahan naman. Wag ka masyadong mabilis.”sigaw ng
asawa ko. At bigla na lamang dumamba sa likuran ko ang makulit kong anak.
“Tart! Sino yan tart? Tanong sa akin ng anak ko. Nakasanayan nya na akong
tawaging tart dahil madalas nya iyong marinig kay ate. “Si tito JP mo yan.”
Sagot ko. “
“Ay grabe ang kulit talaga ng batang yan. Manang mana sa
‘yo.” Sabi ni Regine.
“Honey naman, bakit pag bad sa akin minana pero pag good sa
‘yo lahat. Unfair ka ah.”
“e kanino pa ba magmamana ng kakulitan yang anak mo kundi sa
‘yo.”sabi pa nya.
At bigla na namang tumakbo si JP paikot ikot para pahabulin
ang mommy nya. Oo! Si Regine na dating girlfriend ni kuya ang napangasawa ko.
Mahabang kwento kung papaano ko sya napapayag na magpakasal sa akin. Basta ang
masasabi ko lang, feeling artista sya nung nililigawan ko pa sya. Nung una pa
naman gusto ko na sya, kaya hindi naman nagumpisa sa wala ang pag-ibig ko sa
asawa ko. Mahal na mahal ko sya pati na rin ang anak ni kuya JP. Ipinangalan
nga namin sa kanya ang anak nya eh. Walang nakakaalam, na hindi ko anak si JP.
Kaming dalawa lang ni Regine at wala kaming balak na ipaalam pa iyon sa iba
kahit kila ate. Aalagaan ko sila. Sisiguruhin kong walang mang-aapi sa kanila.
Kagaya ng ginawa sa akin ni kuya. Gagawin ko rin silang maswerte katulad ko.
Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kuya JP na nagmahal sa akin ng walang
hinintay na kapalit. Ganun rin ang gagawin ko sa kanila. Mamahalin ko rin sila
ng buong buo.
“Salamat kuya,
natagpuan ko na ang kaligayahang matagal ko nang hinahanap. Ikaw ang naging
daan para makita ko sila. Ang sarili kong pamilya. Wag ka mag-alala palalakihin
ko si JP kagaya ng pagpapalaki sa atin ng mga magulang natin. Magiging mabuting
tao rin sila. Nga pala may balita ako sa ‘yo, magkakapamangkin ka na. Nakabulls
eye ako hahaha. Wala nang selosan ah. Manahimik ka na lang dyan. Mahal na mahal
kita kuya.”
Maya maya pa ay sumigaw si JP, inaway daw sya ni Raiven.
Anak nila ate Belle at kuya Edrick. Kahit na mas matanda si JP ng isang taon
kay Raiven ay hindi nya ito pinapatulan, kaya iyak na lang ang pangganti nya.
Pinuntahan ko si JP para kargahin, dahil pag ganitong nagdaramdam sya ay ako
lang ang nakakapagpatahan sa kanya.
“Huhuhu! Hindi ako lab ni Raiven.” Pagtatampo nya.
“Lab ka ni Raiven, pinsan mo yun eh. At tsaka naglalaro lang
naman kayo eh.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi nya ako lab, inaaway nya ako eh. huhuhuhu”
“Oh, tahan na. Wag ka na malungkot, HMmmm!” sabay halik ko
sa kanya “Isipin mo na lang na si Tart, si JP lang ang mahal.” At bigla na
syang huminto sa pag-iyak. Bumalik na kami sa lapida ni kuya. Kasama na sila
ate at ang asawa ko.
Wakas

Hi.. gusto ko lang sabhn na i really like all of your stories. Alam mo yun kahit sobrang laging malungkot yung mga ending nilolook forward mo parin.
TumugonBurahin