James Silver
Fiction
1992
Ako si Aldwin, dalawampung taong
gulang. Kung tatanungin mo ang itsura ko eh, sakto lang. May ilong, mata, bibig
at tenga. Nabiyayaan din naman ako ng kumpletong bahagi ng isang normal na
katawan. Pero kung ang hinahanap mo eh yung mukhang artista, aba eh bakit hindi
ka pumunta sa ABS CBN o GMA, marami sila dun mamili ka pa. Ang sabi ko nga
sakto lang, yung tipong hindi mo ako mapapansin pag inilagay mo ako sa gitna ng
mga naga-gwapuhang lalake. Baka isipin mo pa na longkatuts ako o boy. Walang
espesyal saken. Hindi ako kasing galing ni Einstein. Hindi ako kasing lakas ni
Superman. Hindi ako kasing bait ng isang santo, pero hindi rin ako kasing sama
ng isang demonyo. Ang buong pagkatao ko pisikal, mental at emosyonal ay ang
perpektong pakahulugan ng salitang ‘NORMAL’. Wala akong masyadong drama sa
buhay. Pero ang araw na ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Pasok sa telenobela
‘to. Ikaw ba naman ang magulpi eh ewan ko lang kung hindi ka magdrama.
“Magulang?” Medyo kakatwa ang
tagalog ng salitang ‘parent’ kasi kung bibigyan ng ibang pakahulugan ang
tagalog nito ay ‘madaya’ ang kalalabasan. Kaya ama’t ina na lang. Hanggang saan
nga ba ang kayang saklawan ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak.
Dalawampung taon na akong nabubuhay pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito
kayang sukatin. Pagkaminsan ay sa tignin ko, natatalo ito ng pagmamahal sa
isang kasintahan. Yun lang naman kasi ang uri ng pagmamahal na exclusive para
sa isang tao eh. Maraming mahal ang Diyos. Hati ang pagmamahal ng mga magulang
ko sa aming dalawang magkapatid. Kaibigan? Marami din yang mahal at kung minsan
pa nga ay hindi totoo ang pagmamahal na kayang ibigay ng isang kaibigan. Ang
pagmamahal lamang ng kasintahan ang walang kaagaw. Yun eh kung totoo, pero kung
mamalasin ka, malamang may kabit yang isa, dalawa, tatlo at ang pinakamalala
eh, yung kaibigang kinakausap mo, kasali rin pala sa club. Lintek diba?
Yan ang mga bagay na tumatakbo sa
aking isipan habang nag-eempake ako ng damit. Maglalayas ako dahil nagulpi ako
ng tatay ko, nalaman nya kasing lalake rin ang gusto ko. ( Tipikal na sitwasyon
para sa mga katulad kong hindi matanggap ng ama ang dugong bughaw na nananalay-tay
sa ugat. Deretsahan, walang pakeme. Bakla ako. At kung hindi mo naiintindihan ang
salitang iyon eh mas liliwanagin ko pa sayo. Titi ang gusto ko, ayoko ng puke,
kuha mo?!) Hindi nya ako matanggap kaya heto panay pasa’ ako. Mamumuhay na ako
ng sarili. Galit na galit ako. Sobra! Ipapakita ko sa kanila na magkakaroon ako
ng maayos na buhay. Na ang baklang isinusuka nila ay maipagmamalaki rin nila
balang araw. Panay pa rin ang agos ng luha ko, hindi ko naisip na magagawa pala
saken yun ng tatay ko. Ang nanay ko naman ay hindi nagawang pigilan ang tatay
ko kaya naman damay sya sa galit ko. Lungkot at matinding galit lamang ang nasa
loob ko. Nang matapos na akong mag-empake ay agad akong lumabas ng bahay. May
naitabi naman akong pera galing sa inipon kong baon araw araw. Iniipon ko sana
ito para usa bibilhin kong regalo para sa kaarawan ng nanay ko sa susunod na
buwan. Wala sa hinagap ko na gagamitin ko ‘to para mag-umpisa ng panibagong
buhay. Buhay na wala sila. Buhay sa kamay ng malupit na lungsod ng Maynila.
Nagpalaboy laboy ako sa Maynila.
Walang pupuntahan. Basta ang nasa isip ko lang ay makalayo sa amin. Malayo ang
Bulacan sa Maynila kaya nakasisiguro akong hindi ako matutunton ng mga magulang
ko dito. Ang kaso lang hindi pa man din ako tumatagal ay nakikita ko na ang mga
problemang kakaharapin ko. Nagugutom na ako, maga-gabi na at wala pa rin akong
nakikitang matutuluyan. Ngayon lang naman ako napad pad dito eh. Ang totoo nyan
ni hindi ko nga alam kung bakit dito ko naisip na magpunta. Basta na lamang ako
nagtanong kung papaano makakarating dito at nang may sumagot sa akin ay tsaka
ako lumarga. Wala lang. Ganito naman kasi ang napapanood ko sa mga pelikula eh.
Sa tuwing may maglalayas sa isang pelikula ay tiyak na sa Maynila ang tungo
noon. Ginaya ko lang. Kakatwa isipin, pero sa sarili kong pananaw ay Maynila
ang kumakanlong sa mga taong walang masilungan. Hindi ko nga lang alam kung may
makakasalubong akong anghel para tumulong saken dito.
Nang mapagod ako sa paglalaboy ay
naupo ako sa isang bench. Dito sa lugar na maraming puno. Mula ditto ay
makikita ang isang gusali, kung hindi
ako nagkakamali ay post office yata yung nakalagay dun nung mabasa ko kanina. Halos
wala nang tao sa lugar na ito. Makabubuti ito saken para makapag-isip ng
maayos. Tahimik at walang istorbo. Nang makaupo ako ay sinilip ko ang aking
wallet, binilang ko ang laman nito at tinatantya kung kakasya ba ito nang mga
ilang araw. Ayoko namang mamatay sa gutom kaya kailangan ko itong tipirin.
Kailangang may mapasukan akong trabaho kahit tindero lang ng kung ano ano, bago
pa man maubos ito. “Tangina! Limang daan” yan lang ang halagang kailangan kong
pagkasyahin hanggang sa makahanap ako ng trabaho. “Saklap” sabi ko sa sarili
ko. Nang mabilang ko na ay pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. Tinitignan
ko kung gaano na ba ako kagutom, para malaman ko kung kinakailangan ko na ba
talagang bumili ng makakain. Mukha namang hindi pa ako hihimatayin sa gutom
kaya mamaya na lang. Kaya ko pa naman tiisin eh. Sumandal na lamang ako sa
bench upang kahit papaano ay makapagpahinga. Maya maya ko na lamang
ipagpapatuloy ang paghahanap ko ng lugar kung saan maaaring magpalipas ng gabi,
tutal unlimited naman ang oras ko.
Tuluyan na ngang lumubog ang araw.
Madilim na sa paligid at iilang tao na lang ang nakikita ko. Nakaidlip pala
ako. Pagkamulat ko ay agad kong kinapa ang wallet ko dahil alam kong maraming
mandurukot dito. Ayos naman. Wala namang nawawala. Nang masiguro kong wala
ngang nawawala ay tumayo na ako para ipagpatuloy ang aking paghahanap sa wala.
Lakad na naman. Lakad ng walang patutunguhan. Habang para akong tangang umuusad
papunta kung saan ay may bigla na lamang akong narinig na palakpak. Isang palakpak
na sinundan pa ng isa pa, ng isa pa at ng isa pa hanggang sa sunod s8unod na
sila. Hindi ko alam ang nangyayari kaya naman tuloy tuloy lang akong naglakad.
Nang bigla na lamang may bumulaga saking lalake. Pagkaharap nya saken ay
pumalakapak sya ng mabilis. Iniwasan ko sya, at pag talikod ko ay may isa na
naman, ganun din ang ginawa nya. Pumalakpak din ng mabilis. Iniwasan ko ulit at
ganun na naman ang nangyare. Hanggang sa mapansin ko na lamang na napalilibutan
na nila ako. Isang kasama nila ang humablot ng bag na dala ko. At yung isa
naman ay kinap kapan ako tila naghahanap ng kung ano. “Hoy! Anong ginagawa
nyo?!” tanong ko sa mga pesteng ‘to. Sumisigaw na ako para makatawag ng pansin,
para matulungan ako. Pero sa tuwing sisigaw ako ay pumapalak pak sila na
sinasabayan na rin ng sigaw. Walang nakakarinig saken. Malamang iniisip ng
ibang tao na nagkakasayahan lang kami dito. “Tangina nyo!” sigaw ko na naman sa
kanila. Nang bigla na lamang may sumapak saken. May kalakihan ang katawan nung
sumapak saken kaya naman natumba ako. Babangon na sana ako ng bigla na naman
akong binigyan ng isa. Sinundan pa iyon ng makailang ulit hanggang sa hindi na
talaga ako makabangon. Tsaka lamang sila naghiwa hiwalay at iniwan akong
nakabulagta sa lupa.
Napakasakit ng katawan ko. Mabuti
na lang at hindi nila ako sinaksak, dahil kung nagkataon malamang tigbak nako.
Umupo ako. “Puta! Bakit ngayon pa nangyari ‘to.” Nanggigigil ako, naiiyak ako
sa sobra sobrang galit na nararamdaman ko. Para akong batang napektusan at
hindi man lang nagawang makaganti. “Putang ina!” at pinagbuntunan ko ng galit
ko ang walang kamalay malay na lupa. Patayo na ako ng mapansin ko ang isang
kamay na nakalahad sa akin. Waring nag-aalok ng tulong, subalit matindi ang
galit na nararamdaman ko kaya naman tinapik ko yung kamay at tsaka ako tumayong
mag-isa. Hindi ko na pinansin kung sinoman yung nagmamagandang loob nay un,
pasensya na sa kanya dahil badtrip talaga ako.
Lugmok na lugmok ako habang binabay
bay ang kahabaan ng kalsadang hindi ko alam kung saan. Hindi ko na alam kung
gaano na kalayo ang nalalakad ko. Hindi ko na rin alam kung gaano na katagal
akong naglalakad. Lumilipad na ang isip ko sa pagod at gutom. Walang pag-asa. Walang
pera, damit at matutuluyan. Ang malala pa dyan, ngayon ko lang naramdaman ang
matinding gutom. Nanghihina na ako, kaya naupo ako sa kung saan. Dito malapit
sa isang rebulto ng kalabaw. Sa hagdan na malapit sa kalye. Ewan! Wala talaga
akong alam dito at puro kamalasan pa ang nangyari saken. Parang gusto ko na
murahin ang lahat ng nagdaraan sa labis na pagkagalit. Hanggang sa bigla na
lamang bumigay ang loob ko at umiyak ako ng umiyak. “Ano bang kasalanan ko?
Bakit nangyayari saken ‘to!?”sambit ko sa aking sarili.
“Bakit ka umiiyak?” isang tanong na
bigla ko na lamang narinig. Boses ng isang lalake. Nang mapalingon ako ay
nakita ko sya na nakaupo na sa bandang kanan ko. Diretso lang ang tingin nya
kaya ang gilid na bahagi lang ng mukha nya ang nakita ko. Hindi ko sya
masyadong tinitigan dahil wala naman kasi akong pake.
Hindi ko sinagot yung tanong nya.
Hindi naman ako nag-alala kung masamang tao ba o ano. Tangina, ano pa bang
mawawala saken! Wala na. Puri gusto nya?!
“Wag ka mag-alala, hindi naman kita
kakainin eh. At tsaka mukhang wala ka namang pera kaya malabong holdapin kita.
Wala lang talaga akong magawa kaya kinakausap kita, mukhang kailangan mo ng
kausap eh.” Sabi nya.
“Hindi ko kailangan ng kausap.”
Maigsi kong sagot.
“Bahala ka, ikaw rin. Mamaya may
raket na ako, hindi na kita makakausap. Kaya kung ako sayo sabihin mo na yang
problema mo at baka may maitulong ako sayo. Ikaw rin, baka hanapin mo ako
mamaya.” Muling alok nya.
“Wala nga sinabi eh! At tsaka hindi
kita kilala, bakit naman ako makikipag-usap sayo?!” medyo pagsigaw ko.
“Oh, teka. Kalma lang brad. Ang
akin lang naman eh, baka gusto mo lang ng kausap. Kung ayaw mo naman eh ayos
lang din. At tsaka kinakausap mo na nga ako eh, pagalit nga lang.” Sabi nya
sabay bigla syang tumayo at tsaka naglakad palayo.
Hindi ko alam kung magsisisi ba ako
dahil sa ginawa ko o ano. Bigla na lamang parang naghinayang ako. Sayang.
Tulong na sana yun eh, kaso badtrip talaga ako kaya hindi ko mapigilang
magsungit. Nang humupa ang galit ko ay tumayo ako at lumingon lingon. Baka
sakaling nandun pa yung lalake. Kaso minamalas talaga ako. Wala na sya, hindi
ko na makita. Isa pa hindi ko naman masyadong nakita yung mukha nya kaya hindi
ko rin alam kung anong itsura nung hinahanap ko. Tss! Ang arte ko naman kasi
eh. Sana pala kinausap ko na sya kanina. Sana naisip ko na kanina ito, nung
nandyan pa. Tulong na sana, nawala pa.
Nagpaikot ikot lang ako doon sa
lugar kung saan ako umupo kanina. Hindi ako lumayo sa pag-asang makita ko ulit
sya. Gabi na pero sa lugar na ito ay meron pang mga tao. Mga dalaga’t binatang
naglalampungan sa dilim. Ang iba naman ay mag-isa. Yung iba, ewan hindi ko
alam. Hanggang sa maya maya pa ay narinig ko ang isang malakas na sigaw.
“TULONG! TULUNGAN NYO AKO! MAY
MAGNANAKAW!” sigaw ng isang babae.
Agad na naglapitan ang ilang tao sa
kanya. Mga mabubuting tao na nakikiramay sa isang kababayan. Ewan lang, sa
tingin ko naman yung iba, nandun lang para maki-usyoso. Ako? Wala lang, wala
akong pakialam. Wala rin namang tumulong saken kanina eh, kaya bakit naman ako
tutulong? Isa pa, wala rin naman akong magagawa. Kung maibalik yung nanakaw sa
kanya, GOOD! Kung hindi naman, GOOD pa rin, at least alam kong hindi lang ako
ang tanga na nasa Maynila na nanakawan. Nakita ko yung iba na kunyare hinabol
yung magnanakaw. Tulong bang matatawag yun eh, ilang hakbang lang pagod agad?
Baka pasikat?! Pessimistic na kung pessimistic, eh sa ganun talaga eh. Ikaw
kaya lumagay sa lugar ko ewan ko lang kung maging optimistic ka pa.
Matapos ‘kong makiusyoso doon sa
nangyaring insidente ng pagnanakaw eh umalis na ako. Tapos na ang pelikula, at
nagtagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan. Hindi naman kasi totoong palaging
nananaig ang kabutihan sa kasamaan eh, wag tayong umasa sa mala-fairy tale na
buhay. Ako kasi palagi kong iniisip na nasa balanseng mundo tayo, kaya walang
kasiguruhan ang lahat. Katulad ko, malas ako kanina kasi ako yung nakatakdang
malasin. Katulad din ng babaeng iyon. At dahil nasa balanseng mundo tayo eh
magiging balanse rin ang kahihinatnan ng lahat. Pupwedeng may nangyaring masama
doon sa mga nagnakaw saken kanina at pagkakataon naman nilang makaganti o kung
hindi naman eh, malamang may mangyayari pa lang. Uy! Hindi ako masamang tao ah.
Karma ang nagpapaikot ng mundo kaya walang kinalaman ang mga pananaw ko sa
buhay dyan. ‘What goes up, must come down’ law of karma. Ganun lang yun.
“All is fair in love and war.” Ang
pinakamatibay na quotation na alam ko. High school pa lang ako naiintindihan ko
na yan. Pag ginawan ka ng masama, gawan mo rin ng masama. Matira matibay,
lamunan kung lamunan. Palakasan lang naman yan. Kunin ang gusto mo sa paraang
alam mong epektibo. At kung me pagka engot ka eh, malamang maging gusgusin ka
sa pagkatalo. Katulad ko. Oo na, engot na kung engot, basta hindi na mauulit
yun. Talo ako ngayon kaya ang pakiramdam ko sa sarili ko ay mukhang bagong
hukay na patatas sa sobrang dumi ng damit ko. Siguro kung may mga taong
pakealamero akong makakasalubong eh, malamang tanungin nila ako kung alam ko ba
yung bagay na tinatawag na ‘TUBIG’.
Hindi ko na hinanap yung lalake.
Napanghinayangan ko na sya kaya naman maghihintay na lang ako ng bagong
makatutulong saken. Siguro naman time ko na para makabawi noh, sana lang may
mangyaring mabuti saken. Sapat na siguro yung mga kamalasang dinanas ko kanina
para ako naman ang panigan ng swerte.
Gutom na gutom na ako. Gusto ko na
nga kainin yung mga halamang nakikita ko eh. Kaso ang corny namang maging
vegetarian pag nakakaramdam ka ng ganitong gutom. Natural, ang maiisip mo eh,
lechong manok, lechong baboy at kahit ano pa, basta karne at pwede na rin yung
kaning lamig. Ikaw? Naisip mo bang kumain ng adobong sitaw pag nahihilo ka na
sa gutom? Kung mga ganung klase ng pagkain ang nasa isip mo eh, aba magpatingin
ka, may hindi tama sa utak mo.
Patuloy akong naglakad. Kung ano
ano na ang hinihiling ko. Sana makapulot ako ng wallet na naglalaman ng limpak
limpak na salapi o kung hindi naman eh, sana may lumagpak na lechong manok mula
sa langit. Badtrip, gutom na talaga ako. Pakiramdam ko ay kinakayod na yung
sikmura ko. Panay na rin ang lunok ko ng laway dahil nauuhaw na rin ako. Bigla
ko tuloy naisip na kung hindi ako umalis ng bahay, malamang ay naghahapunan na
kami ngayon. Libre yun ah at hindi ko kailangang paghirapan. Kaso bigla ko ulit
naisip yung ginawa ng tatay ko kaya di bale na lang. Bading nga siguro ako,
pero may mga pagkakataong mas matigas pa ang loob ko kesa sa mga tunay na
lalake.
“Psst!” narinig ko mula sa kawalan
habang para akong zombie na walang alam sa mga direksyon. Sa sobrang gutom,
pagod at uhaw ko ba naman kasi, hindi ko na malaman ang kanan at kaliwa. Hindi
na yata gumagana ang utak ko eh.
“Psst!” muli kong narinig ang
sitsit na iyon. Nang bigla na lamang tumambad sa harapan ko ang isang lalake.
Bakla ako kaya alam kong kumilatis ng mukha lalo na pag lalake. At masasabi
kong pasok sya sa panlasa ko. Instinct yun ng bading kaya hindi ko na kailangan
pang gamitan ng kokote. Sa itsura nya mukha syang tambay. Medyo madilim dito sa
kinatatayuan namen kaya hindi ko alam kung maputi ba sya o maitim. At sa amoy
nya, mukhang hindi pa sya naliligo. Amoy baktol, promise nanununtok. Nakangiti
syang humarap saken at tsaka sinabing. “Hinahanap mo siguro ako noh?!”
“Ha? Ah..” hindi ko alam ang
isasagot ko sa tanong nya.
“Alam mo kanina pa kita
pinagmamasdan. May ano ka ba?” at pinaikot nya ang kanyang hintuturo sa tapat
ng kanyang kanang sentido. Kahit sino naman siguro saten alam ang ibig sabihin
nun. Tinatanong nya kung me sayad ba ako. Medyo nainis ako dun pero wala akong
panahong magalit dahil effort pa yun. Makakadagdag lang yun sa gutom ko.
“Haha.. Nagugutom na kasi ako, wala
akong pera pambili ng pagkain.” Sabi ko sa kanya. Diretso at walang paligoy
ligoy. Jusme, konti na lang at hihimatayin na ako sa gutom.
“Yun naman pala eh. Tara na, kain
tayo may nadale ako kanina eh.” Sabay angat nya ng kanyang kilay. Hindi na ako
nagtanong kung ano ang ibig sabihin nya dun sa nadale. Sumama na lang ako at
mamaya na ako magu-usisa.
Pumunta kami sa isang karinderya. Yung
mga taong nandun medyo masama ang tingin samen. Marahil sa itsura namen, mukha
kasi kaming mga palaboy. Normal. Nakikita nila ang buong pagkatao mo base sa
suot mo. At dahil mukha kaming gusgusin, natural walang pera ang tingin samen.
Totoo naman, ewan ko lang dito sa kasama ko. Pag wala syang pera kailangang
maikondisyon ko ang mga binti ko para hindi ako pulikatin.
“May mga pambayad ba kayo?” tanong
ng isang matabang ale.
“Mayaman po ako manang,
naalikabukan lang.” yung lalakeng kasama ko sabay ngisi nya. Wala nang nagawa
yung ale kundi papasukin kami.
Hindi na ako halos magkanda-ugaga
sa paghihintay ng pagkain. Sya na rin ang pinapili ko ng lahat ng kakainin
namen. Sa sobrang panghihina ko, malamang ay naipaliwanag na ng kilos ko kung
gaano ako kagutom. Maya maya pa ay dumating na sya dala ang mga napili nyang
pagkain. Tig-isang putahe kami ng ulam at tigalawang kanin. Nang maihain na nya
sa lamesa ang mga pagkain ay agad ko itong nilantakan. Para lang akong patay
gutom na kahit siguro may lason yung kinakain ko eh walang pakialam. Basta
malamanan ang sikmura ko ngayon kahit kaluluwa ko ay ibebenta ko. Ganung
katindi ang nararamdaman kong gutom.
“Hinay-hinay brad baka maimpacho ka
nyan.” Paalala nya saken. Ako naman ay parang walang narinig. At nang mapansin
kong hindi pa sya nakakasubo kahit isang kutsara ay.
“Oh ba’t di ka pa kumakain?” tanong
ko.
“Ah, hindi naman kasi ako gutom eh.
Sanay naman yung sikmura kong isang beses lang kumain sa isang araw.” Tugon nya
sa tanong ko.
“Kain ka na rin, nakakahiya naman
sayo.” Sabi ko sa kanya, kahit na parang huli na nang maisip ko yung salitang
HIYA.
“Sige na nga, naiinggit ako sa
pagkain mo eh. Sayo na ‘tong isa pang kanin. Para solve yang chibog mo.” Sabi
nya habang nakangiting nakatitig saken. Hindi ko sya masyadong pinapansin at
patuloy lang ako sa pagkain.
Hindi man lang kami inabot ng
kalahating oras sa pagkain at naubos na ang lahat ng inorder nya. Busog. Ngayon
ko lang naappreciate ng husto ang pagkain. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang
pagkakataong nagutom ako ng matindi. Biruin mo, pumasok kaya sa isip ko ang
magpa-alipin kahit kanino para lang makakain. Okey. Ayoko na isipin, basta
ngayon busog na ako at kailangan kong magpasalamat sa Diyos at kay… Teka, sino
nga ba ‘to?
“Ahm, salamat… ahm..” sana lang mahulaan
ko yung pangalan nya.
“Jiban. Ako si Jiban brad, ikaw
sino ka?” Bigla akong napahagalpak, halos maihi ako sa kakatawa. Dahil
kapangalan nya yung bida sa paborito kong panoorin dati. Si Jiban na
counterpart ni Robocop sa Japan. “Tawa pa!” seryoso nyang sabi.
“Sorry, ako nga pala si Aldwin. Win
na lang ang itawag mo saken.” Matapos kong ayusin ang aking sarili. Naramdaman
ko na talaga ang matinding hiya dahil pinakain nya na nga ako eh tinawanan ko
pa ang pangalan nya.
“May itatanong ako.” Sabi nya.
“Ano yun?” tugon ko.
“Istokwa ka noh?” Maigsi nyang
tanong.
“Oo.” Diretso kong sagot. Ayoko na
ikaila dahil kailangan ko ang lahat ng tulong na maibibigay nya saken.
Makakabawi rin ako sa kanya pag dating ng araw, ang mahalaga ngayon eh
kailangan ko sya. Kahit pa isipin nyang mapanamantala akong tao. Basta
kailangan ko ng makakatulong saken ngayon.
“May tutuluyan ka na ba?” muling
tanong nya.
“Wala” sabi ko sabay nakita ko ang
marahan nyang pag-iling.
“Tsk! Tsk! Maarte ka ba?” tanong
nya.
“Hindi ako maarte ah. Aarte pa ba
ako sa ganitong sitwasyon?” sabi ko.
“Tara sa bahay. Mukha kang engot
kaya sa tingin ko mamamatay kang dilat ang mata pag iniwan kitang mag-isa dyan
sa lansangan. Tsaka kanina pa ako naaawa sayo eh, nakita na kita nung madale ka
ng mga palak-pak boys. Eh mga engot lang naman ang madalas na biktima nung mga
yun eh. Tinutulungan kita ayaw mo naman. Kinakausap din kita kanina ayaw mo pa
din. Edi sana kanina ka pa nakakaen.” Hindi ako umalma nung sabihan nya akong
engot. Sa kabilang banda naman kasi ay tama ang mga sinabi nya. Ang engot ko
nga naman at tumambay ako sa lugar na kakaunti ang tao.
Tumayo na kami at tsaka nagbayad ng
aming kinain. Nakakatuwa yung wallet nya. Hahaha pambabae. Pagkaalis namen ay
may iminimwestra sya. Aakto syang tumatakbo at biglang lulundag at kunyaring
kakapit. Tapos lingon saken na para bang nagtatanong kung nakuha ko ba. Hindi
ko sya maintindihan kaya naman nagtanong na ako.
“Ano ba yang ginagawa mo?”
“Tinuturuan kitang sumabit sa jeep.
Walang magpapasabit saten kasi bawal ang sabit dito.” Sagot nya.
“Eh bakit pa tayo sasabit?” tanong
ko ulet.
“Sayang ang pera. Pwede namang mag-
1,2,3 eh.” Sagot nya at napatango na lang ako. Medyo kinabahan ako, dahil pag
nagkamali ako malamang mabalian ako ng buto dahil sa pagkalaglag sa humaharurot
na jeep.
Medyo nailang ako sa daan namin
patungo sa bahay nila. Gabing gabi na kasi ang dami pang tao. Tatlong lamayan
ang nadaanan namin at higit sa lahat eh marami rin kaming nadaanang lantarang
sumisinghot ng rugby. “Puta, anong klaseng lugar ba ‘to?” tanong ko sa sarili
ko.
Ilang kanto at eskinita pa ang
nadaanan namen. Hanggang sa makarating na nga kami sa kanila. Madilim. Isang
gasera lang ang nagbibigay tanglaw sa kabuuan ng barong barong na kinalalagyan
namen. Habang nakatayo ako sa gitna ng barong barong at inililibot ang aking
paningin ay bumalik sya sa pintuan at narinig ko ang tunog ng isang yero. Yero
na nagsisilbing takip na naghihiwalay sa mundo sa labas. Okey, masyado akong
matalinhaga. Pinto ‘yun, pinto ang ibig kong sabihin. Nang maisara nya na ang
pinto ay may narinig akong tawa. Tawa na nanggagaling sa loob ng isang maliit
na silid.
“Hahahahaha! Hahahahaha!” Tawa ng
isang babaeng may edad na. Napatingin ako kay Jiban, at tinapik nya ako sa
balikat.
“Nanay ko ‘yun. Wag mo syang
intindihin. Maupo ka na lang muna dyan at pupuntahan ko sya.” Sabi nya. Sa mga
sinabi nya ay alam ko na kung anong meron. Hindi ako ganung Katanga para hindi
makahalata. Tunog masaya ang nanay nya, pero hindi sya nakakatawa.
Kinuha nya ang gasera at dinala ito
sa loob ng maliit na silid. Mahina ang loob ko sa dilim kaya naman minabuti ko
na lamang na sumunod sa kanya. Nang makapasok na kami sa loob ay nakaamoy ako
ng hindi kaaya ayang amoy. Amoy dumi ng tao. Pero hindi ako umalis dahil mas ok
na saken ang mabaho, wag lang madilim. Kaya nanatili na lang ako sa loob, at
pinagmasdan silang mag-ina. Napansin ko na mayroong hawak ang kanyang nanay.
Isang uri ito ng baril. Wala akong kahit anong alam tungkol sa baril kaya naman
hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Hinihimas ito ng nanay nya at niyayakap.
“Kuya! Kuya! Pupu na ‘ko.” Nanay ni
Jiban ang nagsasalita.
“Sige lilinisan kita.” Tugon nya sa
kanyang ina.
“Asan na pasalubong ko.” Tanong ng
kanyang ina. At nakita kong dinukot nya ang isang plastic mula sa kanyang
bulsa. Hindi ko mawari ang laman nito sa loob. Inilapag ng nanay ni Jiban ang
baril na hawak nito. Iniabot ni Jiban ang plastic sa kanyang nanay at mabilis
naman itong hinablot ng matanda. Pagkakuha ng plastic ay agad nya itong binuklat
at tsaka itinapat sa ilong. Animo’y isa itong hikain na hindi magkamayaw sa
pagsinghot ng laman ng plastic. Napakunot ako ng noo. Puta! Rugby yun ah. At
biglang napatingin si Jiban saken. Tumango lamang ito. Hindi ko magawang
kwestyunin ang tagpong iyon sa kanya. Kanina ko lamang sya nakilala at hindi ko
alam kung gaano sya kabuti o kasamang tao para gawin iyon sa ina nya. Sa isip
ko ay hinuhusgahan ko na sya. “Napakasamang anak naman nito. Puta, kung nanay
ko yan ay hindi ko gagawin yan sa kanya.” Sabi ko sa isip ko. Kahit ano pa mang
dahilan nya ay hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa iyon ng isang anak sa
kanyang ina. Puta talaga! Syet! Pero ano nga ba naman kasi ang alam ko tungkol
sa kanilang mag-ina. Wala akong alam.
Masama sa mata ko ang nakikita ko kaya, madali ko lamang silang
nahuhusgahan. Ganyan naman ang tipikal na ugali ng isang normal na tao eh. Ang
manghusga base sa nakikita nila. Masama agad, kapag ang nakikita ay hindi
kaaya-aya sa kanilang paningin. At maganda naman kung maganda ang nakikita.
Masyadong literal at hindi nag-iisip. Ganyan din ako kaya alam ko. Pero sa
pagkakataong ito ay pinili kong manahimik dahil hindi ko nga sila nakikilala ng
lubusan. Papaano na lang kung sasabihin ko kaagad yung opinyong iniisip kong
makabubuti sa kanila, edi nagmukha pa akong pakealamero. Eh papano na lang kung
engkanto pala yung nanay nya at yung rugby ay makakadagdag sa kapangyarihan
nya, edi napahiya pa ako. Tahimik na lang ako para safe.
Matapos suminghot ng rugby ng nanay
ni Jiban ay inumpisahan nya na itong linisin. Medyo dumistansya na ako dahil
alam ko naman na kahit may problema sa pag-iisip ang nanay nya ay karapatan pa
rin nito ang magkaroon ng privacy.
Pagkatapos ni Jiban ay lumabas na
ito ng silid at may dala itong plastic. Wag nang itanong kung anong laman nung
plastic, dahil kung kumakain ka ay hindi mo magugustuhang malaman pa yun.
Dumiretso sya sa pinto at iniangat ng kaunti ito sabay ‘flying saucer’ nung
plastic na hawak nya. Kung saan bumagsak yun ay hindi ko na syempre alam. Malas
lang sa natamaan nun.
Pagkatapos ng lahat ng dapat nyang
gawin ay tsaka nito inilatag ang isang plywood na sa tingin ko ay magsisilbing
tulugan namin. “Dyan ka lang sandali ah. Bibili lang ako ng katol. Malamok kasi
eh.”sabi nya saken at tsaka sya tuluyang lumabas.
Umupo ako sa nakalatag na tabla at
muling inilibot ang aking paningin sa buong kabahayan. Tinitignan ang mga
butas, ang iba’t ibang bagay na makikita sa ding ding hanggang sa mapansin ko
ang isang larawan na malapit sa pintuan ng silid ng nanay ni Jiban. Medyo
madilim sa bahaging iyon kaya hindi ko halos maaninag kung sino ang nasa
larawan. Pero base sa imaheng nakikita ko ay larawan ito ng isang lalake.
Pinipilit kong pagmasdang mabuti na para bang matanda na naniningkit yung mata
sa labo ng paningin. Pero hindi ko talaga makita ng malinaw. Tahimik lamang
akong nakatitig doon nang bigla na lamang mapansin ko ang pares ng kumikislap
na matang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko “Waaah!” at napalundag ako
sa nakalatag na plywood sa labis na nerbyos. Hanggang sa unti unti nang
lumabas ang ulo. Jusko, nanay lang pala
ni Jiban. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang mabilis na kabog nito. Paglabas
ng ulo nya ay tila inusisa ako nito. Hindi naalis ang naramdaman kong takot.
Dahil kahit hindi sya multo ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanang may sakit
ito sa pag-iisip. Buti na lamang ay agad na dumating si Jiban at sinaway ang
kaniyang ina.
“Matulog ka na ma, gabing gabi na
po.” Sabi nya sa kanyang ina na may buong pag-galang. Agad naman sya nitong
sinunod at pumasok na ito sa silid. Si Jiban naman ay sinindihan ang katol.
Inilagay nya ang isa sa loob ng silid ng kanyang ina at ang isa naman ay dito
sa amin. Nang maiayos nya na ang lahat ay tsaka kami nahiga. Akala ko ay
magkukwentuhan pa kami bago matulog, pero hindi na iyon nangyari dahil ilang
sandali lamang ay narinig ko na ang mahina nyang paghilik. Ipinikit ko na ang
aking mata at pinilit ko na ring matulog.
Mabilis lang lumipas ang mga araw
at buwan. Nanatili lamang akong nakatira sa bahay nina Jiban. At sa loob ng
ilang buwan na iyon ay marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Namatay ang tatay nya sa isang ingkwentro
laban sa mga pulis. Dating tauhan ng isang druglord ang tatay nya. At ang baril
na inaalagaan ng nanay nya ay pag-aari ng kanyang ama. Nang mamatay ang tatay
nya ay hindi man lang sila nakatanggap ng kahit anong tulong. Baranggay pa nga
raw ang nagpalibing sa tatay nya eh. Dahil naman sa labis na hinagpis at galit
ay hindi kinaya ng ina nya ang depresyong dulot nito at hindi naglaon ay bumigay
ang katinuan nito. Bata pa sya nung mangyari ang mga bagay na ‘yun. Hindi na
sya nakatapos ng elementarya dahil sa edad na sampu ay kailangan nya nang
dumiskarte. Kung sino sinong masasamang impluwensya ang nasamahan nya na
nagturo sa kanyang pumitik ng mga bagay na hindi kanya. Manghablot, manghold-up
at isa pa sa napagkwentuhan namen ay dati rin pala syang naging miyembro ng
palakpak boys. Oo, yung mga tarantadong dumale saken nung bagong salta pa lang ako
dito sa Maynila.
Habang tumatagal ako sa kanila ay
mas lalo kong nauunawaan ang klase ng mundong ginagalawan nila. Doon ko lang
napagtanto na wala talagang likas na masama. Dahil yung iba pang nakilala ko
dito eh may kanya kanya ring kwento. Puro masasaklap, kung ako ang nasa
kalagayan nila ay baka mas malala pa ang kinahinatnan ko. Bigla tuloy akong
nawirduhan doon sa mga taong walang ginawa kundi ang manita o pumuna. “Wag mong
gawin yan, masama yan.” “Grabe yang batang yan, pinabayaan siguro ng magulang
nya yan.” Walang galang, walang ugali, walang natutunan at kung anu ano pang
masasamang panghuhusga ang ibinabato sa kanila. Oo, wala silang alam sa kabutihang
asal kasi wala namang magtuturo sa kanila. Ganun ang ginagawa nila dahil wala
naman silang pagpipilian. Subukan mong wag kumain ng tatlong araw at
pakiramdaman mong mabuti ang gutom. Baka pati tao kainin mo na. Ayos lang naman
ang pumuna kung ang intensyon mo ay mabuti. Pero kung maninita ka ng ugali ng
iba at ang intensyon mo naman ay ang ipagyabang ang napakaganda mong ugali ay
mas makabubuting manahimik ka na lang. Walang kwentang tao ang humuhusga base
sa nakikita nya. Eh, puta kung ako ang nasa kalagayang ganun at sisitahin mo
ako sa mga masasamang natutunan ko baka isupalpal ko pa sa mukha mo yung
kawalan mo ng kwenta eh. Wala kang nagagawa para saken, puro ka dak dak, as if
naman uunahin ko pang makinig sa bunganga mo kesa sa kumakalam kong sikmura.
Mabuti sana kung tinuturuan mo ako ng isang maganda at matuwid na hanap buhay
eh, malamang pakikinggan kita. Ang kaso marami sa mga tao ang asal hayop, mga
malilinis at walang bahid dungis ang mga pagkatao. Puro hambog, wala namang
laman ang kokote kundi panghuhusga. Makikinig sila kung ituturing mo silang
tao. Ang mali nga lang sa lipunan, masama ang tingin sa kanila kaya
pinaninindigan na lang nila, wag lang mapahiya ang lipunang mapanghusga. Biruin
mo naisip nila yun. Ikaw? Naisip mo ba yun? Nagdidilim na ang isip ko, ganito
siguro talaga ang epekto ng rugby sa utak ko. May mga araw kasing lumilipas na
lang na hindi kami nagsisikain. Puro rugby na lang. Hahaha, iba kasi ang rugby,
binibigyan ka nito ng kapangyarihan. Kahit ang araw ay kaya mong hawakan sa mga
kamay mo, basta naka rugby ka. Alternative namen yun sa pagkain. Eh ganun
talaga eh.
Hindi ko alam kung anong oras na.
Basta alam ko lang eh gabi na. Nandito kami sa Luneta at nag-aabang ng mga
taong mukhang engot. Syempre pipiliin namen yung mga taong mukhang mapera at
madaling madekwatan. Nang makasipat kami ng isa ay agad kaming pumwesto. Si
Jiban sa harap at ako naman sa likod. Kung papalya ang isa, meron pang reserba.
Pero, matinik talaga si Jiban walang paltos pag sya ang kumilos. Ala ‘Da Flash
eh. Natawa na lamang ako nang makita kong pasigaw siagaw yung babae. Hahabulin
pa sana si Jiban ng ilang kalalakihan ang kaso, wala, papano mo nga ba naman
matatalo ang kabayo sa takbuhan hahaha. Huminto na ako sa kakatawa dahil baka
bigla akong mahalata. Ngunit isang bagay ang hindi ko lubos akalaing
mangyayari. Nakita ko si Tatay, Nanay at ang kapatid ko na mga nakatingin
saken. Sarado dapat ang utak ko. Dapat manhid. Pero napakalakas ng pwersang
nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Parang pinipiga at hindi ko mapigilan ang
pagluha.
“Mama… Papa.” Pagkasambit ko ng mga
katagang iyon ay lalong umigting ang nararamdaman kong emosyon. Kusa nang
naglalakad ang mga paa ko patungo sa kanila, gayun din sila na papalapit din sa
akin.
“Anak! Aldwin” sabay na sigaw ni
mama at papa.
Ngunit bago pa man kami
magkadaupang palad ay may bigla na lamang humatak sa akin at napatakbo na lang
din ako. “Anong problema mo? Nagpapahuli ka ba? Bilisan mo baka maabutan nila
tayo.” Sabi ni Jiban.
Nang makalayo na kami ay agad naman
kaming bumili ng rugby sa isang tindahan na nasa eskinita. Pero bago kami umuwi
ay bumili muna kami ng makakain para malamnan ang sikmura namin bago kami
tumira. Hindi kasi kami nakakain kahapon eh. Binilhan rin namen si nanay Darna
dahil hindi pa rin sya nakain buhat kahapon. Wala akong sinabi kay Jiban. Ewan,
gusto ko nang makapiling ang pamilya ko pero hindi ko naman magawang iwan si
Jiban at ang nanay nya. Nagkaroon tuloy ng matinding riot sa loob ng utak ko.
Napagod akong mag-isip kaya hindi ko na inisip. Ganun lang, may kapangyarihan
kasi akong pahintuin ang utak ko kahit kelan ko gusto. Mamaya, palalakasin ko
ng husto ang kapangyarihan ko para mas mabisa.
Kinalimutan ko na ang tagpong
nangyari sa Luneta. Ayoko talagang iwan si Jiban. At tsaka nagbabalik ulit
saken ang ginawa ng tatay ko kaya naman nabuhay muli ang galit na nasa loob ko.
Baka mamaya inuuto lang ako ng mga ‘yun eh. Hindi ako bibigay. Hindi ako
magpapatalo. Gamit ang super powers ko hindi ako matitinag.
Isang gabi. Nasa loob lang ako ng
bahay at si Jiban lang ang dumiskarte. Isasama nya sana ako kaso, grupo silang
aalis. Bigtime daw ang tatrabahuhin nila kaya naman ayaw nila magsama ng isang
bagito. Mahirap na baka mabulilyaso ko pa ang plano nila kaya naghintay na
lamang ako dito at binantayan si nanay Darna.
Tantya ko ay madaling araw na dahil
sa lamig ng paligid. Wala pa rin si Jiban. Nakakaramdam ako ng pag-aalala dahil
wala akong kapangyarihan ngayon. Isa akong ordinaryong tao na nag-aabang lamang
sa pagdating ng isang mahalagang kaibigan. Hindi ako makatulog kaya naman panay
ang silip ko kay nanay Darna. Mahimbing ang tulog nito. Maya maya pa ay narinig
ko na ang tunog ng yerong pintuan. Si Jiban, nakangiting bumungad saken ang
mukha nya. Ang mga matang iyon, ang mga labing gumuguhit upang magpahiwatig ng
kasiyahan. Ang wangis niyang nag-iisa lang, ang mukha niyang walang katulad.
Ang hindi ko maiwan. Ang akala ko ay mag-isa lamang syang papasok sa bahay.
Nagulat na lamang ako nang malaman kong may dalawang lalaki pa syang kasama. Si
Captain Barbell lang pala at si Jano. Pagkapasok nila ay gad nila akong binati
at nagkumpulan silang tatlo sa tapat ng ilaw. Mga nagbubulungan, hindi naman
ako masyadong nakiusyoso. Pero narinig ko ang usapan nila tungkol sa inakyat
nilang bahay.
“Win, sali ka samen oh. Masarap ‘to
ngayon tikman mo iba tama nito kesa sa rugby. Tamang wala lang, hahahaha” sabi
ni Jano. Alam ko na kung ano yun.
Umupo ako kasama nila. Habang
gumagawa ng pin at tooter si Captain Barbell ay tumayo si Jiban. “Kayo na lang
mga tropa. Pass muna ako dyan.” Sabi nya.
“Ayos ah. Dyeta ka ba pre? Sayang
‘to minsan lang ‘to. Tsaka ikaw yung nanloob sa bahay kaya dapat ikaw ang
master. Kundi dahil sayo wala ‘to.” Sabi ni Captain Barbell.
“Edi bibili na lang ako. May pera
naman tayo eh. Basta ayoko muna ngayon. May gagawin akong mahalagang bagay eh.
Yung parte ko ibigay nyo na lang kay Win.” Sabi nya.
“Ikaw bahala. Oh win simulan na ang
kasiyahan!” may sayang sambit ni Captain Barbell.
Higop dito, higop doon. Walang
sawang hit hit. Nakakabuhay ng dugo, saktong sakto ang tama. Hanggang sa
matapos na kami ay nakatitig lamang si Jiban sa amin. Nakangiti at tila
masayang masaya sa nakikita. Pagkatapos ng ilang sandaling kwentuhan ay naghati
hati na sila sa pera at tsaka lumarga ang dalawang kupal.
“Ayos ba ‘tol?” tanong saken ni
Jiban habang naka-thumbs up pa. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Pagkatapos
ako humiga na sya sa plywood at ganun din ang ginawa ko kahit alam kong hindi
naman ako makakatulog.
“Medyo mainit ngayon noh? O ako
lang ang nakakaramdam, sobrang pagod sa pagtakbo eh. Hahaha yung mga parak puro
kamote eh. Anlalaki kasi ng tiyan hahaha.” Sabi nya sabay bigla na lamang syang
naghubad. Hindi kalakihan ang katawan ni Jiban. Sakto lang, hindi rin sya
payat.
Maya maya pa ay tumitig sya saken.
Seryoso. Walang halong lokohan. Medyo nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa
loob ko, medyo uminit lalo na nung basain nya ng dila nya ang mga labi nya.
Unti unti syang lumapit saken. Bigla naman akong kinabahan. Palapit. Palapit ng
palapit. Hanggang sa maramdaman ko sa balat ko ang mainit na singaw ng katawan
nya na lalo lang nagpainit sa nararamdaman ko. Parang walang silbi ang tama ng
tinira namen dahil nagawang lusawin ng init ng katawan nya ang lakas ko.
Nanghihina na ang pakiramdam ko. Tumitig sya ng diretso sa mga mata ko. Ang
mukha nya na unti unti na ring lumalapit sa mukha ko. Naamoy ko na ang hininga
nya. Patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko hanggang sa magdikit na ang aming
mga labi. Sa una’y marahang halik lamang, maya maya pa ay unti unti na itong
nagiging marahas. Walang pagtangging mahihinuha sa akin. Buong puso’t maluwalhati
kong tinatanggap ang init na ibinibigay nya sa akin. Nag-umpisa nang kumilos
ang kamay ko. Hinimas ko ang dib dib nya at hinagilap ang utong nya para ito’y
laruin. Hinawakan nyang mahigpit ang kamay ko at unti unti nya itong ginabayan
patungo sa ibabang bahagi ng katawan nya. At naramdaman ko ang matigas na bagay
na naroroon. Napakainit. Galit na galit. “Isubo mo.” Malambing at init na init
nyang bulong sa tenga ko. Nang marinig ko iyon ay agad ko syang pinatihaya at
ako naman ang nagmaneho ng halik. Pababa sa leeg, sa dib dib, pusod at pababa
pa. Kinalas ko ang pagkakatali ng shorts nya. Ibinaba ko ito hanggang tuhod at
itinira ko ang brief nya. Hinawakan ko ang matigas nyang sandata sa labas ng
kaniyang brief. Nang gawin ko iyon ay ginawaran nya ako ng isang napakatamis na
ngiti sabay hawak nya sa pisngi ko at dinama ko namang mabuti ang init ng
kanyang kamay. Hinaplos nya ang mukha ko at tumungo sa aking buhok upang itoy
haplusin rin. Hanggang sa maramdaman ko ang isang mahinang pwersa na gumagabay
saken para lumapat ang aking labi sa kanyang matigas na pagkalalaki. Nagpaubaya
lamang ako sa kanyang lakas na tila ba paga-ari nya ang aking katawan. Inilabas
ko ang dila ko at dinilaan ko ang kanyang kargada mula sa labas ng brief. Muli
ay ngumiti sya sa akin at ganun din ang ginawa ko. “Ilabas mo na. Alam ko
namang noon mo pa gustong matikman yan eh. Matagal ka na rin nyang hinihintay,
kaya ilabas mo na.” unti unti kong ibinaba ang kanyang brief hanggang sa
tumambad sa akin ang matigas at naglalaway nya nang pagkalalaki. Nang maibaba
ko na ay agad kong dinilaan ang ulo nito. Pababa sa katawan at paakyat muli sa
ulo. Nagpabalik balik ako sa pagdila sa kanyang kahabaan. “Isubo mo na.” unti
unti nang lumalakas ang pwersa nya sa aking ulo. Parang naggigigil na sya na
isubo ko na ang kargada nya. “Ibuka mong mabuti yang bibig mo. Dahil malaki ang
ipapakain ko sayo.” Ginawa ko ang anumang naisin nya. Para akong wala sa
katinuang sumusunod sa bawat iutos nya. Isinubo ko nga buo ang kaniyang
pagkalalaki. Makikita mo sa kanya ang labis na kaligayahan sa serbisyong
ibinibigay ko sa kanya. “pasukin kita.” Muling bulong nya sa akin.
Nagdadalawang isip man ako ay hindi na ako tumanggi. Dahil kung may
kauna-unahan mang papasok sa akin ay nais kong sya ang makagawa nun. Muli
kaming naghalikan. Huminto sya sa paghalik at dumura sa kanyang palad at
inilagay ito sa butas ko. Muli syang bumalik sa paghalik sa akin. Pahimas hima
sa butas ko ang kaniyang mga daliri ng bigla na lamang akong napa-igtad ng
maramdaman ko ang pagpasok ng isang daliri sa loob ko. Isa, dalawa at tatlong
daliri ang nalabas pasok sa aking kaloob-looban. Hindi nagtagal ay itinutok nya
na ang alaga nya sa bukana ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Inihimas nya
ito hanggang sa bigla na lamang syang dumagan sa katawan ko at binigyan ako ng
mariing halik kasabay ng biglaang pagbaon ng kanyang alaga sa loob ko.
Napakasakit. Umaabot hanggang sentido. Hindi sya gumalaw at hinayaan nyang
ganun lang ng ilang sandali. Tsaka sya nag-umpisang umindayod. Ramdam ko pa rin
ang matinding sakit. Tinitiis ko lamang dahil kagustuhan ko rin naman ang bagay
na ito. Hindi sya huminto. At ako naman ay nakaramdam na ng sarap. Hanggang sa
matapos na lamang ang lahat ng hindi ko na namamalayan. Nagbihis kami ng
kani-kaniya naming damit.
Nang matapos ang lahat ay tahimik
lamang kaming nahiga. Maya maya pa ay umupo sya at kinuha ang kanyang pera.
“Hati tayo.” Sabi nya at nagbilang
sya.
“Ayos lang ikaw naman ang
dumiskarte nyan eh. Libre mo na lang ako.” Sabi ko sa kanya.
“Tanggapin mo na at umuwi ka na sa
inyo.” Iniabot nya saken ang pera at ako naman ay nagulat sa kanyang tinuran.
“Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama
dito?” tanong ko.
“Wag ka na magtanong basta umuwi ka
na bukas.” Habang nakatingin sya sa bandang pinto.
Marami akong gusto itanong sa
kanya. Bakit biglaan ang desisyon nyang pauwiin ako. Hindi ko alam kung may
nagawa ba akong mali o kung naiinis na sya sa pagtira ko dito. Para akong
nalulungkot na natatakot. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero hindi
na ako nakapagsalita at medyo naluha na lang.
Hindi ako masyadong nakatulog nang
gabing iyon. Paidlip idlip lang. Tinignan ko ang pwesto ni Jiban. Nakatalikod
sya saken at hindi ko alam kung tulog ba sya o hindi. Napansin ko na lang ang
mga butyl ng liwanag na nanunuot sa bawat butas ng bahay. Naisipan kong
bumangon na para umuwi. Iniisip ko nab aka ayaw nya na akong makita pag-gising
nya. Ewan, hindi ko alam, parang nagtatampo ako sa kanya. Minabuti ko na lang
na sundin sya kesa naman lumaki pa ang sama ng loob nya saken ‘KUNG MERON MAN’.
Nang akmang babangon na ako ay bigla na lamang tinawag ni Jiban ang pangalan
ko.
“Win.” Tawag nya sakin at bigla na
lamang akong napahinto.
“hmm?” ako.
“Wag kang makakalimot ah.
Mag-iingat ka palage.” Sabi nya
“Oo.” Maigsi kong sagot.
Nag-asikaso na ako para umalis.
Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko kasi sa tinuran nya kanina ay mukha
namang walang masamang tinapay sa pagitan naming dalawa. Ngayon ko lang rin
naisip na baka nag-aalala lang sya sa kalagayan ko.
Kinuha ko ang damit na suot ko
noong mapadpad ako dito. Malinis na ito at hindi naman nagbago ng kulay dahil
hindi ko naman na ito naisuot mula noong malabhan ko. Puro damit na ni Jiban
ang pinapasuot nya saken para daw hindi maluma yung damit ko dahil mukha daw
maganda at mamahalin. Yun lang ang akala nya. Nang matapos na akong mag-ayos ay
ibinulsa ko na ang pera at magpapaalam na. Una akong nagpaalam kay nanay Darna.
Ang matandang kahit na may kakulangan ay nagsilbi pa ring ina ko sa mahabang
panahon. Napamahal na sya saken at tinanggap ko na lahat sa kanya. Nang
makapasok ako sa silid ay nakita ko syang nakatulala lamang sa isang sulok.
Sanay na ako kaya hindi na ako natatakot.
“Nay, aalis na po ako. Wag kayong
masyadong makulit kay kuya. Magpakabait po kayo ah. Mahal na mahal ko po
kayo.”sabi ko.
Hindi na ako umasa ng sagot mula sa
kanya dahil alam ko namang hindi nya ako sasagutin. Hinaplos ko na lamang ang
buhok nya at humalik ako sa noo nya. Hanggang sa makalabas ako ay nakatulala
lang sya. Kahit papaano ay umasa ako na may mararamdaman syang lungkot sap
ag-alis ko, ang kaso wala talaga kaya naman lumabas na ako. Sumunod kong
pinagpaalaman ay si Jiban. Walang masyadong drama, nakakailang naman. Pero isa
pa sa kina-iilangan ko ay yung nangyari samen kagabi. Bigla nya na lang ginawa
‘yon mula sa kawalan. Ang hirap kasi talagang intindihin ng adik eh.
“Ban, alis nako. Ingat sa lipad ah,
wag kang papahuli.” Sabi ko sabay ngiti kahit hindi sya nakatingin.
“Mas malinaw ang kinabukasan mo
kesa saken. Ako, kahit siguro pag-aralin, hindi na ako mag-aaral. Nakakatamad
at sigurado akong walang papasok sa utak ko. Kaya pinapauwi na kita para
maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Wala kang mapapala dito . Wag mo na lang
pansinin yung tatay mo. Nabigla lang siguro yun kaya ka nya nasaktan.” Sabi nya
na pinakinggan ko namang mabuti. Sa tagal kasi naming magkasama eh, ngayon ko
lang sya naringgan ng mga salitang may kabuluhan.
Papalabas na ako ng pinto nang muli
nya akong tawagin.
“Win, ayos lang maging bakla.” Sabi
nya, na sya namang nagpangiti saken. Tuluyan na akong lumabas at hindi na
lumingon pang muli. Diretso lang ang lakad, pero ipinangako ko sa sarili kong
babalik ako dito, kahit anong mangyari.
Halos tanghalian na rin nang
makarating ako sa lugar namen. Kinakabahan. Hindi ko alam kung anong magiging
reaksyon nila sa pagdating ko. Halos limang buwan din akong nawala. At sa
panahong iyon ay may ilang pagbabago din ang nangyari saken. Mga pagbabagong
nakaragdag sa kaalaman ko sa aspetong masama at mabuti. Hindi ko man maisa-isa
ang mga pagbabagong iyon ay iisa lang ang sigurado ako, naging masaya ako.
Kakaibang ligaya ang naramdaman ko habang nandun ako.
Sa paglalakad ko ay hindi ko na
halos namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bigla na lamang akong
naluha nung makita ko yung bahay. Walang pinagbago. Para syang isang pugad na
tahimik lamang na naghihintay sa pagbabalik ko. Pero. Pero hindi ko alam kung
hinihintay ba ako ng mga taong nasa loob. Nagdadalawang isip man ako sa
pagpasok ay tuloy tuloy lang ang paglakad ng aking mga paa patungo sa gate.
Hihinto pa sana ako, nang bigla na lamang.
“Ma! Ma! Si kuya andito na.” sigaw
ng aking kapatid na nasa pinto pala. At bigla na lamang lumabas din mula sa
pinto si mama.
“Aldwin! Anak!” Napatakbo si mama
sa kalawangin naming gate at agad nya itong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas
pa lamang ng gate ay agad na itong lumapit sa akin para ako’y akapin. Galit ako
noon. Pero sa totoo lang… Sa totoo lang matagal kong hinanap hanap si mama.
“Ma!”
buong puso kong banggit sa kanya na may matinding pananabik sabay yakap ko rin
sa kanya.
“Anak,
ano bang nangyari sayo? Halika pumasok na tayo.” Sabi ni mama.
Pagdating
sa loob ay agad kaming umupo ni mama. Si Alden na hindi ko inaasahang mamimiss
ako ay bigla na lamang nakita kong lumuluha habang nakatingin saken.
“Kuya.”
Sabi nya. At pinalapit ko sya saken, tumayo ako at niyakap ko sya. Yumakap din
sya saken ng mahigpit. Pagkatapos nun ay muli akong umupo para makausap si
mama.
“Ma,
sorry po. Galit na galit po kasi ako noon eh. Hindi ko po sinasadya.” Sabi ko,
gusto ko nang mapahagulgol sa sobrang pagsisisi sa nagawa kong paglalayas.
“Kalimutan
na naten yun nak, ang mahalga nandito ka na. Mabuti’t walang nangyaring masama
sayo.” Si mama. Napayakap na lamang ulit sa kanya dahil hindi ko sya msagot
tungkol sa bagay na ‘yun. Hindi ko alam kung nakabuti ba o nakasama saken ang
mga karanasan ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko sa kanya. Mula ngayon ay
gagawin ko ang lahat para maging mabuting anak, sa kabila ng kasarian kong
kinukondena ng lipunan.
Ipinaghanda
ako ni mama ng masarap na pagkain at masaya kaming nagsalo salong tatlo sa
hapagkainan. Nasa trabaho pa kasi si papa at mamayang gabi pa ang uwi nya.
Medyo nag-aalala ako sa magiging reaksyon nya sa pagbabalik ko. Baka masaktan
na naman nya ako eh. Pagkatapos naming kumain ay halos buong maghapon lang
kaming nagkwentuhan ni mama at Alden. Marami akong naikwento sa kanila pero mas
marami ang mga itinago ko na lamang sa aking sarili. Pihadong hindi nila
magugustuhan ang mga naging karanasan ko kaya naman mas mabuting manahimik na
lang ako.
Sumapit
na ang gabi. Hinihintay na naming ang pag-uwi ni papa. Nakakaramdam ako ng
matinding kaba. Napaka istrikto nya kasi. Hindi pa man nya ako nasasaktan noon
ay malaki na talaga ang takot ko sa kanya. Larawan sya ng isang mapagkalingang
ama para sa lahat. Pero para saken, mas mukha syang warden sa selda. Ewan,
kahit nga si Alden takot sa kanya eh. Pabilis na nng pabilis ang pag pintig ng
dibdib ko. Hanggang sa narinig na nga namen ang gate at napatayo na lamang ako
ng tuwid dahil sigurado kaming sya na yon. Bumukas na ang pinto at halos
silaban na ako sa sobrang init ng tenga dahil sa kaba. Andyan na sya. Bahala
na.
Nang
makapasok si papa sa loob ng bahay ay napahinto sya nang makita nya ako.
Tinitigan nya akong mabuti at tsaka sya tumuloy sa pagpasok. Kinakabahan man
ako ay wala na akong magagawa. Nandito na ‘to. Haharapin ko na lamang ang
parusang ibibigay nya sa kalapastanganang nagawa ko. Unti unti syang lumapit
saken. Pinagmamasdan ko ang kamao nyang nakakuyom na tila handa nang manuntok
ano mang oras. Iniangat nya ang nakakuyom nyang kamao, susuntukin nya na ako
pero handa na ako. Nang bigla na lamang tumulo ang luha ko nang yakapi nya ako
ng napakahigpit.
“Patawarin
mo ako sa nagawa ko sa ‘yo hindi naman yun sinasadya ni papa. Nabigla lang ako,
hindi ko kasi matanggap nung una eh. Akala ko nagkulang ako bilang ama sa ‘yo,
hindi ko lubos maisip kung bakit ka magkakaganyan. Pinalaki naman kita ng
matino eh. Pinalaki kita ng matuwid. Ayokong tanggapin noon na bakla ang anak
ko, kasi ayokong matulad ka sa mga nakikita ko dyan sa lansangan. Ang mga
katulad mo ay tampulan ng tukso, ayokong mapagtripan ka ng mga kalalakihan na
ang tingin sa mga bakla ay salot. Prinotektahan ko kayo at puprotektahan ko
kayo kahit anong mangyari. Sa oras na may makita akong gumagago sa kahit sino
sa inyo anak, makakapatay ako dahil ganun ko kayo kamahal. Patawarin mo ako
kung hindi kita natanggap kaagad ah. Kasi anak, nagpapaka kuba ako sa pagtatrabaho
para magkaroon kayo ng maayos na buhay. Hindi ko mapapayagang maapi kayo, kaya
sana ayokong ganyan ka. Pero andyan na eh. Ganyan ka na kaya wala akong
magagawa kundi ang tanggapin ka. Sana nauunawaan moa ng nararamdaman ko bilang
ama. Mahirap din yun para saken. Pero ngayon, sana kahit ganyan ka, sikapin mo
pa ring maging mabuting ehemplo, wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan
mo baling araw. Magtutulungan tayo, at kahit san ka pa makarating susuportahan
ka naming pamilya mo. Bubugbugin ko kung sinuman ang manloloko sayo anak,
tandaan mo yan.” Sabi ni papa, hindi na ako nakapagsalita dahil panay na ang
hagulgol ko. Nakakataba ng puso. Nakaka-aliwalas ng pakiramdam. Tanggap nya na
ako at ganun din si mama. Abot langit ang pasasalamat ko.
Hindi
na ako nakabalik sa pag-aaral. Ibinagsak na kasi ako ng prof ko dahil sa ilang
buwang pagliban ko sa klase. Naintindihan naman ni mama at papa ang sitwasyon
kaya naman sa susunod na taon na lang raw ako mag-aral ulit. Naging masaya
naman ang pagbabalik ko. Mas naging malapit ako sa mga magulang ko ngayon. Sa
dami kasi ng nangyari saken ay mas naappreciate ko ang mga bagay bagay na meron
kami. Ang pagkain, tirahan, edukasyon at higit sa lahat ang buong pamilya.
Marami may wasak na tahanan, kundi namatay eh iniwan. Maswerte ako,
napakaswerte ko dahil hindi kami natulad sa kanila. Ngayon ko lang nauunawaan
ang mga biyayang galing sa Diyos na hindi kayang sukatin ng mababaw nap
ag-iisip. Maraming bagay Siyang ibinibigay saten na hindi naten napapansin
dahil nakakasanayan na nating nandyan lang. Parang pagkain, nakakaumay na pag
palagi mong kinakain. Hindi nagsasawa ang Diyos na ibigay ang lahat ng
pangangailangan mo. Sana hindi mo makalimutang magpasalamat, wag kang magsawang
magpasalamat. Tumanaw ka naman ng utang na loob.
Isang
araw matapos ang dalawang lingo, noong makabalik muli ako ditto sa bahay ay
naisipan kong dumalaw sa Moriones. Kukumustahin ko sina nanay Darna, yung mga
naging kaibigan ko doon at syempre si Jiban. Nagpaalam ako kila mama at papa, hindi
naman ako nahirapan dahil alam naman nilang yung pamilya ni Jiban ang tinirhan
ko. Wala nga lang silang alam tungkol kay Jiban na kahit ano. Syempre
mag-iingat daw ako.
Nang
makarating ako sa bahay nila Jiban ay si nanay Darna lang ang inabutan ko.
“Kuya!
Kuya!” sabi ni nanay. Medyo, nababanaag ko ang emosyon sa kanya dahil may patak
ng luha sa mga mata nya.
“Bakit
nay, anong nangyare?” tanong ko pero hindi sya sumagot. Nagpasya akong puntahan
ang mga kaibigan ni Jiban na sina Captain Barbell at Jano. Tatanungin ko kung
nasaan si Jiban. At nang makarating na ako sa kanila…
“Jano,
asan si Jiban?” tanong ko. Lumapit naman ito saken at nagsalita ng pabulong.
“Ayon
nagtatago. Nangrape si gago, lakas kasi ng tama nung nakaraan eh, sabog na
sabog.” Bulong ni Jano saken. Nagulat ako sa sinabi ni Jano.
“Saan
sya nagtatago at tsaka sinong nirape nya.” Tanong ko ulit sabay aktong
babatukan ako.
“Tangina
mo wag kang maingay. Walang nakakaalam dito. Kaming dalawa lang ni Cap ang
pinagsabihan nya. Pinaghahanap sya ngayon ng mga pulis. Matindi ang nadale,
yung menor de edad na anak ni kagawad, napatay pa nya.” Nanlaki ng husto ang
mata ko nung marinig ko ang mga sinabi ni Jano. Pagkatapos namen mag-usap ay
bumalik ako sa bahay nila Jiban. Hinang hina ako sa mga narinig ko. Nag-uumpisa
nang tumulo ang mga luha ko, masakit sa loob. Sobrang sakit. Para akong
mababaliw sa kasalanang nagawa ni Jiban. Alam kaya nya ang parusang naghihintay
sa kanya?
Inabot
na ako ng gabi kila nanay Darna. Magpapaliwanang na lang ako kila mama pag-uwi
ko. Ang mahalaga ay makausap ko si Jiban. Isa pa hindi ko rin maiwang nag-iisa
si nanay Darna eh. Hindi ko na alam kung anong oras na. Malalim na ang gabi at
nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan. Napakagandang pagmasdan pero hindi
ito nakakapagpasaya saken sa pagkakataong ito. Hinihintay ko si Jiban. Alam ko
kung gaano nya kamahal si nanay Darna kaya nakasisiguro akong pupunta sya dito
para kumustahin ang lagay ng kanyang ina. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang
sandali lang ay naaninag ko na sya mula sa dilim. Kahit hindi ko nakikita ang
kabuuang itsura nya. Sa kilos at pagtayo pa lang ay alam ko nang sya yun. Dahan
dahan syang kumikilos papalapit saken.
“Anong
ginagawa mo rito?” tanong nya.
“Dinadalaw
ko kayo.” Sabi ko.
“Hindi
ka na dapat bumalik. Tarantado ka, mapapahamak ka lang dito eh.” Bulong nya na
may diin ang pagsasalita.
“Ano
bang nangyare kasi, ipaliwanag mo ‘to.” Pag-aalala ko.
“Wala
akong dapat ipaliwanag sayo. Bakit syota ba kita?” sabay pasok nya sa loob ng
bahay. Nanlamig ako sa sinabi nyang iyon. Ang totoo nyan, umasa ako na ganun na
nga ang lagay namen matapos ang nangyari samen. Pero wala lang pala sa kanya
yun. Gusto kong magalit pero, hindi ko iyon paiiralin ngayon. Dahil may mga bagay pang mas dapat unahin
kesa sa pag-ibig. Sumunod na lamang ako sa loob upang kahit papaano ay makausap
pa rin sya.
“Umalis
ka na dito, kaya ko na ‘to.” Sabi ni Jiban.
“Hindi,
hindi kita iiwan dito, lalo na sa ganitong sitwasyon. Alam kong kailangan mo
ako.” Sabi ko.
“Win,
hindi kita kailangan. Tangina naman eh, umalis ka na kasi. Tangina mo bubutasan
kita pag hindi ka pa umalis.” Pagbabanta nya. Pero hindi ako nagpatinag sa
kanya.
“Alam
ko, kailangan mo ako kaya dito lang ako.” Sabi ko.
“Bobo
ang puta. Ahy! Naku ka!” gigil na gigil nyang sambit habang inaambahan ako ng
patalim na hawak nya. Sabog pa ata ‘to eh. “Tara, tulungan mo akong ilabas si
nanay. Isasama ko sya sa pagtatago ko.hindi ko sya pwedeng iwan dito.” Dugtong
nya.
“Saan
kayo pupunta?” tanong ko.
“Bahala
na, kahit saan basta ligtas si nanay.” Ramdam ko na mas inaalala nya talaga si
nanay kesa sa sarili nya. “Win, salamat ah. Nakakita ako ng liwanag nung
dumating ka sa buhay namen ni nanay. Kaso hindi talaga maganda ang droga sa
katawan at isip eh. Palaging may demonyong bumubulong saken na gawin ito gawin
yan. Masama man o mabuti, walang pinipili. Pero alam mo, pinilit kong maging
matino nung umuwi ka. Pero hindi kaya eh, ilang linggo pa lang balik na naman
ako sa dating gawi eh. Mas lalo pang napasama. Kasi… kasi… hinanap kita eh.
Namiss kita, kaya . . .” bigla na lamang syang naging emosyonal at bigla na
lamang itong naputol nang biglang may kumatok sa pintuan ng napakalakas.
“JIBAN!
JIBAN! LUMABAS KA DYAN!” sigaw ng isang lalake at naksisiguro akong si kagawad
yun. Ddahil ilang beses ko na sya nakita at alam na alam ko ang garalgal nyang
boses. Sabay sipa sa pintuang nakaharang sa kanyang daraanan. May mga kasama
syang pulis. Isa pa sa ikinagulat namen bitbit rin nila sina Captain Barbell at
Jano.
“Jiban,
patawarin mo kami. Ikaw ba naman ang matutukan ng tingga eh.” Sabi ni Cap.
Biglang nagulumihanan si nanay Darna.
“WAAAAAHHHH!
PULIS! PULIS! PULIS! WAAAHHH!” sigaw ni nanay.
“Puro
pala kayo may sayad eh!” Sabi ni kagawad.
“PUTANGINA
MO! WAG MONG BINABASTOS NANAY KO!” Sigaw din ni Jiban sabay yakap ng mahigpit
kay nanay. Alam kong kahit nagtatapang tapangan si Jiban ay labis labis ang
takot nito lkaya naman niyakap ko silang pareho ni nanay Darna.
“Hulihin
nyo na yang putang inang yan nang masilya elektrika na yang hayop na yan.” Sabi ni kagawad na lalong nagdala ng takot sa
amin. Hindi ako papaya kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa
kanilang dalawa. Patayin muna nila ako bago nila makuha si Jiban.
“WAAAHHHH!
WAAAAHHh! PULIS! PULIS! PULIS!” Muli na namang pagsigaw ni nanay. Papalapit na
ang mga pulis sa amin at lalong nagwala si nanay. Hanggang sa kumalas sya sa
pagkakayakap namen ni Jiban at pumasok sa kwarto. Hinabol namin sya ni Jiban
pero hinablot na ng mga pulis si Jiban. Nagpumiglas sya.
“Sandali
yung nanay ko! Sandali lang naman, yung nanay ko walang kasama.”pahagulgol nya
nang pananalita. “Nay… Papano yung nanay ko?” muli naming narinig ang sigaw ni
nanay sa loob. Muling nagpumiglas si Jiban para puntahan si nanay. Nakawala ito
sa pagkakakapit ng mga pulis at tumuloy sya sa kinaroroonan ni nanay. Papasok
na rin sana ako ng silid ng bigla na lamang narinig namen ang malakas na putok
ng baril. At nakita ko ang paghandusay ni Jiban sa sahig.
“JIBAN!”
sigaw ko at tuloy tuloy na umagos ang luha ko. Agad akong lumapit sa
nakahandusay na katawan ni Jiban at tsaka ko iyon niyakap ng sobrang higpit.
Halik dito, halik doon. Habang sinasambit ko na “Jiban gising! Jiban!” unti
unti ay ikinilos nya ang kanyang ulo at tumitig sa akin. Hinaplos nya ang mukha
ko tsaka sya ngumiti at doon na sya binawian ng buhay.
Walang
nagsasalita. Walang ni isa mang kumikilos. Walang may alam. Walang nakakaunawa
ng nangyari. Bigla na lamang parang sumandaling nagbalik ang katinuan ni nanay
Darna.
“Mahal
ko ang anak ko. Kaya hindi ako papayag na mahirapan sya sa kamay ng ibang tao.
Ang mga bisig ko ang dumuyan sa kanya, kaya anong karapatan nyong kitlin ang
buhay ng anak ko?! Walang sinuman ang may karapatan, kahit ako wala rin. Ako ang
may kasalanan. Handa akong pagdusahan ang kasalanang nagawa ko sa anak ko.
Bilang ina nya, pakakawalan ko sya sa malupit na mundong ito. Malaya na sya.
Malaya na sya! MALAYA NA SYA! HAHAHAHAHAHA.. MALAYA NA SYA! HAHAHAHAHA” at muli
syang nagbalik sa kanyang kawalan.
Pinadala
sa mental hospital si nanay Darna, ang gibyerno mismo ang nagmungkahi noon para
sa kanya. Si Jiban ay ipinalibing ng pamilya ko, bilang pagpupugay at pagtanaw
ng utang na loob sa mga nagawa nya para saken. Si Cap at Jano naman ay ipinarehab
at unti unti na tumitino. Wala na akong iba pang naging balita sa kanila. At sa
Moriones.
Walang
nakakaunawa kung ano ang ibig sabihin ni nanay Darna sa pagmamahal na ipinakita
nya sa kanyang anak. Pero ako, kasing liwanag pa ng sikat ng araw ang
pagkaunawa ko sa kadakilaan nya bilang isang ina. Nakakalungkot man ang sinapit
nilang mag-anak ay palagi ko namang matatandaan na minsan sa buhay ko ay
nakilala ko sila. Marumi, madungis, masama at karumal dumal para sa paningin ng
iba. Pero para sa akin, isa itong biyayang galing sa langit. Ang pangyayaring
iyon ng aking buhay ang syang nagmulat sa akin sa mas malawak na mundo. At yun
din ang sumagot sa lahat ng nakabinbing katanungan sa isipan kong magulo. Ang
pagmamahal ng magulang ay hindi mo kayang sukatin. Walang hangganan at kalian
may hindi magmamaliw.
Kwarentay
dos anyos na ako ngayon. May matatag na hanap buhay. Wala pa ring asawa. Pero
masaya akong inaalagaan ang nanay at tatay ko. Na stroke kasi si tatay. Noon
hindi ko alam kung kelan ko masusuklian ang pag-aaruga nila saken. Ngayon ay
masaya ko nang ginagawa ang isa sa mga pangarap ko. Ang maalagaan sila hanggang
sa huling sandali nila dito sa mundo. Ako naman ngayon. Nanamnamin na lang nila
ang sarap ng buhay na ibibigay ko sa kanila.
Magbabagong
taon na, uuwi si Alden at ang pamilya nya. May dalawa na syang makukulit na
chikiting. Paminsan minsan ay naiinggit ako sa kanya pero sa tuwing tatawagin
akong papu ng mga pamangkin ko ay nararamdaman ko na rin ang magkaroon ng anak.
May balak ako, soon. Basta. Kahit ano pang mangyari, isa lang masasabi ko.
Masaya ako, sa lahat ng bagay na ibinigay sa akin ng Poong Maykapal.
Wakas

James.... galing mo talagang magsulat.
TumugonBurahin- fan mo from cebu
espren...... bakit espren..... sabi na nga ba ipapasok mo na naman ako sa mundong di ko agad matatakasan eh......... espren naman eh bakit ganto ang buhay super nashock ako sa nangyari WALA NA SI JIBAN!!!! nalulungkot ako si nanay darna nakita ko dnng dinampot ng mga taga mental........ at ngayon kita ko ang puntod ni jiban nalulungkot ako at kasabay nun masaya din ako para kay win......
TumugonBurahinnakakabaliw na naman to......