Miyerkules, Disyembre 31, 2014

Amazing Grace

James Silver

Fiction

1992
Ako si Aldwin, dalawampung taong gulang. Kung tatanungin mo ang itsura ko eh, sakto lang. May ilong, mata, bibig at tenga. Nabiyayaan din naman ako ng kumpletong bahagi ng isang normal na katawan. Pero kung ang hinahanap mo eh yung mukhang artista, aba eh bakit hindi ka pumunta sa ABS CBN o GMA, marami sila dun mamili ka pa. Ang sabi ko nga sakto lang, yung tipong hindi mo ako mapapansin pag inilagay mo ako sa gitna ng mga naga-gwapuhang lalake. Baka isipin mo pa na longkatuts ako o boy. Walang espesyal saken. Hindi ako kasing galing ni Einstein. Hindi ako kasing lakas ni Superman. Hindi ako kasing bait ng isang santo, pero hindi rin ako kasing sama ng isang demonyo. Ang buong pagkatao ko pisikal, mental at emosyonal ay ang perpektong pakahulugan ng salitang ‘NORMAL’. Wala akong masyadong drama sa buhay. Pero ang araw na ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Pasok sa telenobela ‘to. Ikaw ba naman ang magulpi eh ewan ko lang kung hindi ka magdrama.

“Magulang?” Medyo kakatwa ang tagalog ng salitang ‘parent’ kasi kung bibigyan ng ibang pakahulugan ang tagalog nito ay ‘madaya’ ang kalalabasan. Kaya ama’t ina na lang. Hanggang saan nga ba ang kayang saklawan ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak. Dalawampung taon na akong nabubuhay pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang sukatin. Pagkaminsan ay sa tignin ko, natatalo ito ng pagmamahal sa isang kasintahan. Yun lang naman kasi ang uri ng pagmamahal na exclusive para sa isang tao eh. Maraming mahal ang Diyos. Hati ang pagmamahal ng mga magulang ko sa aming dalawang magkapatid. Kaibigan? Marami din yang mahal at kung minsan pa nga ay hindi totoo ang pagmamahal na kayang ibigay ng isang kaibigan. Ang pagmamahal lamang ng kasintahan ang walang kaagaw. Yun eh kung totoo, pero kung mamalasin ka, malamang may kabit yang isa, dalawa, tatlo at ang pinakamalala eh, yung kaibigang kinakausap mo, kasali rin pala sa club. Lintek diba?

Miyerkules, Disyembre 10, 2014

Trapped

James Silver

Fiction

Dalawang taon na rin ang lumipas simula nung iwan kami ng mga magulang namin sa mundong ito. Sabay silang namatay sa aksidente na ayaw ko nang alalahanin pa. Hanggang ngayon parang natutuliro pa rin ako sa tuwing maiisip ko ang masalimuot na sinapit nila. Pero ngayon ay ayos na ako, iniisip ko na lang na masaya na sila kung saan man sila naroroon. Ang kailangan ko na lang gawin ay magpatuloy sa buhay kasama ng aking dalawa pang nakatatandang kapatid.

Si ate Belle ang panganay namin 25 na sya at nagtatrabaho sya bilang supervisor sa isang department store. Ang pangalawa naman ay si kuya JP, 23 at sa isang call centre naman sya naghahanap buhay. Ako ang bunso, Lance ang pangalan ko pero “tart” ang tawag sakin ni ate at kuya dahil sweet daw ako nung bata ako. Ganun din dati ang tawag sakin nila mama at papa. 19 na ako, turning 20 this December. Nag-aaral ako ng kolehiyo sa isang unibersidad dito sa Quezon City.

Simple lang ang pamumuhay namin. Nakakabili kami ng mga pangangailangan namin at kung minsan kinakapos pa rin. Sa amin naman kasing tatlo, ako lang naman ang nabuhay sa luho eh, spoiled kasi ako sa ate at kuya ko hanggang ngayon. Kung ano hingiin ko, ibinibigay nila, pero minsan nasesermonan ako ni ate pagka medyo napasobra ang hingi ko, tapos ngingitian ko lang sya at yayakapin. Si kuya? Wala lang, kahit ano hingiin ko sa kanya hindi sya nagrereklamo pero minsan nagagalit din sya pag nalaman nyang ginabi ako ng uwi.

Sabado ng umaga, tanghali na ako nagising wala namang pasok kaya hindi pa sana ako babangon. Pero biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni kuya.

“Tart, bumangon ka na dyan at kumain ka na dito. Bilisan mong bumaba, papasok na ako.”  Sigaw ni ate sa akin.

“Oo ‘te, liligpitin ko lang ‘tong hinigaan ko.” Sagot ko.

Parang ambigat ng katawan ko nung bumangon ako. At paglinga ko sa paligid ay nandoon na pala si kuya sa kama nya. Mahimbing na natutulog. Nakaboxer shorts lang sya at wala syang pangitaas. Bumaba ako ng kama at lumapit ako sa kinaroroonan nya.

“Angwapo talaga ng kuya ko, Hmm! Kung hindi lang kita kuya malamang ginahasa na kita kanina pa.” sabi ko sa isip ko habang gumagapang ang tingin ko mula sa mukha nya pababa sa malapad nyang dibdib sa abs at syempre sa umbok nya na matagal ko nang inaasam na makita at mahawakan. Napangiti ako sa mga iniisip ko dahil parang napakaaga pa para maglaway ako sa kuya ko. “Psst! Masama yang iniisip mo, magkapatid kayo.”sabi ng konsensya ko.

Mga ilang minuto na rin pala akong nakatitig sa kanya ng bigla na namang sumigaw si ate na naging dahilan para maalimpungatan si kuya. Ako naman ay nagulat at bigla akong napatalon muli sa kama ko.

“Tart! Ano ba! Sinabing papasok na ‘ko eh, bahala ka hindi kita bibigyan ng allowance mo, sige ka.” Sabi ni ate.

Pupungas pungas si kuya nang imulat nya ang mga mata nya. Na parang medyo napasimangot dahil sa sigaw ni ate.

“Ano ba yan si ate, tsk! Aga aga, sigaw ng sigaw. Bumaba ka na kasi dun tart, alam mo namang hindi ka titigilan nyan eh. Hindi tuloy ako makatulog ng maayos dahil sa inyo.” Reklamo ni kuya habang nakakunot pa ang noo.

Miyerkules, Disyembre 3, 2014

Andromeda... A Warrior's Tale

James Silver

Fiction

(Your home is in my heart – Boyz II men) Makinig na lang ng music para makakapit pa rin sa mga makatotohanang bagay. Dahil pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ang utak ko. Problema, grabe, sige pa! Ulanin mo pa ako.

Nagkaron ka na ba ng matinding problema na para bang sinakluban ka na ng langit at lupa? Ako? Oo. Parang naging routine ko na nga na araw araw pagkagising ko ay mumurahin ko ang buhay dahil nagising pa ako. Ayaw kong maghanap ng sisisihin kung bakit nararanasan ko ang mga bagay na ‘to kaya naman lahat ng sama ng loob ko ay kinikimkim ko na lang. Hindi naman kasi ako pupwedeng magwala o di naman kaya ay magpakamatay. Dahil kung gagawin ko iyon ay siguradong kawawa lang ang mga maiiwan ko. Kaya tiis lang, puta! Wala akong magagawa, unfair talaga ang mundo para saken eh. Tama ba namang sabay sabayin? Nagbugbugan ang mga magulang ko. Pinalayas ng nanay ko ang tatay ko. Naputulan kami ng kuryente. Putol din ang tubig. Mae-elite na ang bahay namin. Manganganak pa ang kapatid ko. May maintenance pa ng gamot ang tatay ko. ANO?! PUTA! MERON PA BA?! Ito lang ang magagawa ko, kumilos at sumigaw sa likod ng utak ko. Hindi ako pwedeng magreklamo. Hindi ko pupwedeng indahin ang hirap. Kailangan kong maging matibay para sa mga umaasa saken. KAYA KO ‘TO. KAYA! WAAAAHHHH! Kailangan ko talagang ilabas lahat ng nasa loob ko dahil pakiramdam ko ay anumang oras mababaliw na talaga ako.

Fortress

James Silver

Fiction

“Napapadalas yata ang balita tungkol sa mga politikong pinapatay ah.” Sabi ko kay Anabelle, kasama ko sa trabaho.

“Hmp! Buti nga sa mga magnanakaw na yan. Wala naman silang nagawang matino eh.” Sagot naman nya saken.

“Angsama mo naman mga tao rin kaya yang mga yan. Kahit na ano pang ginawa nila, hindi naman siguro nila deserve yung ganyang karumaldumal na pangyayari sa buhay nila. Ayos nang makulong na lang sila, bakit kailangang patayin pa?! At tsaka baka may nagagawa rin silang maganda hindi lang natin nakikita, dahil puro mali lang yung hinahanap natin sa kanila.” Sabe ko.

“Haynaku ka. Hanggang ngayon may mga tao pa palang utu-utong kagaya mo. Tignan mo nga! Puro pagnanakaw lang ang mababalitaan mo sa kanila ngayon. At kung sakaling may gagawin silang maganda. Ipapalabas nila yun sa t.v. at ipapamukha nila sayong utang na loob mo sa kanila yung magandang bagay na ginawa nila. Kaya nga atat na atat na akong mag-abroad eh. Wala na kasing future dito sa Pilipinas.” Si Anabelle.

Yakap ng Langit

James Silver

Fiction

Chapter 1


James’s POV
Alas- tres na ng hapon ay nandito pa rin kami ni Raffy sa kalye. Patuloy na naghahanap ng mga basurang pwede pa pakinabangan katulad ng papel,plastic,bote,bakal, at kung ano-ano pang maaaring ibenta. Ito na ang kinamulatan naming trabaho, sa mga kagaya naming salat sa buhay ay wala rin naman kaming pagpipilian. Walang maayos na trabaho ang aming mga magulang kaya hindi na nila kami nabigyan ng tamang edukasyon. Kung may naiipon mang pera ay igugugol na lamang iyon sa aming pagkain sa araw-araw. Pero hindi katulad ng iba, hindi ako nagtatampo sa buhay dahil sa batang edad ko ay naiintindihan ko na, na may mga taong pinalad sa buhay at may mga taong nakatakdang maghirap. Pero naniniwala ako na lahat tayo ay may pagkakataong magtagumpay. Kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa , umaasa pa rin ako na balang araw ay makakaahon rin kami sa kahirapan. Kaya imbes na ituon ko ang isipan ko kung kanino at magtanong kung bakit ganito ang aming buhay, ay inaaliw ko na lamang ang aking sarili sa paghahanap-buhay. Dahil sa ganitong paraan makakaipon ako ng pera, may mauumpisahan ako.

In These Eyes


James Silver

Fiction

6 pm na! Malelate na ako sa trabaho. Ahy! Nakakainis talaga pag halos hindi ka na nakatulog dahil sa pangungulit ng batang to tsk! Wala namang choice kundi makipaglaro na lang kesa naman uminit pa ang ulo ko, dahil sa kakayugyog nya sakin habang sinusubukan kong magpahinga.

Ako nga pala si Adrian Tolentino. 25 years old. 5’8”. Chinito, matangos ang ilong, moreno. Kung sa tingin mo napaka gwapo ‘ko eh, ewan, wala naman kasi akong pakialam eh. Maraming umaaligid saking mga babae at bading pero hindi ko sila nabibigyang pansin. Subsob kasi ako sa trabaho para buhayin ang 5 years old kong anak na si Xander. Single dad ako. Namatay ang asawa ko nung ipinanganak nya ang anak namin. Nung mamatay sya ay hindi na ako naghanap pa ng iba. Ibinuhos ko na lamang ang lahat ng atensyon ko sa pagtataguyod ng nag-iisa kong anak. Wala nang iba pang mas mahalaga sa akin. Mahirap maiwan mag-isa kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit. Nakakatakot na eh.

Love Is... Imperfect

James Silver

Fiction

Name: Patricia "Patrick" Zabala Danugrao
Age: 27
Award: Kinoronahan bilang reyna ng katangahan
Power: Magiging tanga ka rin pag sumang-ayon ka sa desisyon nya

Name: Mildred "Dred" Rondina Bautista
Age: 27
Award: Pinarangalan bilang outstanding kabet of the year
Power: Kalandiang wagas

(At syempre ako.)
Name: Jhonrick "Jon" Silvestre Gumabay
Age: 27
Award: Ahh Nga-nga "Waler"
Power: Magpapakamatay ka pag narinig mo ang talambuhay ko na sobrang boring

Just Because... I Do

James Silver

Fiction

Tik! Tak! Tik! Tak! Rinig na rinig ko ang tunog ng orasan sa sobrang katahimikan. Hindi na kasi ako makatulog nang magising ako mula sa isang masamang panaginip. Palagi na lang ganito ang nangyayari kaya madalas akong puyat. Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik ang panaginip na iyon. Naguguluhan ang isip ko sa tuwing mangyayari ito. Maya maya pa ay narinig ko na ang tilaok ng mga manok sa labas. Kailangan ko nang tumayo at maghanda sa pagpasok ko sa bago kong trabaho.

Paglabas ko ay nakita ko na naman yung isang lalake na madalas na nakatambay sa harap ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit sya palaging nakatingin sa akin. Hindi naman sya mukhang magnanakaw. Maayos naman sya magdamit at mukhang may pinag-aralan. Natatakot lang ako dahil hindi ko sya kilala. Tok! Tok! Tok! Nang katukin nya ang gate namin. Lumingon ako at tiningnan ko sya ng masama. Bigla naman syang naglakad papalayo. Isa pa yang pagkatok nya sa gate namin. Lagi nya yang ginagawa sa tuwing lalabas ako. Gusto ko na nga sya ipabarangay eh, pero wala naman syang ginagawang masama sa akin. Ganun lang sya.

"Magandang umaga sir Ian!" bati sa akin ng isang Janitress na kahit hindi ko kilala ay palagi akong binabati. Ngingitian ko na lang sya at binabati din ng "good morning".

"Sir kailangan daw po ng quotation ng supervisor ng G.A. para daw maaprove yung request nila. Pakifax na lang daw before 10 a.m." sabi ni Mariz na kasamahan ko rin sa trabaho.

Sino si Jocelyn Raymundo?

One of the truths about James Silver

Jocelyn Raymundo: Pinakamatalinong teacher na nakilala ko sa tanang buhay ko. Sya ang dahilan kung bakit ako nagsusulat ngayon.

May pagkapasaway akong estudyante noon. Ilang beses na rin ako muntikang ma-kick out dahil sa mga gulong pinasok ko. Palagi akong nagka-cutting at palagi akong tulog sa klase. May makatotohanang dahilan naman ako kung bakit ko yun ginagawa. Pero sa tuwing patatalsikin na ako sa school, palagi nya akong pinagtatanggol. Sinusuportahan nya ako sa lahat. At isa sa pinakasuportado nya saken ay ang pagsusulat. Palagi nyang ginagawang halimbawa ang mga gawa ko.

Isang araw, naisipan nyang ilaban sa school competition ang isang akda ko, na pinamagatang"Wasalak". Nakasali kami, pero kami ang may pinakamababang score. Hindi ako umiyak nung natalo ako kasi wala naman talaga akong tiwalang mananalo kami. Talo. Pero hindi ko napigilan yung luha ko nung nakita ko syang iyak ng iyak nang dahil lang sa natalo ako. Hindi ko alam nun kung bakit sobrang tindi ng tiwala nya saken. Ang sabi nya saken nun.

Stranded

James Silver

Fiction

"Ayoko na!" ang sabi ko sa sarili ko habang nakasampa sa barandilya ng barkong sinasakyan ko papuntang Palawan.

"Uy! Gago ka ba, bumaba ka dyan mamaya matuluyan ka nga dyan."sigaw ng lalakeng nasa likuran ko.

"Pabayaan mo ako, gusto ko na mamatay. huhuhuhu!"

"Tangina, kung gusto mo magpakamatay. Sa kabilang banda ka, doon sa hindi ko nakikita. Konsensya ko pa pag nahulog ka dyan." bulyaw nya sa akin.

"Edi, ikaw ang umalis. O kaya pumikit ka para hindi mo ako makita." balik na sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Magpapasakal na si Gerald doon sa putang inang babae na yun na mukhang sandok. Tangina ano bang nagustuhan nya dun? Napakapayat ng katawan tapos anlaki ng ulo. Bukod sa hindi na sya maganda eh, nuknukan pa ng engot.