"Ang taong niloko noon
Ang siyang maghihiganti ngayon."
Sabado, Marso 7, 2015
Red Paint
Rezso
Fiction
Chapter 1: "Flipped"
Kasalukuyan akong naghahanda para sa aking pag-alis mula dito sa aking dating tahanan. Inaayos ko ang ilang gamit na aking dadalhin. Hindi ko naman balak na bitbitin lahat pero, yung mga mahahalaga lang saken ang kukunin ko kagaya nang ilang gamit na nauukol sa sining katulad ng mga paint tube, ilang set ng paint brush at mga blankong canvas. Dadalhin ko rin yung ilan sa mga damit ko at kaunting memorabilia. Kailangan ko nang maisaayos lahat ng ito bago pa man dumating si mama. Ilang sandali na lang ay darating na iyon upang sunduin ako. Medyo nalulungkot ako pero ito naman kasi ang dapat kong gawin. Wala na akong kailangan pa sa lugar na 'to kaya kailangan ko nang bumalik sa poder ni mama. Ang nakakalungkot lang naman ay yung ideyang iiwan ko na ang tahanang ito na naging kanlungan sa loob ng mahabang panahon.
Sa matagal kong pamamalagi sa lugar na ito ay marami na akong nakalimutan. Napawi na nito ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan. Muli akong magbabalik sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Pero hindi katulad ng dati na hindi ko kaya, ngayon ay babalik ako upang harapin na ang katotohanan. Wala na akong magagawa pa sa mga nangyare. Ang dapat ko na lamang gawin ay tanggapin na natapos na ang lahat. Magpapatuloy na lamang ako sa buhay na dala ang bagong pag-asa. Salamat sa lugar na ito na itinuring kong tahanan sa loob ng limang taon.
Kaunti na lamang at matatapos na ako sa pagsasaayos ng mga gamit na dadalhin ko. Maging ang sarili ko ay inihanda ko na rin. Matagal kaming hindi nagkita ni mama, kaya naman sa muli naming pagkikita ay gusto kong abutan nya ako na maayos at masaya. Malaki ang naging pagkukulang ko sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga nasayang na panahon. Sya at si kuya na lang rin kasi ang natitira saken. Si papa kasi ay matagal na ring namayapa, gayun din ang nag-iisang taong minahal ko. Si Godfrey.
Lunes, Enero 5, 2015
Fortress 2
Fortress 2
James Silver
Fiction
Nagising ako sa maagang pagkatok ni aleng Irma sa pintuan ng
apartment ko. Syete a-uno na pala at bayaran nga pala ng bahay. Agad ko syang
nilabas dahil baka isigaw nya pang magbayad na ako. Baka masungalngal ko pa sya
ng sapatos ng di oras.
“Magandang umaga po. Aleng Irma” sabe ko habang pupungas
pungas pa.
“Oh, JL ikaw na lang ang hindi nagbabayad. Tsk! Kailangan ba
talagang buwan buwan akong kumakatok dito para maningil. Kilala mo naman ako,
ayaw kong may nahuhuli sa pagbabayad. Ikaw pa itong pasaway, tagal tagal mo na
dito eh, hindi kapa rin nagbabago.” Sabe ni aleng Irma.
“Baka pupwede mo muna akong paghilamusin bago mo ako
dakdakan dyan.”sabe ko sa isip ko.
“Ah, naku po pwede po bang sa susunod na. Meyo kinapos po
ako ngayon eh. Ahm dodoblehin ko na lang po sa susunod na buwan.” Pakiusap ko
sa kanya, dahil talagang wala akong maibibigay sa kanya. Tsk! Lintek naman kasi
yung kapatid ko eh. Naghihirap na nga ako, winaldas pa yung pang-tuition nya.
Kinailangan ko tuloy magpadala sa kanila. Hinihintay ko lang sya makatapos ng
college. Pag nakatapos na sya ay bahala na sya sa buhay nyang pasaway sya.
Konting tiis na lang, gagraduate na rin sya next year eh. Kung gagraduate nga.
Siguruhin nya at ipapatugis ko talaga sya sa NPA.
“Naku! Tsk! Ganyan na lang ba tayo palage?! Napaka-iresponsable
mo naman. Alam mo namang bayaran ng bahay, dapat yun muna ang iniintindi mo.
Hindi kung ano anong walang kwentang gastusin ang inuuna mo. Ipinanlalalake mo
pa yata yung perang pambayad saken eh. Bakla ka kasi eh. Grabe! Isang linggong palugit lang ang
ibibigay ko sayo ah. Pag hindi ka nakapagbayad magbalot balot ka na. Sawang
sawa na ako Janssen.” sabe nya na halos marinig na ng mga kapit bahay ko.
Yakap ng Langit
Chapter 3
James’s POV
Nasanay na ako na hindi kasama si Raffy. Hindi na kasi sya nakabalik simula nung umalis sila halos magda-dalawang taon na din. Nalungkot talaga ako ng sobra kasi hindi nya na naisip dalawin ako. Baka nakalimutan nya na ako. Naging napakahirap ng lahat para sa akin. Nahirapan akong dumiskarte noon sa pangangalakal mag-isa. Hindi na rin kasi ako naghanap ng makakasama, gusto ko ako na lang para akin lang kung ano man ang kikitain ko. May mga pagkakataon pa nga na napapasalita ako mag-isa kasi nakakalimutan ko na wala nga pala si Raffy. Pagkatapos ay nalulungkot ako. Naaalala ko rin sya kapag maliit ang kinikita ko dahil sa hina ko dumiskarte, parang naririnig ko sya na sinasabi sakin na “Tsk! Aanga-anga ka na naman kasi eh”. Dahil sa madalas na wala akong kitain sa pangangalakal ay inihinto ko na rin ito. Naisip ko kasi na hindi na pwede ang ganun dahil tumatanda na rin ang mga magulang ko at baka isang araw ay hindi na rin makapaglaba si nanay. Pag nangyari yun ay siguradong pare pareho kaming mamamatay na dilat ang mata. Dahil nagawa ko na rin naman ng ilang beses ay naisip ko na ngang gawing paupahan ang katawan ko sa mga nangangailangan nito. Mga taong nangangailangan ng paglalabasan ng init bakla, matrona, kahit lalake basta nangangailangan. Nagpatulong ako kay Rhoda para maghanap ng mga magiging kliyente, Hindi naman ako nabigo dahil nun ko lang nalaman na sandamakmak pala ang kaibigan nya. Kaya araw-araw ay mayroon akong kinikita. 500, 700, 1,000 at umaabot pa nga ng 3,000 pag sobrang nasiyahan sila.Naging bihasa na rin ako sa larangan ng pagpapaligaya kaya Inirereto na rin ako ng mga nagiging kliyente ko sa mga kaibigan nila. Minsan pa nga naiiyak na lang ako pag-naiisip ko na kailangan ko pa magkaganito para lang mapakain ng matino ang pamilya ko. Pero walang mangyayari kung magiging mahina ako. Nakakapag-ipon na rin ako dahil balak kong lumipat na kami ng bahay ,doon sa mas matino at mas kumportableng bahay. At tsaka magpapaenroll ako sa high scool kaya kailangan maiayos ko na lahat. Bago pa dumating ang pasukan. Nabibilhan ko na rin ng mga bagong damit ang mga kapatid at mga magulang ko. Ako rin maayos na ako manamit. Marami na ngang nagbago at alam kong marami pang magbabago. Hindi ako titigil hanggang sa mailagay ko sa maayos ang aking mahal na pamilya. Hindi ako susuko, kahit ano pang ibato sakin ng buhay ay magiging matatag ako, hindi ako kayang pabagsakin ng panahon.
Yakap ng Langit
Chapter 2
Raffy’s POV
Habang tumatagal ay lalo pang naging mas malalim ang aming pagkakaibigan. Madalas na nga kaming natutukso na magsyota sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Marami na ang nangyari sa buhay namin masasaya, malulungkot at magugulong pangyayari na lalong nagpapatibay sa samahan naming magkaibigan. Minsan pa nga ilang araw akong hindi nakauwi sa bahay namin dahil sa sobrang kalasingan ko nun nagsasayaw ako sa gitna ng kalye at nagkakakanta ng napakalakas kaya isang kapit-bahay ang nagsumbong sa barangay at ipinahuli ako. Nakulong ako sa barangay ng tatlong araw dahil dun. Nahiya nga ako nun kay James dahil sya ang sumuporta sa nanay ko sa tatlong araw na yun. Medyo nagalit pa nga ako sa sarili ko dahil napilitang magpagamit si James kay Gie yung baklang kainuman namin kila Rhoda na may gusto sa kanya. Dahil na rin sa kulang ang kinikita nya, mahina kasi syang dumiskarte pag wala ako. Panay ang hingi ko sa kanya ng sorry nun sa nangyari. At sinabi nyang “Ayos lang yun, nasarapan naman ako sa kanya eh.” Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko na magagawa nya yun, kaya nakonsensya talaga ako. Dahil sa kagaguhan ko ay naranasan nya tuloy ang ganung uri ng gawain. Sisiguraduhin kong hindi na yun mauulit pa, mag-iingat na ako sa mga ikikilos ko para hindi na mangyari ulit ang ibinunga sa kanya ng kagaguhan ko. Dapat pinoprotektahan ko sya, pero ako pa ang nagtulak sa kanya sa maling pamamaraan ng pamumuhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)


