James Silver
Fiction
6 pm na! Malelate na ako sa trabaho. Ahy! Nakakainis talaga pag halos hindi
ka na nakatulog dahil sa pangungulit ng batang to tsk! Wala namang choice kundi
makipaglaro na lang kesa naman uminit pa ang ulo ko, dahil sa kakayugyog nya
sakin habang sinusubukan kong magpahinga.
Ako nga pala si Adrian Tolentino. 25 years old. 5’8”. Chinito, matangos ang
ilong, moreno. Kung sa tingin mo napaka gwapo ‘ko eh, ewan, wala naman kasi
akong pakialam eh. Maraming umaaligid saking mga babae at bading pero hindi ko
sila nabibigyang pansin. Subsob kasi ako sa trabaho para buhayin ang 5 years
old kong anak na si Xander. Single dad ako. Namatay ang asawa ko nung
ipinanganak nya ang anak namin. Nung mamatay sya ay hindi na ako naghanap pa ng
iba. Ibinuhos ko na lamang ang lahat ng atensyon ko sa pagtataguyod ng nag-iisa
kong anak. Wala nang iba pang mas mahalaga sa akin. Mahirap maiwan mag-isa kaya
naman sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit. Nakakatakot na
eh.
Shit! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Nalate ako sa trabaho. Eto
sinasabon ako ng walang banlawan ng floor manager naming si ate Estella. “Late
ka na naman, andami dami nang costumer. Lintek ka talaga, kumilos ka na diyan.
Ngarag na kami dito tapos ikaw kakarating mo lang at nakatunganga ka pa” bulyaw
nya sa akin. “Pasensya na ate, hapon na rin kasi ako nakatulog eh. Yung anak ko
kasi sobrang kulit ayaw ako tantanan” hingi ko ng tawad sa kanya. “ mag-asawa
ka na kasi ulit, para may mag-aalaga na diyan sa anak mo, sya kilos na!”.
Palaging ganito ang eksena naming dalawa kaya parang musika na sa tenga ko ang
napakalakas nyang boses. Tinalo pa yung speaker na walang tigil sa pagtug-tog.
Kumilos ako ng mabilis para makatulong na ako sa kanila sa pagseserve sa mga
costumer. Maya maya pa ay huminto ang tugtugan at may nagsalita sa mic. Umpisa
na ng kantahan. Paboritong banda ko pala ang tutug-tog ngayung gabi, Hypnotic
ang pangalan ng bandang yun. Nagumpisa na sila. Talagang napakaganda ng boses
ng lead vocalist nila na si Peter. Yung version nila ng kantang ‘Leaving On A
Prayer’ ang una nyang binanatan, naghihiyawan ang lahat sa sobrang galing nya.
Walang panama si Michael Bolton dito. Husky at napakataas ng boses. Palagi
akong natutulala sa kanya pag kumakanta sya. Sobrang naaaliw ako sa boses nya.
Pero kikilos na ako kasi baka masermonan na naman ako ni Ate Estella. Andameng
costumer ng gabing iyon. Weekend kasi kaya siguradong pagod na naman pag uwi.
Pakiramdam ko ay napakahaba ng araw na ito, natapos din, sa wakas ay
makakauwi na. Matapos kami magligpit sa bar ay agad akong nagbihis. Kukunin ko
pa si Xander kila Aleng Charity. Yung baklang gustong gustong alagaan ang anak
ko. Palagi syang nagpiprisinta na sya na lang ang magbabantay kay Xander sa
twing papasok ako ng trabaho. Meron syang kasama sa bahay yung boyfriend nyang
bagets na gusto na yatang maging tatay dahil aliw na aliw din sa bata. Hindi
naman ako masyadong nag-aalala dahil mababait naman sila. Ang kaso lang baka
mamulat sa ibang uri ng pamumuhay ang anak ko dahil na rin sa mga taong
nakapaligid sa kanya. Ayos lang siguro yun. Ang mahalaga lang naman sa akin ay
ang mabigyan ko sya ng tamang edukasyon at mapalaki ko syang mabait at
responsableng tao.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa CR dahil puputok na ang pantog ko.
Dali-dali akong pumunta sa isang cubicle at doon ko na tuluyang inilabas ang
kanina pang naipon na ihe. Habang umiihe ako ay narinig ko ang nakakarinding
tunog ng dumi na lumabas sa bituka ng isang tao sa kabilang cubicle. Muntikan
ako matawa pero pinigilan ko dahil ganun naman talaga kahit sino pag nadudumi,
lalo na pag nage-LBM, baka magalit pa sa akin. Papalabas na sana ako ng CR nung
marinig ko na nagsalita ang isang lalake “Tubig! Tissue! Kahit ano wala kasing
pwede panglinis dito eh, please kung sino ka man na nandiyan tulungan mo ako”.
Papabayan ko na lang sana dahil atat na talaga akong umuwi. Kaso naawa ako,
baka kasi mangyari din sa akin yun. “sige sandal lang maghahanap ako” sagot ko
sa lalaki. “salamat ah” tugon naman nya. Naghanap ako ng tissue sa iba pang
cubicle. Pero wala akong makita kaya naisip ko na lang na kumuha ng tabo at
sumahod doon sa lababo. Iniabot ko sa kanya at kinailangan nyang buksan ang
pinto ng cubicle para maabot nya ng hindi natatapon. Pagkabukas nya ng pinto ay
lalong tumindi yung amoy. “putang ina! Nanununtok” sabi ko sa sarili ko. Nang
maabot nya na at magamit ay nakiusap ulit sya na kumuha pa raw ako ulit.
Naantala na ng husto ang pag-uwi ko, medyo naiinis na ako. Kumuha na lamang ako
ulit para naman matapos na sya. “ok na ba?” tanong ko. “Sandali lang” sabi nya.
Naghintay pa ako ng ilang sandali baka kasi kulang pa. Maya maya ay lumabas na
sya ng cubicle. Lumabas ang lalake na halos kasing tangkad ko lang rin, maganda
ang korte ng katawan nya sa suot nyang sando halatang nagji-gym, matangos ang ilong,
maputi, bilugan ang mata makapal ang kilay at maganda ang korte ng labi. Me
hawig sya kay Paolo Avelino. Medyo napatulala ako dahil si Peter pala yung nasa
loob “putang ina IDOL!” sabi ko lang sa sarili ko. Dumiretso lang sya sa lababo
para maghugas ng kamay. “tanginang to pagkatapos mo tulungang makapag-hugas ng
tae, hindi man lang nagpasalamat. Walang utang na loob” bigla na lang ako
natawa sa ka-OA-yan na naisip ko. Pagkatapos nya maghugas ng kamay ay agad sya
lumapit sakin. Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. “Putang ina, shet!” sabi
ko sa isip ko habang nakakunot ang noo ko. “Maraming salamat pare, kung wala ka
malamang hindi na ako nakalabas diyan”. “walang anuman yun idol” tugon ko sa
pasalamat nya. “Idol? Pinapanood mo ba ako kanina?” tanong nya. “oo naman,
palagi ko kayong pinapanood twing tutugtog kayo dito”. “Ah, madalas ka ba
dito?” tanong ulit nya. “oo, Waiter ako dito eh”. “Ah, kaya naman pala, edi
pauwi ka na nyan? San ka ba, baka dun din ang daan ko isasabay na kita, para
naman makabawi ako sayo.” “Ah diyan lang ako sa Cubao, sa Notre Dame wag na
next time ka na lang bumawi, hinihintay na rin kasi ako ng anak ko eh kaya
nagmamadali na ako”sabi ko sa kanya. “Sige, inuman tayo next time ah treat ko
tutal dito ka naman pala nagtatrabaho eh, Peter nga pala”pakilala nya sa akin.
“Ah Adrian, sige basta sa susunod na lang pre” nagkamayan kami at agad na akong
umalis.
Nakadapa ako sa kama. Malalim na ang pagkakatulog ko kaya naman hindi ko na
namalayan na hindi ko na pala kayakap ang anak ko. Maya maya pa ay may biglang
dumamba sa likuran ko. Tsk! Eto na naguumpisa na sya. “daddy, laro tayo. dali
na, daddy! Daddy! Daddy!” pulit-ulit na tawag nya sakin habang patuloy syang
nakapasan sa likod ko at niyuyugyog ako. “umalis ka diyan baby, ambigat mo
eh”reklamo ko sa kanya. “laro na tayo daddy!” . “natutulog pa si daddy eh,
mamaya na tayo maglaro”. Lalo pa syang naging makulit. Patuloy ang pagyugyog
nya sa akin at ginawa nya nang kabayo ang likod ko. Sa taba nya ay halos hindi
na ako makahinga. Parang pakiramdam ko eh mababali ang ribs ko anytime. “bumaba
ka sinabi dyang biik ka eh, ambigat mo, mamamatay si daddy dyan sa ginagawa mo
nak eh.” Pagkasabi ko sa kanya nun ay bigla nyang ginamit ang kanyang deadly
weapon na siguradong kahit sino ay hindi na sya magagawa pang tanggihan.
Umatungal sya ng napakalakas habang pinapalo ang likod ko. “hindi ako biik,
hindi ako biik! Wuhuhuhhuh!” buong pagtatampo nya sa akin. Hinarap ko sya at
agad na niyakap. “ahy sorry na baby ko, lab na lab yan ni daddy” sabay kiss ko
sa kanya hanggang sa kiniliti ko na sya. Tawa sya ng tawa sa ginagawa ko at
nagtuloy tuloy na ang laro namin. Hanggang sa magreklamo na syang gutom. Oo nga
pala at hindi pa nagaalmusal tong biik na to. Lumabas kaming mag-ama para
bumili ng tinapay sa bakery. Mahilig syang sumakay sa balikat ko kaya naman
kahit na nabibigatan ako sa kanya ay isinakay ko pa rin dahil siguradong walang
humpay na ngawa na naman ang ipanglalaban nya sa akin. Pag-uwi namin ng bahay
ay agad naming pinagsaluhan ang mga binili namin. Tinimplahan ko sya ng gatas
at kape naman para sa akin. Dahil sabado kaya wala syang pasok sa school. Pag
ganitong araw ay siguradong mahihirapan na akong magpahinga dahil maghapon na
kaming maglalaro. Kahit na nahihilo pa ako sa sobrang puyat ay masaya naman ako
dahil alam kong masaya ang anak ko. Ok na ako pag ganun, wala ng ibang mas
mahalaga pa sa akin kundi sya. Lahat ng gusto nya ibibigay ko. Buong maghapon
kami naglaro ni Xander hanggang sa sumapit ang gabi at napagod na rin sya sa
wakas.
Paulit-ulit lang ang gawain ko araw-araw, kaya naman para na akong robot na
naka-program na ang lahat ng dapat ko gawin. Kakain ng almusal pagkatapos
sunduin si Xander pag Sabado o Linggo. Awtomatikong bumabangon ang katawan ko
pagsapit ng 10am para sunduin sya sa school, sa mga araw na may pasok sya.
Direcho luto na ng tanghalian. Nakakulong lang kami sa kwarto habang natutulog
ako at hinahayaan ko lang na bukas ang t.v. para hindi sya maboring at hindi
nya ako kulitin habang nagpapahinga ako. Makikipaglaro ako sa kanya pagkatapos
kumain, para ubusin ang natitirang oras hanggang sa mag ala-una. Sabay kaming
matutulog at gigising ng 3pm para gawin ang assignment nya, pagkatapos ay
manonood ulit ng t.v. at maglalaro ulit. Tuloy tuloy na yun hanggang sa pagkain
namin. Tapos susunduin na sya ni Aleng Charity o kaya naman ni Albert, at ako
naman ay maghahanda na sa pagpasok. Halos wala rin akong pahinga, pero nasanay
na rin ang katawan ko sa ganoong routine. Kailangan kong gawin yun para hindi
ko mapabayaan ang anak ko. Hindi ako nagsasawa. Para sa kanya hinding hindi ako
mapapagod.
Pagkapasok ko sa bar na pinagtatrabahuhan ko ay si sir Roman ang una kong
nakita. Hindi ko alam kung anong trip neto sakin. Sa twing nandiyan sya ay
hindi na ako nakakapagtrabaho dahil pinababayaan na lang ako ng floor manager
namin na kausapin sya buong magdamag. Palagi nya akong niyayayang mag-inom.
Hindi naman ako makatanggi dahil pinapagalitan ako ni ate Estella. Mas gusto ko
pang magpakapagod sa trabaho kesa naman makinig sa kayabangan nitong taong to.
Pero kahit na ganun ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya dahil sya ang
nautangan ko nung magka-dengue si Xander. Kaso talagang nakakainis lang ang
kayabangan nya. Sa bagay meron naman kasing ipagmamayabang sya kasi ang may-ari
netong bar. At syempre pangdagdag angas pa yung mga tauhan nya na panay ang
buntot sa kanya.
“Inuman tayo, tinanggihan mo na ako nung isang araw. Kaya hindi ka na pwede
tumanggi ngayun” si sir Roman. “Eh kasi po sir hinihintay po ako nung anak ko
eh”. “Sabi ko naman kasi sayo eh, kumuha ka na ng yaya at ako na ang bahala”.
“Wag na po sir hehe” nahihiya kong sagot sa alok nya. “Basta mag-iinuman tayo
at hindi ka pwedeng tumanggi”matikas nyang banggit sa akin. Lagi nyang inaalok
sa akin yun pero lagi ko namang tinatanggihan, dahil sa sobrang hiya at baka
mabaon pa ako sa utang na loob ko sa kanya. Hindi na ako nakapagpalit ng
uniform dahil hinatak nya na ako para makipag-inuman sa kanya.
Nagpatuloy ang inuman namin. Hanggang sa mapansin ko na lang na nalalagas
na ang mga tao. Panay tugtog na lamang at wala na ang banda nila Peter.
Ipinatawag ni sir si Peter pati na rin ang mga kabanda nya para tumugtog pa
ulit para sa amin. Nang umakyat na ang banda sa stage ay napatitig ako kay
Peter na para bang humihingi ng pasensya dahil mauudlot ang pag-uwi nila ng
dahil sa akin, napasenyas naman si Peter na ayos lang sa kanila. Alam kasi ni
sir Roman na paborito ko ang banda nila. Nag-umpisa na naman silang tumugtog at
paborito ko pang kanta ang kinanta nila. Yung ‘Something I Need by One
Republic’. “Bakit hindi ka pa naghahanap ulit ng mapapangasawa?” biglang tanong
ni sir Roman sabay tungga ng beer. “eh wala pa pong napupusuan eh” nakangiti
kong sagot sa kanya. “sabagay ganyan naman talaga. Hindi ka pa ba nakakalimot sa
asawa mo?” muli nyang tanong. “hindi ko po sya makakalimutan, pero handa na po
akong magmahal ulit. Wala lang po talagang dumarating”. “baka naman kasi mapili
ka. Wag kang maging pihikan, ang hanapin mo eh yung mamahalin kayo pareho ng
anak mo. Ke mapalalaki man yan oh babae basta mamahalin kayo ayos na yun. Ang
mahalaga lang naman eh yung hindi kayo pababayaan kagaya ko marami akong pera”
mahabang litanya nya sabay ngiti sa akin. Hindi ako nakasagot dahil bigla akong
kinabahan. Mukhang may gustong ipahiwatig si sir sa akin. Ni minsan eh hindi
pumasok sa isip ko na magkagusto sa lalake dahil secure ako sa pagkatao ko.
Matapos nyang sabihin yun ay biglang huminto ang pagkanta ni Peter dahil
hinalikan ako ni sir Roman at kitang kita nya yun. Naitulak ko si sir Roman.
Medyo malaki sya kaya kinailangan ko ng matinding pwersa para gawin yun na
naging dahilan para mabuwal kami pareho sa kinauupuan namin. Agad na itinayo ng
mga tauhan nya si sir Roman at ang ilan naman sa kanila ay tinutukan ako ng
baril. Umalagwa ang takot sa buo kong katawan. Bigla akong nanginig at
nagtayuan ang mga balahibo ko. Kahit nakahiga pa rin sa sahig ay pinilit ko pa
ring makaatras gamit ang mga kamay kong nakatukod sa sahig. “Wag, pabayaan nyo
sya. Nabigla lang sya sa ginawa ko, darating din ang oras at makakapagisip rin
yan ng matino. Di ba Adrian?” sabay kindat at ngiting mapang-asar sa akin. Nang
makatayo na si sir Roman ay agad silang nagsi-alisan. Nangangatog pa rin ako sa
takot, sa loob lamang pala ng isang segundo ay maaari akong bawian ng buhay.
Bigla akong nag-aalala sa anak ko. Muntikan na syang maging ulilang lubos.
Muntikan nang mawalan ng ama ang pinakamamahal kong anak. Napaiyak ako bigla
dahil sa awa ko sa anak ko. Kung may nangyari saking hindi maganda, wala na
syang tatawaging daddy, wala na syang kukuliting makipaglaro sa kanya. Habang
unti-unting pumapatak ang luha ko ay may naramdaman akong kamay sa likuran ko
at pinipilit akong tulungan para makatayo. Si Peter. “ tayo ka na diyan pare.”
Tumayo ako at nagpasalamat sa ginawa nya. “salamat pre”. “walang anuman,
tarantado talaga yang Roman na yan eh, may araw din yan” galit ang mukha nya
habang sinasabi ito. “pabayaan na natin, buti nga hindi ako tinuluyan. Kung
nagkataon kawawa naman ang anak ko.” “Tara na uwi na tayo, sabay ka na sa amin
ng mga kabanda ko may sasakyan naman kami eh, sa Cubao ka diba?” tanong at alok
nya sa akin. “ah oo sige makikisabay na ako sa inyo” sagot ko naman. Pagkatapos
nun ay nagpaalam na ako kay ate Estella. Dahil nag-alala rin sya sa nangyari kaya
naman pinayagan nya na rin akong umuwi.
Habang nasa byahe kami ay nagkwentuhan kaming dalawa ni Peter. Yung iba
kasi nyang mga kasama ay parepareho nang tulog. Mag aalas- sais na rin kasi nun
eh kaya malamang antok na antok na tong mga to. “may anak ka na pala?” tanong
nya. “Oo, limang taon na”. “Matagal ko na ring gusto magka-anak, pero wala pa
ring napupuruhan eh hahaha. Edi asawa mo ang nagbabantay ng anak mo ngayun?”
muli nyang tanong. “Ah wala na akong asawa namatay sya nung ipinanganak nya
yung baby namin.” “ah ganun ba sorry naitanong ko pa”Hingi nya ng tawad sa
akin. “ayos lang, hindi naman na ako masyadong nalulungkot, makulit kasi anak
ko kaya ayun nakakalimutan ko na. minsan na lang ako malungkot pag hinahanap
nya yung nanay nya. Ikaw? May asawa ka na ba?” Ako naman ang nagtanong. “Wala
pa akong asawa, girlfriend lang meron two timer pa hahaha.” “hahaha mahirap
yan”sabi ko. Halos nag-uungkatan na kami ng mga personal naming mga buhay na
para bang matagal na kaming magkakilala. Napagusapan din namin yung nangyari
kanina at sinabi kong hindi na ako babalik doon sa bar at maghahanap na lang ng
ibang trabaho. Hanggang sa nakarating na kami sa Cubao at ibinaba nila ako sa
Albany, kalyeng kasunod ng Notre Dame. “salamat mga pare ah. sa uulitin”sabay kaway
ko sa kanila. “walang anuman, ingat ka. Nga pala inuman tayo minsan pag may
oras ka. Dito kila Allan tutal dito ka malapit.” Nagbigayan kami ng number para
mayaya nila ako sa inuman.
Dumirecho na ako kila Aleng Charity para kunin si Xander. Pupungas pungas
pa sya nung kinuha ko sya kaya madali ko syang binuhat pauwi para maituloy nya
ang tulog nya sa bahay namin. Wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari sa
akin dahil ayaw ko naman silang mag-alala. Maghahanap na lang ako ng bagong
trabaho tutal may ipon naman ako kaya hindi kami agad kakapusin ng anak ko.
“Pre, may bakanteng trabaho sa Tomas Morato dun sa BARCODE99 baka gusto mo,
kaya kita ipasok dun” txt sa akin ni Peter. “Sige, pre kailangan ko talaga yan,
san ba banda dun?” reply ko. “Samahan na lang kita tutal nandito rin naman ako
sa Cubao ngayun eh”si Peter. “naku nakakahiya naman sayo, baka naman may
ginagawa ka?” Ako. “ok lang pre wala naman akong ginagawa, dumaan lang ako dito
kila Allan. Nandito ako sa Albany puntahan kita diyan ngayun”. “ah o sige,
sunduin kita sa kanto.” Nang magkita na kami ay bumalik kami sa bahay. May dala
syang gitara na nakasabit sa katawan nya. Nang makita sya ni Xander ay titig na
titig ang anak ko kay Peter. Marahil nagtataka dahil may ibang tao akong
kasama. Hindi kasi ako nagdadala ng kaibigan ko sa bahay si Peter pa lang ang
una mula nung mawala ang asawa ko. Ginantihan ni Peter ng titig si Xander, maya
maya pa ay napakunot ang noo ng anak ko. Nakatingin lang din ako sa kanilang
dalawa at natatawa. Hinihintay ko kung ano ang mga susunod na mangyayari sa
kanila nang biglang lumapit ang anak ko kay Peter at nagtanong. “ano po yang
nasa likod nyo?” “Ah eto, gitara to gusto mo makita?” tugon nya sa tanong ng
bata. “opo!” masayang sabi naman ni Xander. Inilabas ni Peter ang gitara.
“Gusto mo kantahan kita?” tanong nya sa bata. “Sige po”sagot naman ni Xander.
Sa tingin ko pareho kami ng mga gustong kanta. Halos lahat kasi ng kantahin nya
alam ko eh. Nagumpisa na syang tumugtog
‘A Thousand Years – Nicholas Mcdonald’
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow
One step closer
(Chorus)
I have died every day
waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
(Verse 2)
Time stands still
beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything
Take away
What's standing in front of me
Every breath,
Every hour has come to this
One step closer
(Chorus)
I have died every day
Waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
And all along I believed
I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
One step closer
One step closer
(Chorus)
I have died every day
Waiting for you
Darlin' don't be afraid,
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
And all along I believed
I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
Tagos sa puso yung pagkanta nya. Halos natulala na lamang ako, ganun din
ang anak ko. Nang matapos sya ay natahimik kaming lahat. Bigla naman pumalakpak
ang anak ko. Napapalakpak na rin ako. Si mokong naman bow ng bow sa amin.
Napakagaling nya talaga kumanta. May alam rin naman ako sa music kaya naman
mapupuna ko sya kung sakaling may mali sya pero, wala, wala talaga. “kanta ka
pa ulit” nagumpisa na sa pangungulit si Xander. “hindi pwede may lakad kami ni
daddy mo eh.” sagot nya sa bata. “Wag na po kayo umalis. Daddy! Please” sa
totoo lang hindi ganito kagalang sa akin ang anak ko. Pero ngayun parang ang
bait bait nya. Ngayun ko lang nalaman na mahilig pala to sa music. “oh pano ba
yan? Wag na daw tayo umalis.”sabi sakin ni Peter. “Ah, eh baka maunahan ako ng
iba dun sa bar eh” pag-aalala ko. “ok lang yun wag ka mag-alala, akong bahala.
Pagbigyan na natin tong bata. Kawawa naman angcute-cute pa naman.” Sabay kiss
nya kay Xander matapos nya sabihin iyon. “ok sige sabi mo eh” tugon ko sa
kanya. “wala ka yatang tiwala sakin eh, basta akong bahala dun ok. Makakapasok ka
dun kahit anong mangyari” paninigurado nya. Wala na nga akong nagawa at
tumambay na nga lang kami sa bahay. Magtatanghalian na rin kaya naman nagluto
na lang ako habang nagkakantahan silang dalawa. Nagpapaturo pa nga si Xander sa
kanya. Nahihiya ako sa kanya kasi naging instant yayo pa sya ng anak ko.
Makulit talaga si Xander lalo na pag nakagaanan nya ng loob yung tao.
Matapos kami kumain ng tanghalian. Ay patuloy pa ring nangulit si Xander
kay Peter. “Mamaya ka na uwi! Kanta ka pa marami”. “ok sige mamaya na ako uuwi.
Anghirap mo kasi tanggihan eh. cute mo talaga” sabay kiss nya kay Xander.
Nagpatuloy ang araw na ganun lang sila. Pinabayaan ko na rin dahil sa twing
pipigilan ko sa pangungulit si Xander ay kinokontra naman ako ni Peter.
Inabot na ng gabi si Peter, pinatulog ko na si Xander dahil maaga pa ang
pasok nya sa school bukas. Inaya ako ni Peter na maginom. Hindi ko na sya
tinaggihan para naman makabawi ako sa abalang nagyari sa kanya. Bumili kami ng
tig-tatlong RH, sa tingin ko mukang malakas uminom to kaya inihanda ko na ang
sarili ko. Habang umiinom kami ay nag-ungkatan na naman kami ng kanikaniyang
mga buhay. Naikwento ko na sa kanya ang talang buhay ko, samantalang sya ay
isang tanong isang sagot lang. Kaya naman habang tumatagal ay lalo akong
naiintriga sa kanya. Sa haba ng kwentuhan namin ay wala syang nabanggit tungkol
sa pamilya nya. Kaya nagtanong na ako tungkol dun. “asan ang mga magulang mo?”
“nasa bahay namin”sagot nya. “anong mga trabaho nila?”tanong ko ulit. “Ah, yung
isa nasa abroad, teacher yun doon sa California. Yung isa naman ang umaasikaso
ng business namin”sagot nya. Medyo nagtataka ako sa sagot nya dahil hindi nya
tinukoy kung sino yung mommy at daddy nya doon. “sino yung nasa abroad? Yung
mommy mo o yung daddy mo?” biglang naging seryoso yung mukha nya sa itinanong
ko. “Ah eh kasi, baka kung ano ang isipin mo eh” sabi nya. “huh? Anong iisipin
ko? alam mo ok lang hindi ako magiisip ng kahit anong masama, tropa na tayo
eh.” pamimilit ko sa kanya. “ah, wala akong mommy” sagot nya. “huh? Walang
mommy? Ibig sabihin… . .” hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil pinutol na
nya ako. “wala akong mommy, pero may dalawa akong daddy.” Pag-amin nya.
Tiningnan nya ako ng direcho sa mata. Parang hinihintay nya kung ano ang
magiging reaksyon ko sa kanya. “oh, ngayun? Bakit di mo masabi agad? Yun lang
pala eh, masaya may dalawa kang daddy.”sabi ko. “hindi ka ba naiilang sakin?”
tanong nya. “bakit naman ako maiilang sayo, wag mo sila ikahiya, mabuti ngat
lumaki ka ng maayos at disenteng tao eh.”payo ko sa kanya. “hindi ko sila
ikinakahiya, syempre hindi naman yun ganung kadali sabihin, hindi ko naman alam
kung ano iniisip mo tungkol dun eh, tsaka pinoprotektahan ko sila, ayaw kong
makakarinig ng kahit anong masama tungkol sa mga magulang ko. ganun ko sila
kamahal Adrian.”Paliwanag nya sa akin. “ako din, gusto ko din ng dalawang
daddy. Gusto ko si superman ayaw ko kay Barbie. Gusto ko ng blue ayaw ko ng
pink. Kaya maganda yung dalawang daddy kasi ayaw rin nila sa pink” nagulat kami
pareho ni Peter ng biglang magsalita si Xander. Nagising pala sya at narinig
nya ang usapan namin. “o baby bakit gising ka pa?” tanong ko. “naiihi na kasi
ako daddy eh.” sagot nya sa akin. Nakita kong napangiti si Peter. “angcute mo
talaga.” Lumapit si Peter kay Xander at pinisil ang pisngi nito. Gigil na gigil
sya. Pagkatapos ay pumunta na si Xander sa CR para umihi. Paglabas nya “Tito
Peter, may baby ka na rin ba?” tanong ng bata. “meron na, IKAW!” sagot naman
nya. “Talaga? Ako din baby mo? Yehey dalawa na daddy ko”tuwang tuwang sambit ni
Xander. “Eh, ano na tawag ko sayo?” tanong nya. “ano bang tawag mo kay daddy?”
balik tanong nya. “daddy” si Xander. “kung ang tawag mo kay daddy ay daddy edi
dadad na lang sakin, pero syempre tanungin muna natin si daddy mo kung ok lang
sa kanya.” Sabay tingin sakin ni Peter nang nakangiti. “daddy ok lang yun diba?
Masaya kasi pag dalawa na ang daddy ko eh.”hindi ko alam kung nagtatanong ba
sya o inuutusan nya ako kaya naman napasagot na lang ako ng “ok lang yun
syempre, para namang pupwede ka kontrahin.” Napangiti silang pareho at sabay
lapit sakin ni Xander para humalik at “thank you daddy I Love You.” “o sige na
matulog ka nang makulit na biik ka, anlakas mo talaga mang-uto” sabi ko.
Lumapit din sya kay Peter at humalik din “I Love YOU dadad, tulog nako.” “o
sige tulog ka na, goodnight baby” sambit ni Peter. Natulog na si Xander at kami
naman ay nagpatuloy pa sa pag-inom. Halos madaling araw na rin kami natapos
kaya naman sa bahay na rin natulog si Peter.
Naipasok ako ni Peter dun sa BARCODE99. Kaibigan pala ng mga daddy nya yung
may-ari na si sir Andrew. Kaya madali akong natanggap.
Naghahanda na ako sa pagpasok ko sa bar. Hindi ako masyadong nagmamadali
dahil nakatulog naman ako ng maayos. Hindi na rin ako masyadong kinukulit ni Xander
dahil nakahanap na ako ng panakot sa kanya. Si Peter. Twing sasabihin ko sa
kanyang hindi ko na papapuntahin si Peter sa bahay eh agad syang nananahimik.
Kaya nakakatulog na ako ng mabuti. Pero minsan kapag trip talaga nyang
makipaglaro, wala pa ring epekto kahit ano sabihin ko. “daddy, gusto ko
pasalubong J.co ah” lambing nya sa akin. “naku lalo ka lang magiging hyper nyan
anak eh. pero sige pag may nakita ako bibilhan kita. Pero pag wala kahit ano na
lang ah?”. “sige dad” sabay yakap sa akin ng mahigpit. Yumakap din ako sa kanya
“alis nako nak ah”. “bye daddy, labyu, ingat, kiss marami.”pag ganito sya
maglambing sa akin eh parang ayaw ko na umalis at gusto kong yakapin na lang
sya. Nakakaadik naman kasi talaga ang kacutan ng anak ko eh. Kiniss ko sya ng
marami at maya maya pa ay sinundo na sya ni Aleng Charity. Pagkasundo sa kanya
ay agad na akong umalis para maaga akong makarating sa trabaho ko. Biyernes nga
pala ngayun kaya wala sila Peter, sa ibang bar sila tutugtog ngayun. Katulad
din sa pinanggalingan kong bar ay napakaraming tao din pag ganitong araw. Kaya
naman napaghandaan ko na. Kakapasok ko pa lang ay agad na akong nautusang
magserve dahil nga kulang pa rin ang manpower. Agad kong ibinihis ang uniform
namin at tuloy-tuloy nang naghatid ng mga order. Aligaga na ako sa paikot-ikot.
Bigla akong natigilan ng maghiyawan ang mga tao. Naiintriga ako sa kung ano ang
nagyayari kaya sumilip ako sandali. Nakita ko ang isang lalake na nagsasalita
doon sa stage. “WWooOOoh! Sagutin mo na” sabi ng karamihan. Mukhang may
nililigawan yung lalake doon sa stage. Naalala ko bigla kung paano ko niligawan
noon si Emily. Simple lang pero nakatatak pa rin sa utak ko hanggang ngayun.
Napangiti na lang ako at itinuloy ko na ang ginagawa ko. Muli akong natigilan
nang marinig ko na ang nililigawan nung lalake ay nagngangalang James. Parang
ganun din ang mga magulang ni Peter. Hindi naman sarado ang isip ko tungkol sa
mga ganoong bagay. Alam ko naman na nangyayari talaga yun sa totoong buhay.
Napatawa ako sa sarili ko kasi bigla na lang pumasok sa utak ko si Peter.
“hahahahahahaha, sira na yata ang tuktok ko. haynaku Emily kung naririnig mo
ako, hanapan mo naman ako ng pupwedeng Umalternate sayo sa puso ko. malungkot
kaya mag-isa dito. Buti ikaw diyan masaya ka na. hehehe peace I Still Love You”
sambit ko sa aking isip. Patuloy na umandar ang oras at narinig ko na naman ang
sigawan ng mga tao. Hindi naman sa pagiging Chismoso pero talagang gusto ko
makita kung ano ang mangyayari sa dalawang nagliligawan na yun kaya sumilip ulit
ako. Mula sa kawalan eh, parang nakaramdam ako ng kaunting kilig hahaha. Dahil
nakita ko yung dalawang lalake na naghahalikan sa harap ng maraming tao at wala
talaga silang pakialam. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko para kasing may
nararamdaman akong ewan. Hahaha ayaw ko na isipin baka kung ano pa ang mangyari
sa akin mabaliw pa ako. “angsweet naman nila” sabi ng lalaki sa likuran ko,
kilala ko ang boses nung nagsalita kaya naman napasagot ako. “hahaha sweet nga
sila. Oh teka akala ko hindi kayo ang tutugtog ngayun?” Sambit ko kay Peter.
“Itinext ako ni sir Andrew eh. Kailangan nya daw ng singer ngayun dito hindi
kasi makakarating si Elsie nilalagnat daw, barkada ko rin naman yun kaya ako na
ang sasalo.”paliwanag nya sa akin. “eh, papano dun sa bar na tutugtugan nyo
dapat?” tanong ko. “Kaya na ni Allan yun, magaling din naman kumanta yun eh,
tsaka nandito ka kasi kaya mas gusto ko dito.” Ayaw kong bigyan ng malisya yung
sinabi nya sa akin, pero sadyang malisyoso yata talaga ang utak ko kaya hindi ko
mapigilan. Pinipilit ko ring guluhin yung takbo ng utak ko kasi parang.. . .
.Lintek! … . .parang…. . .. . . . . natutuwa ako dun sa sinabi nya. “Wui! Anong
nangyari sayo dyan?” sabay tapik nya sa akin. “huh? Ah wala, sige marami pa
akong pa akong trabaho.” Sagot ko sa kanya. “Oo baka masermonan ka pa ni sir
Andrew pag nakita kang nakikipagkwentuhan sakin. Sabay tayo mamaya ah, patulog
ulit hahaha.” “yung totoo palaboy ka noh?” sabi ko at nagtawanan kami sabay
balik ko na sa trabaho ko. Umalis na yung dalawang lalake mukhang nagtagumpay
sila sa ligawan nila hahahaha. Hindi ko na namalayan ang oras basta napansin ko
na lang na unti-unti nang nawawala yung mga tao. Hanggang sa naubos na nga at
nag-umpisa na kaming magligpit. Nang matapos kami magligpit ay nagbihis ako
kaagad at lumabas. Sa paglabas ko ay nakita ko si Peter na nakaupo sa tabi ng
nagtitinda ng sigarilyo sa gilid ng bar. Nakasando lang sya. Hindi nya ako agad
napansin. Pinagmamasdan ko sya habang humihit-hit ng sigarilyo. Dun ko lang
narealize na gwapo pala talaga tong si Peter. Bihira lang ako humanga sa mukha
ng isang lalake. Yun eh kapag talagang papasa na sa star struck yung itsura.
Pinipilit ko na namang guluhin yung mga iniisip ko kasi hindi tama. Sa kakagulo
ko ng pag-iisip ko eh hindi ko na napansin na literal na pala akong napapailing
ng paulit-ulit at nakita yun ni Peter kaya binato nya ako ng candy. “wui! Para
kang tanga diyan. Tara na uwi na tayo. Hinihintay ka na ni Xander.” “Oo nga
pala, tara na uwi na tayo.”pagkasabi ko nun ay may pumasok na namang kakaiba sa
utak ko. Nakakaramdam na naman ako ng tuwa dun sa mga sinabi nya. Inaalala nya
na ang anak ko. “hay! Lintek talaga, Emily tulungan mo naman ako. Ano ba tong
naiisip ko?” sambit ko sa sarili ko.
Sabay kami ni Peter na pumunta kila Aleng Charity upang kunin si Xander.
Gising na sya at pinapakain na ng almusal. Nakita nya ako at agad na yumakap sa
akin. Pero nung makita nya rin si Peter madali syang kumalas sa pagkakayakap sa
akin at nagpakarga rito. “Selos ako bigla dun, hindi na yata ako lab ng baby ko
ah.” sambit ko habang nakatingin kay Peter. “Huh? Ako ba o si Xander, sinong
baby? Hehehe” parang na-mental block ako sa tanong ni Peter kaya hindi ako
nakasagot. Nagpasalamat na lamang ako kay Aleng Charity at dumirecho na kami sa
bahay. Pagdating namin sa bahay ay agad na naglaro si Peter at si Xander. Ako
naman ay sobrang pagod na rin kaya hindi ko na sila masyadong inintindi.
Nakatulog agad ako. Naalimpungatan ako sa kakaibang pakiramdam. Pagmulat ko
nakita ko si Xander at Peter na nakaharap sa akin at parehong tulog. Nakayakap
si Peter sa anak ko, at ang anak ko naman ay himbing na himbing habang yakap
yakap ang braso ni Peter. Napangiti ako at muling natulog. Hindi ko namalayan
na wala na yung dalawa sa tabi ko. Napabangon ako bigla at lumabas ng kwarto.
Hinahanap ko yung dalawa at nakita ko sila sa kusina na nagkukulitan na naman
habang nagluluto si Peter. “Kanina pa ako nagseselos sa inyo ah” sambit ko
habang pupungas-pungas pa. “Sira, inalagaan ko na nga tong anak mo para makapagpahinga
ka ng maayos eh. selos selos ka pa diyan.” “ikaw, papano ka wala ka pa ring
pahinga ah, ako naman diyan, ikaw naman ang magpahinga pagkatapos nating
kumain.”suhestiyon ko sa kanya. “oo nga kailangan pala nating magrelyebo sa
anak mo mas nakakapagod pa pala alagaan to kesa sa trabaho.” Halatang napagod
talaga sya kay Xander. “edi ngayun alam mo na kung gaano kahirap buhay ko
hehehe, hindi ka talaga lulubayan nyan”asar ko sa kanya. Nagkulitan na naman
kaming tatlo doon hanggang sa matapos na magluto si Peter. Sabay sabay kaming
kumain at pumunta sa kwarto para makapagpahinga ulit. Dahil tanghali naman ay
pinatulog ko na rin si Xander para makatulog din ako ulit dahil sobrang antok
pa talaga ako.
Alas tres na ng hapon nung magising kami. Papasok na kami ng trabaho ni
Peter kaya mauuna na raw syang umalis para makapaligo at makapagbihis na sa
kanila. “dadad, dito ka na maligo, dapat dito ka na rin tumira kasi dadad na
kita eh.” suhestiyon ng makulit na biik. “hindi pwede baby kasi, magagalit na
sa akin si daddy pag dito ako tumira”sagot nya sa bata. “huh? Bakit naman ako
magagalit?” naguluhan ako sa sinabi ko, parang lumalabas na pinapayagan ko na
syang tumira dito sa bahay. Natatakot lang siguro ako sa nakakarinding atungal
ni Xander kaya nasabi ko yun. “basta, hindi pa pwede pag-uusapan pa namin ni
daddy yan. Lilinawin pa namin sa isa’t isa kung pupwede nga ba kami?” sa
pangalawang pagkakataon ay na-mental block na naman ako sa sinabi nya. Hindi
ito pupwede, nasisiraan na yata ako ng bait. Hindi ako pupwedeng mag-isip ng
kung ano ano tungkol sa aming dalawa. Ayaw kong maguluhan sa pagkatao ko. Hindi
ako ganun. Lalake ako. Sobrang mahal ko lang ang anak ko, at nagkataon lang na
nakagiliwan sya ni Xander. Hindi pwede.
---0---
Lumipas na rin ang isang taon at magbi-birthday na si Xander. Nakaugalian
ko na, na sa twing birthday nya ay pupunta ako ng sementeryo para dalawin ang
nasira kong asawa. Dahil yun din mismo ang death anniversary ni Emily. Hindi ko
isinasama si Xander dahil ayaw kong magtanong sya, ayaw kong ipaalam sa kanya
kung bakit namatay ang mommy nya. Baka maging iba ang epekto nun sa kanya, bata
pa kasi sya at baka hindi nya maintindihan. Anim na taon na din. Sa loob ng
anim na taon hindi ko sya nakalimutan. Araw araw kong tinitiis ang sakit ng
pagkawala nya. At sa tuwing bumabagsak ako dahil sa labis na kalungkutan.
Pinipilit kong bumangon para sa anak namin. “Emily, malaki na si Xander, lumaki
syang masayahin, malusog at matalino. Hindi mo na sya kailangang alalahanin.
Kasi minahal ko sya ng higit pa sa sarili ko, higit pa sayo. Ganun ko kamahal
ang anak natin. Mahal na mahal pa rin kita Emily. Pero kailangan ko na humanap
ng papalit sayo. Wala pa akong nakikita pero sasabihin ko kaagad sayo pag meron
na. kailangan ko yun kasi, kailangan ko magpatuloy sa buhay. Magpatuloy ng
hindi ka kasama. Nagdesisyon na ako ngayun. Iiwan na kita, kasi gusto ko na
maging masaya. Masaya na hindi ikaw ang dahilan kasi wala ka na dito. wag ka
mag-alala ipapakilala kita sa anak natin pag nakakaintindi na sya. Mahal na
mahal kita Emily. Paalam na” habang binabanggit ko yun sa harap ng puntod nya
ay naaalala ko ang mga huling bagay na sinabi nya sa akin bago kami nagdesisyon
na piliin si Xander. “Gamit ang mga matang ito, babantayan ko kayo mula sa
langit, at magiging masaya ako sa tamang tao na ipapalit mo sa akin. Pakisabi
sa anak natin na nabubuhay ako sa kanya. Kailangan ko mawala para isalba ang
mumunting buhay ng anghel natin. Adrian hanggat maari hayaan mong sya ang
pumili ng magmamahal sa inyo.” Iyon ang mga bagay na sinabi sa akin ni Emily
bago sya paanakin ng mga doctor. Matapos kong dumalaw sa puntod ni Emily ay
umuwi agad ako para icelebrate ang birthday ni Xander. Pagdating ko ng bahay
nagtaka ako sa mascot na bear na nakatambay sa bahay namin at nagbibigay ng ice
cream sa bawat batang lumalapit dito. Nandun din sila mama at ang birthday boy.
Organisado na rin ang party samantalang ang plano ko lang naman eh itreat sa
Jollibee si Xander. Maya maya pa ay dumating na din ang mga magulang ni Emily
dumaan din pala sila sa puntod, nagkasalisi lang kami. Naisip ko na pakana
nilang lahat ito. Sabagay hindi ko tinatanggap ang tulong nila kaya bakit ko
naman ipagdadamot sa kanila ang paghahanda sa party ng apo nila. Nagumpisa na
ang party, pinatugtog na ang masasayang tugtog na pambata. Nagsayawan,
naghabulan, nagpalaro, kainan at kantahan. Hanggang sa matatapos na ang party
ng mga bata at unti-unti nang napapalitan ng matatanda dahil naglalabasan na
ang mga alak. Masayang masaya ang party. Pero parang hindi kumpleto, may
lungkot kasi sa mukha ni Xander. Alam ko yun, dahil pareho kami ng hinahanap.
Sinabihan ko naman sya tungkol sa birthday ni Xander pero hindi sya dumating.
Nalungkot tuloy yung bata. Nagpatuloy ang oras sa pagtakbo. Unti-unti na ring
nag-uuwian yung mga nagiinuman. Umuwi na rin sila mama matapos mailigpit ang
mga kalat. Ganun din ang mga magulang ni Emily. Napakaraming regalo ang
natanggap ng anak ko. Pero hindi pa rin sya ganoong kasaya. Pumasok na kaming
mag-ama sa loob ng bahay. Nagsiuwian na ang lahat pero itong wirdong mascot na
to ay nasa bahay pa rin. Nagsasayaw. Nagulat kaming mag-ama nung pumasok sya sa
kwarto at nahiga sa kama. Nainis ako kaya naman hinatak ko sya at inilaglag sa
kama. Nahirapan sya bumangon marahil sa bigat ng costume nya. Nang makabangon
na sya ay tinanggal nya ang ulo ng costume nya. At nakita ko ang mukha ng anak
ko na biglang nagliwanag paglingon ko sa mascot. Ayun ang buong maghapon naming
hinintay na dumating kasama na pala namin dun mismo sa party. Si Peter pala
yung mascot. Agad syang dinambahan ni Xander sa sobrang tuwa, napahiga sya sa
kama. At nagkulitan na naman sila. “daddy ang lungkot mo kanina ah? hinihintay
mo ba ako?” tanong ni Peter sakin. “huh! Malungkot ako kasi malungkot si Xander
kanina ka pa kasi nya hinihintay”. “ahh, akala ko kasi pati ikaw naghihintay
sakin” sabi nya lang. Sa loob ng isang taon ay nakasanayan na namin na
magtawagan ng daddy at dadad sa twing nandiyan si Xander. Nagtaka pa nga yung
mga katarabaho ko nun eh kasi bigla nya akong tinawag “daddy, uwi na tayo”
napasagot naman ako ng “sige dadad, wait lang” huli na nung rumehistro sa mga
utak namin na nasa trabaho nga pala kami. Sabay bawi namin sa mga sinabi namin
at tuloy tawanan. Lumalala na rin ang mga nararamdaman ko towards Peter. Nung
una kasi pinipilit ko pa burahin sa isip ko hanggang sa bigla na lang hinahanap
ko na sya. namimiss ko na sya. Ginagawa ko na lang pantakip sa sarili ko yung
anak ko. lagi kong isinisiksik sa utak ko na ang naghahanap at nakakamiss kay
Peter ay si Xander. Pero ngayun iba na talaga. Nahihiya na ako kasi parang
nahahalata na ako. Ayaw ko namang tanggapin na parang nababading na yata ako
kay Peter. Subukan ko kayang mag-girlfriend. Para mabura sya sa isip ko.
Niligawan ko si Joanna isa sa mga katrabaho ko sa BARCODE 99. Hindi naman
ako masyadong nahirapan dahil may crush na rin pala sya sa akin noon pa. kaya
naman sinagot nya ako kaagad. Maganda sya at maraming nagsasabing bagay daw
kami dahil pareho kaming singkit. Maputi sya, matangos ang ilong at napakaganda
ng labi. Dinala ko sya sa bahay at ipinakilala ko sa anak ko. “Baby, eto si
tita Joanna” sabay tingin ko kay Xander. “Babe, si Xander anak ko”. Matapos ko
silang ipakilala sa isa’t isa ay iniwan ko sila sa sala para makapagpalagayan
sila ng loob. Naghanda ako ng makakain. Halos may 15 mins din akong nasa kusina
dahil pinakikiramdaman ko lang sila pareho. Maya maya pa ay lumabas na ako para
ihanda ang mga pagkain para sa kanila. “miryenda muna tayo” sabi ko. Ngumiti
lang si Joanna sa akin at kinakausap-kausap nya si Xander. Hindi ko alam kung
bakit pero hindi sumasagot ang batang to. “Ilang taon ka na Xander?” tanong ni
Joanna. Walang sagot mula kay Xander. “Gusto mo kumain? Tara kain tayo.”
napatingin sakin muli si Joanna. Parang nararamdaman ko ang pagkapahiya nya sa
bata. Kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya at kami na lang ang nag-usap.
Umalis si Xander at pumasok sya sa kwarto, hindi ko na pinigilan dahil alam
kong may topak. “sorry babe sa anak ko ah, pagpasensyahan mo na, wala lang
siguro sa mood.” Paghingi ko ng pasensya sa kanya. “ok lang, hindi pa kasi sya
sanay sakin.”sabay ngiti nya. “hayaan mo palagi kitang dadalhin dito para mas
lalo pa kayong magkakilala. sa susunod kakausapin ka na nya.”paninigurado ko.
Maya maya pa ay dumating si Peter at may dala itong J.co. “Xander, andito na si
dadad!” bigla na lang bumukas yung pinto at masayang lumabas si Xander mula sa
kwarto. “Dadad!”pagkasigaw nya nun ay agad syang yumakap ng mahigpit sa binti
ni Peter. Kinarga niya si Xander at ipinakita ang pasalubong nya. “Yehey! J.co”
yumakap kay Peter at humalik dito. Sabay silang napabaling ng tingin sa amin ni
Joanna. “Ah, si Joanna girlfriend ko. Si Peter Bestfriend ko dadad ang tawag ni
Xander sa kanya.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. “Ah, kaya pala si Xander
pala ang dahilan nung daddy at dadad na yan hahaha narinig na namin kayong
nagtawagan nyan sa bar diba?”biglang naalala ni Joanna yun. “Hahaha, oo nasanay
lang kami dahil sa biik na yan”pagpapaliwanag ko. “hindi ako biik”biglang
sumimangot si Xander at ikinuyom ang kamao at ambang papaluin ako. Sinaway
naman sya kaagad ni Peter. Hay sa totoo lang nagseselos ako sa kanilang dalawa.
Mas sinusunod kasi ni Xander si Peter kesa sakin eh. May pagka disciplinarian
kasi si Peter. Pag may nakita syang mali ay agad nyang sinasaway si Xander.
Ganun din naman ako, kaso lagi nya akong iniiyakan. Tapos magsusumbong sya kay
Peter na para bang inapi ko sya.
Nagsikain kami, magkasabay na ang almusal at tanghalian dahil halos mag-10
am na rin kami ni Joanna dumating sa bahay. Ito naman palang si Peter ay
hinintay pa magbukas ang mall para makabili ng J.co. Pagkatapos naming
magsikain ay agad kong inihatid si Joanna para makauwi na at makapagpahinga.
Pagbalik ko ng bahay ay naglalaro yung dalawa. “dad, tama na yan matulog ka na
ako na diyan kay Xander.”tawag ko kay Peter. “ok lang ako dad, wala naman akong
tugtog mamaya eh. mamaya na ako matutulog, ikaw muna ang magpahinga at ikaw ang
may pasok mamaya.”pagtanggi nya. “please ako na nga diyan magpahinga ka na
nga”pilit ko. “ok nga lang ako, ikaw na nga lang muna ang magpahinga”. Ewan
kung bakit pero nakakaramdam na ako ng inis. Napasigaw na ako. Nasigawan ko
silang pareho. “ANO BA? Itigil nyo na nga yan, Ang gulo nYO EH!” Napahinto sila
pareho at napatingin sa akin. Nakita ko ang itsura ni Xander na papaiyak na.
Tumutulo na ang luha nya pero walang tunog, puro mahihinang hikbi lang ang
naririnig ko. Tumakbo si Xander sa loob ng kwarto at doon na humagul-gol. Iyon
ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ako ni Xander na sumigaw sa galit.
“Ui! Sundan mo yung bata. Patahanin mo yun kawawa naman.” Sabi nya sakin. “WAG
MO NGA AKONG TURUAN KUNG ANO ANG DAPAT KONG GAWIN SA ANAK KO.”muling pagsigaw
ko sa kanya. Lalong lumakas ang pagiyak ni Xander. Lumabas si Xander sa kwarto
at pinagpapalo ako.”bad ka, bad ka daddy. Bad.” Hindi ko na napigilan pa ang
sarili ko at hinawakan ko ang kamay nya tsaka ko iyon pinalo. “ANO BA? ANO bang
nangyayari SAYO PATI BATA DINADAMAY Mo?”bigla nyang hinawakan ang kamay ko at
inilayo iyon kay Xander. Binuhat nya ang bata at pinatahan ito. “ano bang
problema mo? bat ang-init ng ulo mo?” tanong nya sa akin. Iyon rin ang
kauna-unahang napagbuhatan ko ng kamay ang anak ko. Bigla na lang akong
nahulasan. Napahawak ako sa ulo ko. Tumabi sa akin si Peter habang yakap nya pa
rin si Xander. “dad anong problema? Huh?”tanong ni Peter. Ginamit nya ang isa
nyang kamay at hinimas ang likod ko. “dad I’m sorry pero, pwede bang wag ka
muna magpakita samin.”sambit ko sa kanya. “huh, bakit? May problema ba sa
akin?”pagtataka nya. “walang problema sayo, ako, ako ang problema. Gusto ko
munang makapag-isip, please wag ka na muna magtanong.” Pagkasabi ko nun ay muli
na namang napaiyak si Xander at yumakap ng mahigpit kay Peter. Hindi na nga sya
nagtanong. Hinalikan nya na lamang si Xander at nagpaalam. Humabol si Xander sa
kanya, pero pinigilan ko. Habang papalabas si Peter ay nakita kong tumulo ang
luha nya na sya ring naging dahilan para tumulo na rin ang luha ko. Ayoko
talaga ng ganitong pakiramdam. Hindi talaga tama ito para sa akin. Nawiwirduhan
ako. Tsk! Bumigay na yata talaga ako. Gusto ko na sya habulin kaso pag ginawa
ko yun parang inamin ko na rin sa sarili kong mahal ko na nga sya. Kaya
pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pwede. Ayokong maging bakla.
---0---
Dalawang buwan ang nagdaan at nagpatuloy ang relasyon namin ni Joanna.
Walang pagbabago sa kanila ng anak ko. Hindi pa rin sya kinakausap nito. Pero
wala na akong maisip na paraan para paglapitin sila. Nawawalan na rin ng gana
kumain si Xander. Na akala ko naman ay imposible mangyari dahil nga matakaw
talaga sya. Nabawasan na rin sya ng sigla sa paglalaro. Tuwing uuwi ako ay
hindi nya na ako kinukulit. At tuwing papasok naman ako sa trabaho ay hindi nya
na ako hinihingian ng pasalubong. Pag aalukin ko naman sya ng donut “ayaw ko na
ng donut, ayaw ko na ng J.co” ang palagi nyang sinasabi at sasabayan ng tahimik
na pag-iyak. Minsan ay nakakaramdam ako ng inis sa inaasal nya. Pero
pinipigilan ko dahil ayaw ko na maulit na mapagbuhatan ko sya ng kamay. Alam ko
naman kasi kung bakit. Hindi ko pa rin pinapansin si Peter kahit na lagi kaming
nagkikita sa trabaho. Nawala na ang saya sa amin. Namimiss ko na ang anak ko.
Yung masayahing anak ko.
Naging matamlay ang relasyon ko kay Joanna. Dahil hindi ko na magawang
maging masaya sa piling nya habang ang anak ko ay may pinagdadaanang
kalungkutan. Naisip ko na nagiging makasarili na yata ako. Hanggang ngayun ay
nagdadalawang isip pa rin ako sa tunay kong nararamdaman. Parang pinaparusahan
ko ang sarili ko at nadadamay ang anak ko. Napapadalas na ang inom ko tuwing
umaga. At palagi na akong wala sa wisyo. Hindi ko na alam kung ano ang
nangyayari sa akin. Nawawalan na ako ng gana sa lahat. Dahil hindi ko man lang
magawa na pasayahin ang sarili kong anak.
Dahil sa kawalang gana kumain at labis na kalungkutan ay nagkasakit si
Xander kaya hindi na ako nakapasok sa trabaho. Tumaas ang lagnat nya. Sa mga
ganitong pagkakataon ay napapraning ako. Hindi ko maasahan ang mga magulang ko
dahil nasa probinsya naman sila. Ang mga magulang naman ni Emily ay matagal
nang nakatira sa abroad. Wala akong alam na pwede ko lapitan kundi si Aleng
Charity. Palaging sya ang umiintindi kay Xander pag nagkakasakit ito. Palagi
nyang sinasabi na sya na ang bahala dahil dati raw syang nurse. Kaya naman
ipinagkakatiwala ko sa kanya si Xander. Pero pagpunta ko sa bahay nila ay wala
rin sila dun. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Tinawagan ko si Joanna
“hello, babe pwede ka ba magpunta dito, may sakit si Xander hindi ko alam ang
gagawin.” “Hala! Bakit di mo pa dalhin sa ospital? Ano namang magagawa ko
diyan? Tsaka nandito ako sa trabaho.”sagot nya sakin. Nag-init ang ulo ko kaya
naman pinatayan ko sya ng cellphone. “Walang kwenta, bwiset!” sabi ko na lamang
sa isip ko. Isang tao na lang ang nasa isip ko. Si Peter. Idinial ko ang number
nya, nagring ito at agad nya namang sinagot. Maingay sa kabilang linya kaya
naman “Ano yun? Bilisan mo at malapit na akong kumanta.”pagmamadali nya.
“Hello, Pwede ka ba pumunta dito? mataas ang lagnat ni Xander eh napapraning na
ako.”pagkatapos kong sabihin yun ay pinatayan nya ako ng cellphone. “bwiset
talaga, bwiset” sa sobrang inis ko ay ibinalibag ko ang cellphone ko at
nagpunta sa kwarto para kumustahin ang lagay ni Xander. Mataas pa rin ang lagnat
nya. Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala. Inihanda ko ang mga gamit nya at
inilagay ko sa isang bag. Binuhat ko sya para dalhin na sa ospital. Wala talaga
kaming maaasahan kaming dalawa lang talaga. Bigla na lang narinig ko na
lumagabog ang pintuan sa labas. At sumulpot na lamang bigla si Peter sa loob ng
kwarto. Agad nyang kinuha si Xander at muling inilapag sa kama. Hinipo nya ito
at pinag-aaalis ang nakabalot sa katawan nito. “bakit mo binalot ng husto? Ang
kakapal ng tela nito oh. Tataas nga ang lagnat nyan eh hindi na makasingaw yung
init sa katawan nya eh. kumuha ka ng tubig at face towel dun, bilis” agad akong
tumalima sa iniutos nya. Ibinigay ko ang isang plangganitang tubig at face
towel. Inilubog nya ang face towel sa tubig at pinigaan. Ipinunas nya ito sa
buong katawan ni Xander. Nagpakuha din sya ng polbo at inilagay sa likod nito.
Inihiga nya ng maayos ang bata at binuksan ng mahina ang electric fan.
“nakabili ka ba ng gamot nya” tanong ni Peter. “oo nandyan, pinainom ko na sya
pero hindi pa rin nawala yung lagnat nya eh.”paliwanag ko. Ilang sandali pa ay
hinipo ko ang noo ni Xander. Bumaba na ang lagnat nya. Nakahinga na ako ng
maluwag. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Peter. “hello, oh
bakit?”sagot nya sa telepono. “hindi na, sige na kaya na yan ni Allan.”yun na
ang huli kong narinig sabay end call. Alam ko kung ano ang pinagusapan nila.
Marahil ay hinahanap na sya dun sa bar. Pero hindi ko sya magawang paalisin
dahil baka tumaas na naman ang lagnat ni Xander. Napatitig ako sa kanya at
ganun din sya sa akin. “nangayayat ka ah, lalo na si baby. Ano bang
pinaggagagawa mo?”usisa nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng
mahigpit. “salamat, akala ko matitiis mo kami eh”ako. “pwede ba yun? Hindi ko
magagawa yun, mahal na mahal ko kayo ng anak mo, sobrang halaga nyo sakin, kaya
nga halos lumipad na ako kanina eh nag-alala talaga ako. Pasensya ka na kung
medyo nahuli ako.”halos matunaw ang puso ko sa mga sinabi nya lalong humigpit
ang yakap ko sa kanya. “dad, namiss mo ako noh, nahalata ko yun kasi hindi na
ako makahinga eh”pagbibiro nya sakin. “dadad, may sakit ako” pahikbing sumbong
ni Xander. Sabay lapit naming pareho sa kanya, napahikbi ako sumandali dahil sa
pagsusumbong nya. “nandito na si dadad, kaya pagaling ka na ah” “aalis ka na ba
pag magaling na ako?” tanong ng bata. Tumingin sa akin si Peter at umiling ako
para iparating sa kanya na hindi nya na kailangang umalis. “hindi baby hindi na
aalis si dadad, palagi na kita madadalaw ulit” tugon nya kay Xander. Yumakap ng
husto si Xander kay Peter. “bat ka umalis, hindi mo na ba kami lab ni daddy” si
Xander. “lab na lab kayo ni dadad, nagkaron lang ng konting problema kaya ako
umalis. Pero ok na wala nang problema kaya makikita mo na ako palagi.”
Napatingin ako kay Peter at napangiti. Maya maya pa ay natulog na muli si
Xander. Hindi bumitiw si Xander sa pagkakayakap nya kay Peter. Kaya nanatili
kaming tatlo sa kama. “daddy, pwede na ba kita tanungin? Ano bang naging
problema natin?”tanong nya sakin. “huh? Ah eh. kasi.”utal ko. “sabihin mo na
kasi para wala nang problema, wag ka na maglihim sakin.” “kasi natatakot ako
nun eh, hindi ko maamin sa sarili ko na nahulog na ako sayo.”sagot ko. “bakit
ka natatakot? Mahal na rin naman kita ah. bakit natatakot ka ba na pagtawanan
tayo ng ibang tao?”muling tanong nya. “pasensya ka na talaga dun sa nangyari.
Hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko nun eh. bagong bagay kasi to sakin.
Hindi pa ako sanay. Pero ngayun wala na akong pakialam. Mahal na kasi talaga
kita eh. ang kinakatakot ko lang baka kasi hindi magtagal yung ganitong klase
ng relasyon. Takot na kasi ako maiwan mag-isa eh.” pagpapaintindi ko sa kanya.
“Huwag kang matakot kasangga mo ako, hindi ka mag-iisa, hindi kita pababayaan,
hindi kita iiwan”sa bawat pagbigkas nya ng mga salitang iyon ay parang may
humahagod sa dib-dib ko at lumuluwag ang paghinga ko. Lalo akong naging
kalmado. Tinanggap ko na rin sa sarili kong mahal ko talaga sya. Wala na akong
alinlangan ngayun. Ibinaba nya si Xander at iniayos ng paghiga sa kama. Lumapit
sya sa tabi ko. Nagyakapan kami. Pumunta sya sa likuran ko at isinandal ako sa
dib-dib nya. Sabay naming tinitigan si Xander habang natutulog. “Angcute talaga
ng anak natin” sabi nya. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. At naganap ang
aming kauna-unahang halik. Ang unang halik ko sa kapwa ko lalake. Nakatulog na
kami sa ganoong ayos.
“dad, nagugutom na ako” panggising na bungad sa amin ni Xander. “sandali
lang baby ah, bibili lang si daddy ng almusal”sambit ko. “dapat yakap nyo rin
ako, kagabi pa kayo magkayakap eh”maktol nya. Medyo nahiya ako dahil inabutan
nya kaming nasa ganung ayos. Pero hindi na ako nagsalita at agad na tumayo para
bumili sa labas. Pag dating ko sa bahay ay naabutan ko na naman silang
naghaharutan. Pero hindi katulad ng dati na parang mabigat sa loob ko, ngayun
ay talagang napakasarap sa pakiramdam. “Emily, sya ang pinili ng anak mo. Sya
rin ang pinili kong magmamahal sa amin. Sana ayos lang sayo. Sana bigyan mo ako
ng sign kung pumapayag ka.” Bulong ko sa aking sarili. Lumapit ang dalawa sa
akin tumingin sa akin si Peter “dad alam mo matagal ko na tong gusto gawin
sayo” “ano yun?” lumapit sya sa akin at bumaling sa may bandang gilid ko.
Kinilabutan ako sa marahan nyang pagkagat sa tenga ko sabay halik. Matagal ko
nang hindi nararanasan yun. Huli kong naramdaman yun ay nung nakaraang anim na
taon na. Natuwa ako dahil ang bilis ng sign “hindi mo naman sya gusto para
samin noh, express yung sign mo eh, thank you Emily.”muli ko sambit sa aking
sarili. “tara na kain na tayo” yaya ko sa kanila. Lumapit sila sa lamesa at
kumain habang nakapasan sa likod si Xander. Nagpapasubo sila sa akin pareho at
pagkatapos ko masubuan ay tsaka naman sila magpapaikot ikot na para bang
airplane. “kayong dalawa, tatamaan na kayo sakin eh.”sigaw ko sa kanila. “ay,
galit na ang daddy namin.” Tsaka sila lumapit sa akin at sabay nila akong
pinupog ng halik.
Pinilit naming ayusin lahat. Kinunsulta namin ang aming pamilya tungkol sa
relasyon namin. Yung tatay ko medyo nagagalit sa amin, pero natanggap din kami
kalaunan dahil ayos naman daw dahil meron na akong anak na magtutuloy ng
apelyido namin. Yun lang naman ang mahalaga sa kanya. Naging close pa nga sila
ni Peter dahil mahilig uminom si tatay at palagi nyang nauuto si Peter para
makipag-inuman sa kanya. Medyo naiinis ako dun minsan kasi kinukunsinte nya si
tatay, napakasipsip. Wala naman kaming naging problema sa mga kapatid ko at kay
nanay. Kaya tanggap ng buong pamilya ko si Peter. Ganun din ako sa pamilya nya,
ngayun nga ay hinihiram na sa kanila si Xander eh dahil matagal na palang
pangarap nila daddy at papu na magka-apo. Oo napauwi agad si papu ng Pilipinas
nung mabalitaan nya ang tungkol sa amin. Abat sa sobra excited nya eh gusto na
agad ipaplano ang kasal namin sa California. Mas nakaka-mental block pala ang
parents nya kesa sa kanya, may pinagmanahan nga. At bilang paggalang sa yumao
kong asawa ay kinunsulta rin namin ang pamilya nya. Kahit ano naman daw ang
mangyari ay ako pa rin naman daw ang magdedesisyon sa anak ko kaya hanggang
suporta lang daw sila. Pinilit pa nga ako na tanggapin na yung educational plan
na inihanda nila para sa apo nila eh. Tinanggap ko na rin para wala namang
masabi. At masigurado ko na rin ang edukasyon ng anak ko. Anak namin pala.
Naging masaya ang pagsasama namin. Medyo nalulungkot nga lang si Aleng Charity
at Albert dahil minsan na lang nila makasama si Xander. Nung una hiyang hiya
ako pag iniiwan ko si Xander sa kanila. Pero ngayun parang nahihiya ako kasi
hindi ko madala sa kanila yung bata. Pinagaagawan sya ng lahat kami nga eh
hindi na namin sya halos mahawakan dahil ayaw bitawan nung dalawang sabik sa
apo. Kami na nga ang pinag manage nung business. Dahil wala na raw silang
pakialam dun. Ang gusto lang daw nila ay mag-alaga ng apo. Ano yung business?
Pasensya na kayo ah, kasinungalingan kasi to ni Peter eh. Kaya pala ang lakas
ng loob nya na ipasok ako doon sa BARCODE99. Eh kasi sila pala talaga ang
may-ari nun, hindi si sir Andrew. Halos madapa nga ako kakaikot ng mata ko dun
sa bahay nilang ubod ng ganda. Kaya pala walang nagrereklamo pag gumawa sya ng
kalokohan sa bar. Anak mayaman si gago. Si Joanna? Nagbreak kami. Huli kong
balita sa kanya nag-abroad na. Halos mapatay nga ako nun nung sinabi ko sa
kanya na si Peter ang ipinalit ko sa kanya. Sorry ako ng sorry nun pero hindi
nya tinatanggap kayo ayun nagresign. Masaya. Parang napaka-aliwalas ng mundo
namin.
“aarte arte ka pa sa lalake rin pala ang bagsak mong putang-ina ka. Marami
kang utang na loob sa akin kaya oras na para maningil, pinakinabangan mo ako?
Pakikinabangan din kitang puta ka.” Pagkatapos ko marinig yun ay bigla na lang
may tumakip sa mukha ko at nakaamoy ako ng nakakasulasok na amoy bigla na
lamang akong nawalan ng malay.
Madilim sa buong paligid. Ang tanging ilaw lang ay yung maliit na bumbilya
na nasa uluhan ko. Maliit na parte lang ng lugar ang nakikita ko, pero yung
nasa paligid hindi ko na maaninag sa sobrang dilim. Pinilit kong gumalaw pero
hindi ko magawa dahil nakagapos ang mga kamay at paa ko. Hindi ako pupwedeng
magkamali sa boses na narinig ko kanina bago ako nawalan ng malay. Si sir Roman
yun. “kumusta na, namiss kita ah, ako ba namiss mo?” “gago ka anong gagawin mo
sakin?” sigaw ko. “Hala ka, wala kayong t.v? syempre papatayin kita mamaya
pagkatapos ko makuha yung pera. Tanga ka? Hostage ka kaya dito, Tapos kung
maka-asta ka diyan parang ikaw yung goons” pananakot nya sa akin. “Estella, ang
telepono” hindi ako makapaniwala sa narinig kong pangalan na tinawag nya. Si
ate Estella? Pero bakit? Alam ko mabait syang tao. Lumapit na nga si Ate
Estella kay Roman. May nakasukbit na baril sa tagiliran nya at sa kanang kamay
naman nya ang isang cellphone. Napatitig ako sa kanya na may pagtataka. Sya
naman ay nakatitig sa akin ng matalim na para bang kaya nya akong lamunin ng
buo. May idinial si Roman sa teleponong ngayun ay hawak na nya mula kay ate
Estella. “Kung hinahanap mo ang pinakamamahal mong syota eh wag ka na magsayang
ng pagod dahil hindi mo sya makikita, secret walang clue, talagang inisip mo na
sasabihin ko kaagad. Try mo kaya manood ng action movies nung 80’s para alam mo
yung mga ganitong eksena. Hawak namin sya ngayun. Kung gusto mo sya iligtas ay
pumunta ka dito at magdala ka ng 50 pesos, tanga ka? Naniwala ka talaga dun.
Syempre wag kang tanga 50 million yun, wala lang para mabago lang yung sistema
sa mga ganitong eksena nakakasawa na kasi yung mga kidnapper na walang sense of
humor eh. 4pm pumunta ka sa Bar ko may isang van na itim. Doon mo ilalagay ang
pera at tsaka mo makukuha si Adrian. Syempre isip isip din, bawal ang pulis,
baka tawagin ko si Darna at ipaputol ko ang chenelin nyites mag super crayola
ka te. Kaya kung ayaw mong mawalan ng jowa, umayos ka… . . . At hindi ka pala
naniniwala sa akin, ganun? O eto jowa mo.” inilapit sa akin ni Roman ang
cellphone. “dad, wag ka pupunta. Hindi sila nagsasabi ng totoo. Dad please wag
ka na pumunta, dad uupakan talaga kita pag pumunta ka dito” sigaw ko sa cp at
bigla na nyang inalis. “ano, naniniwala ka na? sumunod ka sa usapan para walang
mapahamak.” Pinatay nya na ang CP at naghintay na lamang ng oras.
Sumapit ang alas kwatro, kinalagan nila ako at dinala nila ako sa Van,
kagaya ng napag-usapan. Nag-aalala ako baka kumagat sa patibong si Peter. Nasa
van na ako, at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Peter na may dalang
back pack marahil ay doon nila nilagay ang pera. Si ate Estella ang nagdala sa
akin papunta kay Peter at may isa namang lalake na kasabay namin para kumuha ng
pera. Unti-unti nang nanginginig ang katawan ko dahil sa emosyon. Masyado ako
napapahanga sa katapangang ipinapakita nya para iligtas ako. Pero baka
mabalewala lamang ito dahil pwede na nila kaming barilin ano mang oras. Nung
makalapit na kami kay Peter ay biglang nagkagulo ang lahat. Naglabasan ang mga
pulis sa iba’t ibang parte ng lugar mukhang handang handa sila. Bigla kaming
hinatak ni Ate Estella sa isang poste para daw kahit papaano ay makatago kami.
Nagkakaputukan na ng baril. Unti-unti kaming gumapang doon sa may parteng
mayroong tambak na bakal. Nakatago lamang kami dun habang nagkakagulo. Matapos
ang 30 mins na putukan ay tsaka na lamang kami lumabas. Dun ko lang
napag-alaman na matagal na palang undercover si Ate Estella. Matagal na pala
nilang minamanmanan si Sir Roman, drug lord daw at may-ari daw ito ng isang
illegal na pasugalan. Sya pala ang tumimbre sa mga pulis kaya napaghandaan nila
lahat. Isa isang pinosasan ang mga kasamahan ni Roman. Ganun din sya ngunit
bago sya naposasan ay naagaw nya ang baril sa isang pulis. At agad nya itong
ipinutok banda sa amin. Ako ang pinuntirya nya, ngunit agad na humarang si
Peter kaya sya ang tinamaan. Kumilos ang mga pulis at pinadapa sa lupa si Roman
at doon na rin sya pinosasan. Halos sumabog ang ulo ko nung makita kong
nakahandusay si Peter sa harap ko. “PUTANG INAAAAAAAA!” sigaw ko. Sabay ng
tuloy tuloy na pag-agos ng luha ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit
kay Roman. Wala pa man ay pinaplano ko na sa isip ko kung papaano ko sya
pahihirapan at unti-unting papatayin para iganti si Peter. “Demonyo ka Roman”
niyakap ko ng mahigpit si Peter. At tuloy tuloy lang akong tumangis. Maya maya
pa ay. “wui! Peter” habang sinisipa sya ni Ate Estella. “wui! Itigil mo na yang
kalokohan mo” nagtataka ako kay ate Estella kung bakit ganun sya. Pero tuloy
tuloy pa rin akong umiyak. Nang biglang isang hindi kapanipaniwalang hakbang
ang ginawa ni ate Estella. Hinubad nya ang suot nyang sapatos at ipinalo sa ulo
ni Peter. “Aray ko shet, ate Estella naman bakit ba agaw trip ka?” tanong ni
Peter. Nagulumihanan ako kaya mabagal na rumehistro sa utak ko ang mga
nangyayari. “eh tarantado ka eh, humahagul-gol na yung jowa mo ayaw mo pang
itigil yang acting mo.”si ate Estella. “Akala ko tinamaan . . …” putol kong
sabi. “tinamaan nga pero may bulletproof vest naman yan eh.”si ate Estella. “ah
ganun? Halika ako na lang ang papatay sayo para matuloy na tong pag-iyak ko
nabitin ako eh.”gigil na gigil kong sabi sa kanya habang pinipingot ko ang
tenga nya. “Aray.! Tsk! Sorry na, Pero kahit meron ako nito masakit pa rin ah.
nawalan kaya ako ng malay. Pag gising ko nakita kitang umiiyak kaya
pinanindigan ko na lang. hehe, dad buhatin mo ako, masakit pa din dib dib ko
eh.” paglalambing nya sa akin. “ayaw ko maglakad ka mag-isa dyan.” Naglakad na
kami papuntang sasakyan at talagang pinilit nyang sumampa sa akin.
Paalis na kaming tatlo papuntang California. Pero bago namin gawin yun ay
pumunta muna kami ni Peter sa puntod ng dati kong asawa. “Emily aalis na kami,
kasama namin si Xander. Nandito ngayun si Peter. Kilala mo na sya diba? Sabay
naming inaalagaan ang ang anak natin sabay naming itataguyod. Walang pupwedeng
manakit sa kanya dahil nandito na kami na dalawang superman sa buhay nya. Kaya
ipahinga mo na ang kaluluwa mo. Wag mo na ako dalawin sa panaginip ko kasi
takot ako sa multo. Maraming salamat sa lahat.”sambit ko sa harap ng libingan
ni Emily. “hi Emily, ako si Peter. Sayang noh hindi man lang tayo nagkakilala
ng personal. Wag ka sana magagalit sa akin. Hindi naman kita papalitan sa mga
puso nila. Dadag-dag lang ako sa mga magmamahal sa kanila. Mahal na mahal ko si
Adrian lalong lalo na ang anak nyo. Anak nating tatlo. Hayaan mo mula sa
puntong ito, gagawin ko rin ang ginawa mo sa kanila. Puprotektahan ko rin sila
ng sarili kong buhay. Sisiguraduhin ko sayong hindi sila maaapi. Gamit ang mga
matang ito babantayan ko silang mabuti. Salamat Emily sa pagbibigay sa akin ng
pagkakataong mahalin sila. Hinding hindi ko ito sasayangin. Mahal ka namin.”
Inilapag na namin ang dala naming bulak-lak at tulayan na kaming umalis.
Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang kamay nya.
“mahal mo ba ako?”tanong nya.
“Oo” Sagot ko.
“Eh, ako mahal mo ba ako?”Ako naman ang nagtanong.
“Oo”sagot nya.
“gaano mo ako kamahal?” muli kong tanong.
“Ganito. Luwagan mo man ang kapit sakin, hihigpitan ko ang kapit ko sayo
para hindi kita mabitiwan.”sagot nya.
“Talaga?” pangungulit ko.
Ngumiti sya, at binatukan ako.
Wakas...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento